Yolly's POV: (Yolly's backstory / Mababasa sa Inseminated by the Billionaire/ spoiler alert) Kakaalis lang ni Zodiac papunta sa mansyon niya. Inihatid niya ako dito sa bahay bago siya umalis. Binuksan ko ang bag ko para kuhanin ang cellphone ko. Nakita ko ang cellphone ni Zodiac nandito sa loob, nakalimutan niyang kuhanin sa akin kanina. "Kuya Sonson pwede mo ba akong samahan naiwan ni Zodiac 'yong cellphone niya ibigay natin. Pauwi siya ngayon sa mansyon niya," paalam ko kay Kuya Sonson at hinila ang laylayan ng damit niya. Nagtitimpla siya ng kape ngayon dito sa kusina. "Say the magic word muna," sabi ni Kuya Sonson at humarap sa 'kin. "Please?" pagsuko ko at humalik sa pisngi niya. "Okay little sis let's go," yaya ni Kuya Sonson bago inisang lagok ang kape niya. Grabe hindi ba m

