Milan's POV: Sa buong buhay ko, ngayon lang yata ako kinabahan sa kapwa ko lalaki. Hindi rin basta kapwa ko lalaki ang mga kasama ko rito sa backyard ni Levi, lahat ito ng mga kalalakihan sa pamilya niya. Ang tatay niya, kuya niya, mga tito, at ang kaniyang lolo. Lahat din sila ay kilala sa alta-sosyalidad. "Iho, ano ang pangalan mo? Magpakilala ka sa aming lahat bago ay kami naman ang magpapakilala sa iyo. Kaswal na lamang," panimula ni Mr. Praise. Ang tatay ng ina ni Levi na si Yolly Jock Praise-Heat. Isa sa pinakamalaking kumpanya na may mga chain of hotels. "Ako ho si Milan Philliflani Berlusconi. Una po kaming nagkakilala ni Levi rito sa Pinas noong mga bata pa kami at ang pangalan ko pa po noon ay Milan Philliflani Alberto dahil ginagamit ko po ang apelyido ng aking ina. Nang muli

