Levi's POV: Naging masaya ang pananatili rito ng aking pamilya. May dalawang linggo na sila ritong nananatili sa bahay ko. Iniisip ko nga kung sino ang tumitingin sa mga kumpanya namin kaya tinanong ko noong nakaraan si dad. Huwag ko na raw iyon problemahin dahil magagaling ang head ng bawat kumpanya ng pamilya. Pumipili rin sila ng mga tauhang flexible at kayang-kayang gampanan ang kanilang trabaho. Lagi rin ang mga itong nagrereport kaya alam nilang walang problema. Napanatag naman ang loob ko dahil doon. Nag-uusap naman kaming lahat ngayon dito sa sala dahil balak naming magpunta sa labas ng Pinas o kaya kahit around the Phillipines. Isasama ko syempre si Milliene, si Milan naman ay bahala siya kung sasama. Marami naman siyang pera at alam kong kayang-kaya na niya ang kaniyang sarili.

