Levi's POV: Matapos mahuli ni Pancho ay balik ulit sa dati ang buhay namin. May pera mang nanakaw mula sa amin, kahit papaano ay naibalik ang mahigit twenty thousand sa amin. Maigi na ang may naibalik pa kaysa sa wala. Kaso kahit ganoon, malaking pera pa rin ang nawala sa amin. Hindi rin biro ang halaga noon. Talagang hindi ko makakalimutan ang nangyari na ito. Magsisilbi na rin itong babala sa akin para lalong mag-ingat. Maraming taong kayang-kaya na magtake-advantage sa atin lalo na kapag sa tingin nila ay wala tayong laban. Ang iba pa ay sinasamantala ang kahinaan ng isang tao. Mga wala silang konsensiya. Nagsisipag na rin ako sa trabaho habang si Milan ay ginagabi pa rin ng uwi. Nalaman kong nagtatrabaho pala siya sa isang restaurant bilang tagahugas ng plato. Sinabihan ko naman siya

