Seeing Robi Monteverde again was a surprise for Arabella. Hindi lang dahil sa hindi naman talaga niya ito nakilala, kundi dahil sa LA niya ito muling nakita. And what's more surprising was, he was right in front of her doorstep. Si Robi ang lalaking nakabangga sa kanya noon at nagdala at nagbantay sa kanya sa ospital. That time, wala talaga sa wisyo si Ara. Lahat ng nangyayari sa kanya noon ay parang dumaan lang at wala siyang pakialam. She didn’t appreciate Robi’s kindness and concern. Understandably, she didn’t bother to remember his face. But it didn’t mean na nakalimutan niyang minsan, muntik na siyang mamatay dahil sa kahibangan niya. Kaya naalala rin niya si Robi nang magpakilala ito sa kanya. “Binalikan kita sa bahay ninyo,” sabi nito noon. “Pero bumalik ka na nga raw ng L.A. Lu

