Patuloy niya akong hinahalikan sa leeg, tila sinisimsim ang amoy ko. Hindi ko naman mapigilang makiliti sa ginagawa niya, "T-teka," saad ko habang pilit siyang pinapaalis sa likod ko. "Hmm, ang bango mo talaga!" bulalas niya bago lalong hinigpitan ang pagkakayapos sa akin. "Nakakahiya kila Inang, ano ka ba?" mahina kong pigil sa kanya. Nang lumuwag ang pagkakayakap niya ay agad kong binitiwan ang tinitimplang kape at pasimpleng nagmumog. Mabilis akong tumakbo sa kwarto upang kuhain ang sepilyo ko at lagyan iyon ng toothpaste pero muli siyang sumunod doon. Pabalandra niyang isinara at ini-lock ang pinto gayundin ang bintana. Mabuti na lang at walang mga batang nakakita sa ginagawa niya. "T-teka, a-anong ginagawa mo?" takang tanong ko sa kanya. Bagama't alam ko na ang nais niyang mangy

