Levi's POV:
Ilang minuto pa ay narating namin ang rancho nila Misty. Buong farm pala nila ay bukas at sa may barn ang party. Hindi na ako nagpalit ng damit at lumabas na ng sasakyan. Kasunod ko naman si Rewerd na bitbit ang bag ko.
Pumasok kami sa loob ng barn, napakaraming tao. May mga hindi ako kilala na siguro ay kaibigan ni Misty. Ang iba naman ay mga schoolmates namin.
Umakyat kami ni Rewerd sa may second floor at may binuksan siyang pinto. Agad naman akong napaiwas ng tingin nang akmang maghahalikan si Misty at Cloud. Magjowa kasi silang dalawa.
"Hey b***h buti nakarating ka! It is nice to see you again!" masayang bati sa akin ni Friday at nakipagbeso.
"Parang kaninang hapon lang tayo magkakasama," natatawa kong sabi.
Nakibeso rin ako kila Misty at Cloud. Nagkwentuhan kami at niyaya ako ng dalawang b***h na magpalit ng damit. Bumili raw silang tatlo ng dress na magkakapareho kami. Sabi ko naman ay huwag magpopost dahil baka makita ng mga kamag-anak ko.
Pumunta kami sa may isa pang kwarto at nanlaki ang mata ko nang makita ang dress. Unang nagsuot si Misty at Friday. Hapit na hapit ito sa katawan nila.
Ang dress ay bodycon na half thigh ang haba at spaghetti strap. Ang suot ni Misty ay kulay red habang kay Friday ay green. Sa akin ang kulay blue. Ako raw kasi ang pinaka-inosente sa amin at cute.
Hindi naman lingid sa kaalaman naming tatlo na ako ang pinakamaganda, alam ko naman iyon. Si Misty ay medyo kulot ang buhok na kamukhaan ni Loisa Andalio. Si Friday naman ay kahawig ni Kim Chiu dahil may lahi itong chinese at singkit pa. Kamukha ko nga raw si Kendall Jenner, hindi naman ako naniniwala.
Dalagang-dalaga naman na ang katawan ko. Baling-kinitang katawan, mahabang maalon na itim na buhok, hindi kalakihang dibdib, at magandang kurba na balakang. Malaking bulas nga raw ako sabi nila Misty para sa aking edad.
Sinuot ko na ang damit at tawa kami nang tawang tatlo. Para kaming powerpuff girls. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang kulay na binili nila.
Napangiti na lamang ako dahil kahit saglit ay nakalimutan ko ang problema ko sa pamilya. Sana naman ay kahit panandalian, magawa kong sumaya at makalimot.
Niyaya ko naman na silang bumaba dahil nagugutom na ako. Ipinagmamalaki naman ni Misty ang carbonara sa baba dahil sa isang italian restaurant niya pa raw ito ipinaluto.
Sabay-sabay kaming lima na bumaba. Napasulyap naman sa aming lahat ang mga bisita. Nagpunta kaming lahat sa stage kaya tinitingnan kaming lahat.
Marami ang humahanga sa aming lima dahil sikat kami at mula sa mayayaman pamilya. Lalo si Misty at Rewerd, chain of hotels and restaurants ang pagmamay-ari ng pamilya nila.
"Goodevening everyone! Nag-eenjoy ba kayo? Can I hear some noise!?" sigaw ni Misty kaya nagsigawan ang mga tao.
Nakangisi lamang ako habang nakatingin sa alon ng mga tao. Malaki itong barn nila Misty at tantya ko ay nasa 200 mahigit ang mga bisita. Halimaw talaga magpaparty ang isang ito.
"Party pa mga bitches! Turn the music on and louder!" sigaw ni Misty kaya naghiyawan ulit ang mga tao.
Bumaba na kaming lima ng stage at pumwesto sa couch sa gitna na nakalaan para sa amin. Napansin ko namang may mga nakaupo rito kaya napakunot ang noo ko.
"Siya nga pala everyone, kasama ang mga seniors sa party natin. Meet Ruby, Tiff, Wendel, Keen, and Milan," pakilala ni Rewerd sa limang katapat namin.
"Nice to see you all," bati sa kanila ni Friday.
Naiwan ang mga mata ko sa tinawag ni Rewerd na Milan. Napakagwapo niya, pambihira. Parang italyanong nahulog dito sa Pinas. Simple lang din ang suot niyang faded jeans, vans, at printed tee. Napakagwapo naman ng isang ito. Bakit hindi ko nakita iyan sa school? Imposible namang sa itsura niya ay hindi ko siya mapapansin.
Nagkwentuhan pa kaming lahat at nalaman kong 17 years old pala itong si Milan at senior high school sa pinapasukan naming school. Milan Philliflani Alberto pala ang buong pangalan niya, ang pogi rin ng pangalan parang siya. Kamukha niya 'yong modelo na amerikano na nakikita ko sa TV. Christian Hogue yata ang pangalan. Para siyang younger version niya.
Nagkatuwaan ang mga kaibigan namin at partner-partner na pumunta sa dance floor para magsayaw. Naiwan naman ako at itong si Milan. Nakatitig siya sa akin habang umiinom ng alak. Ang gwapo niya talaga.
Tumayo naman siya at tumabi sa akin. Pagkaupo niya ay amoy ko agad ang kaniyang pabango. Tang ina, tao pa ba 'to? Hindi ko akalaing 17 pa lang siya. Sabagay, mukha na nga akong 19.
"Hi," bungad niya sa akin.
"Ako si Levi," pakilala ko.
"Milan," pakilala niya rin.
Nagkwentuhan kami at nagkapalagayan ng loob. Niyaya niya naman na akong sumayaw sa dance floor.
Magkahawak kamay kaming tumungo sa alon ng mga tao. Nakangiti lamang ako habang nakatitig sa kaniya.
Sumayaw ako na nakatalikod sa kaniya. Ramdam ko namang hinawakan niya ang bewang ko at inilapit ako sa kaniya. Doon na ako napalunok.