Milan's POV: "Milan, hindi ka na tumutulong sa thesis natin. Lagi kang maagang umaalis. Kung ayaw mong bigyan kita ng zero sa participation, tumulong ka naman. Pwera na lang kung pagbibigyan mo na ako ngayon. Pareho naman tayong mag-eenjoy at sinisigurado ko iyon. Tatanggi ka pa ba sa grasya? Exempted ka na sa thesis, maligaya ka pa," malanding sabi sa akin ni Sofia at hinawakan ang balikat ko. Marahas ko namang tinanggal ang kamay niya sa aking balikat. Hindi ako pumapatol sa mga babae pero punong-puno na ako sa kaniya. Dati pa niya ako ginaganito, inis na inis na ako. Tinatakot niya ako sa mga bagay na akala niya ay magtatagumpay siya. Akala niya siguro lahat ng gusto niya ay makukuha niya. Pwes, nagkakamali siya. Hinding-hindi rin ako kahit kailan papatol sa tulad niyang malandi. Maha

