Tumatak sa isipan ni MJ ang sinabi ni Franco tungkol sa dating nobya ni Markus. Mary rin ang pangalan nito na nagkataon naman makasabay man lang sa hapag-kainan. Masyado siyang apektado sa kadahilanang nakikita raw ni Markus ang dating nobya nito sa kaniya na ayon naman kay Franco. na iyon ang ibinigay niya na pangalan niya. Mula nang araw na iyon ay iniwasan na naman niyang makasalubong si Markus o Gayunpaman ay ipagpapatuloy pa rin niya ang kaniyang misyon at nandito siya ngayon sa isang coffee shop kung saan nakipagkita siya kay Walter. Nakasuot naman siya ng eyeglasses, sombrero at denim jacket upang hindi siya makilala kung sakaling pinapasundan siya ng mga tauhan ni Markus. Mabuti nga at napapayag niya ang binatang lalabas lang siya dahil may bibilhin. “Kumusta ka na, MJ?” tanong

