MJ... KATATAPOS niya lang magdilig ng halaman sa terrace nang lapitan siya ni Franco isang umaga. Madalas na si Franco ang naroon kaysa sa mga member ng head dragon na bihira niya lang din makita. Marahil ay may mga kaniya-kaniyang ginagawa ang mga ito. “Pinapatawag ka ni Markus, Miss Mary. Nasa library siya at hinihintay ka,” wika nito sa kaniya. “Sige.” Inilagay niya naman sa isang tabi ang spray na may lamang tubig na ginamit niya kanina lang sa halaman. Bago siya naglakad papasok sa loob ay napuna niyang napatitig si Franco sa kaniya marahil siguro sa daring niyang suot na kahit ang haring-araw ay mapapasilip talaga. Isang backless na dress na kulay maroon na hanggang tuhod lang ang suot niya. Naka-pony pa ang buhok niya at swabe lang ang kaniyang kilos. Hindi naman niya inalinta

