Eighteen months later… "Claire, ano ba? 'Asaan ka na? Hindi bumababa ang lagnat ni Claira," nag-aalalang sabi niya sa kaibigan na kanina pa nagsabing pauwi na pero hindi pa naman dumarating. "Sandali. Heto na. Malapit na ako. Dumaan lang ako sa botika," tugon naman ni Claire na mukhang hinihingal pa nga. "Sige. Bilisan mo, please," natatarantang sabi niya na hindi na malaman kung paano patatahanin ang sanggol sa mga bisig niya. Claira was Claire's ten month old daughter. Claire named her child after herself and Ara, thus, Clai-ra. Para kasing kasama siyang nagbuntis dito. Pagbalik niya noon sa Amerika, binuhos niya ang buong panahon niya sa buntis na kaibigan. It was timely kasi naging maselan ang pagbubuntis nito. Kung wala siya noon sa tabi ni Claire, hindi niya alam kung saan

