MJ... Naglalakad na siya papasok sa condominium nang bigla siyang hinarangan ni Franco. Nagulat pa siya rito dahil hindi maipinta ang mukha ng binata. “Miss Mary, kanina ka pa hinahanap ni Boss Uno. Saan ka galing?” Bakas din sa mukha nito na balisa at tila naiipit sa sitwasyon. “May pinuntahan lang ako,” matamlay niyang tugon. Wala siyang panahon na makipagdiskusyunan sa binata. “God! Alam mo bang kanina ka pa hinahanap ng boss ko?” asik nito sa kaniya. Hindi naman siya nasindak. “Nasaan siya?” “Nasa penthouse. Hindi na namin alam kung saang lupalop ka hahanapin.” “Ako na ang bahala.” Muli siyang naglakad papasok subalit natigil rin nang tawagin siyang muli ni Franco. “Miss Mary...” Lumapit ito sa kaniya. “Binabalaan lang kita na mainit ang ulo niya dahil nawala ka ng ilang o

