CHAPTER 2

753 Words
Levi's POV: Napairap naman ako kay Misty. Nakabra lamang kasi ito. Hindi kasi sanay si Misty na matulog na nakadamit. "Pass ako, kakasermon lang sa akin nila dad. Pahinga muna ako. Enjoy na lang kayo nila Friday," sabi ko. "Argh, come on! Don't be a p***y, Levi! Sumama ka na at minsan lang naman! May swimming pati rito at maraming gwapo! Although titingin ka lang naman but hindi ka lalandi," nakangusong sabi ni Misty. "I'm sorry Misty, hindi ako sasama. Balitaan na lang kita kung susunod man ako. I'll text you na lang alam ko naman kung saan iyan," sabi ko at pinatay na ang tawag. Wala ako sa wisyo na lumabas at tumakas na naman. Natatakot akong mahuli ng aking mga magulang. Baka palayasin na nila ako this time. Napagdesisyunan kong maligo muna. Pumasok ako sa banyo at kaagad na naghalf bath. Mabilis lamang ako dahil pakiramdam ko ay antok na ako. Tapos na kaming maghapunan at paniguradong nasa taas na silang lahat. Magpupuslit na lamang ako ng pagkain sa kusina dahil nagugutom na naman ako. Pagkatapos kong maligo ay nagpunta ako sa walk-in closet para magbihis ng pantulog. Isang ternong t-shirt at jogging pants ang isinuot ko. Nagtsinelas na ako at lumabas ng kwarto. Napadaan ako sa opisina ni dad at parang naririnig kong may nagsisigawan. Lumapit naman ako sa may pinto at itinapat ang aking tenga para marinig ang usapan nila. Ngayon lang ako naging chismosa. "Zodiac banana bear ko, huwag ka namang ganiyan sa anak natin! Ayaw kong malayo sa kaniya. Huwag naman ganito banana bear ko," rinig kong sabi ni mom. "Pero Yolly, kailangan ni Levi matuto. Isang taon lang naman siyang mag-aaral sa farm natin sa Pampanga kasama sila Fabian. Maaalagaan naman siya roong mabuti," rinig kong sabi ni dad. Nanlaki ang mata ko dahil sa aking narinig. Hinding-hindi ako pupunta roon at mag-aaral. Ayaw ko roon, hindi ako tatagal. Takot ako kay Tito Fabian. Si Tito Fabian at Tita Viper ay magkapatid at pinsang buo ni dad, mga tito at tita ko. Pero ayaw ko kay Tito Fabian, sinasaktan niya ako kapag may hindi ako nasusunod. Muntik niya pa nga akong mataga dati dahil sa sobrang galit niya. Lagi rin akong ginagawan ni Micka ng storya, anak niya, kaya nagagalit sa akin si tito. Simula ng bakasyon namin dati roon ay sinaktan niya ako kaya hindi na ako sumama pa ulit. Tumakbo ako papasok sa aking kwarto at pumunta sa walk-in closet. Kaagad akong naghalwat ng damit at inilagay ito sa isang bag. Nagpalit din ako ng boyfriend jeans at tank top. Tatakas ako hanggang sa bumalik na ulit ang pasukan dahil sembreak na namin ngayon. Magalit na sa akin si dad basta hindi ako babalik sa Pampanga. Binuksan ko ang bintana namin at bumaba roon. Tinalon ko ang pangalawang palapag namin. Sanay na akong gawin ito. Umiwas ako sa mga guwardiya at inakyat ang gate sa likod. Kaagad naman akong tumakbo palabas ng subdivision namin. Umupo ako sa isang bench at nagdial. Kaagad naman ding sumagot ang tinawagan ko. "Hello Misty nasaan ka? Sunduin mo ako, tumakas ako sa bahay. Sasama ako r'yan sa party niyo," sabi ko kay Misty kaya rinig ko naman ang pag-irit niya sa kabilang linya. Matapos ng pag-uusap namin ni Misty ay si Rewerd ang inutusan niyang sumundo sa akin. Nagkita kami sa isang lugar na napag-usapan. "What happened? Ayos ka lang ba? You look wasted," tanong ni Rewerd at kinuha ang bag ko. "I'm fine as hell, Rewerd. Nagkaproblema lang sa bahay. Thank you for picking me up again," nakangiti kong sagot. "Anything for a friend," sabi naman ni Rewerd at pinagbuksan ako ng pinto. Sumakay ako sa passenger's seat samantalang siya ay nagmaneho na. Papunta kami ngayon sa farm nila Misty dahil may party siyang gaganapin doon. Party raw dahil sembreak na. Ayos lang naman kay Misty na roon muna ako tumuloy sabi niya nang tumawag ako kanina. Nagdrive thru kami ni Rewerd at nilibre niya ako ng coke and fries. Nagpasalamat naman ako at nagmaneho na siya deretso papunta sa ranch o farm nila Misty. Tinatawag niya kasi iyon na ranch para daw sosyal pero isang buong farm naman ang pag-aari nila. Naging tahimik lamang kaming dalawa. Kumakain ako habang siya ay sinusubuan ko kapag nanghihingi. Wala kaming relasyon ni Rewerd at magkaibigan lang. Siya pa nga minsan ang sumasaway sa akin kapag sumusobra na kami nila Misty sa kalokohan. Ganoon din si Cloud pero mas close kami ni Rewerd. Masaya among mayroong mga kaibigang tulad nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD