Markus... "Boss, mukhang maganda ang mode natin ngayon?" bati ni Dos sa kaniya. Maaga silang nasa golf course sa Tagaytay upang maglaro at pag-usapan na rin ang kanilang negosyo. Siya naman na may hawak ng putter para tamaan ang golf ball. Maya-maya pa ay sinimulan na niyang tamaan ang bola hanggang sa tumilapon ito palayo. Nasundan na lamang nila ang naturang bola hanggang sa pumasok ito sa butas. Ang mga member naman niyang naroon ay napapalakpak na naman sa kaniyang husay sa pag-go-golf. "Nice!" Hindi pa rin inaamag ang kamay mo, Boss Uno. Mukhang shooter ka pa rin," sambit ni Singko na mukhang may ibig sabihin. "Oh, it's your turn," wika niya kay Simgko. "Yeah, it's my turn." Pangiti-ngiti lang ito sa kaniya. Kumuha na rin ng gamit at bola para ito naman ang maglaro. Kumuh

