"Iha, bumaba na si Dominic. Hindi ba nagpaalam sa 'yo?" Bungad ni Inang sa tapat ng pintuan ng kwarto ko. "Sumenyas po siya dito sa bintana, Inang." sagot ko habang inaayos ang mga maruruming damit ko. "Gano'n ba. O, siya, lumabas ka na lang para makakain, ha?" bilin niya. "Opo, salamat, Inang." Matapos kong pagsama-samahin ang mga damit ay lumabas ako upang sumubo kahit kaunti. Ang totoo ay masakit ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung dahil sa pag-akyat at baba ng bundok o dahil sa ilang beses na mainit naming pag-iisa ni Dominic. Sa alalahaning iyon ay hindi ko maiwasang mangiti habang kumakain. Nagulat na lang ako sa hagikgikan nila Mayumi at Lakan na nasa tapat ko. "Uy, si ate. Ngumingiti mag-isa," tudyo ni Mayumi. "T-talaga? Ako, ngumingiti mag-isa?" Sabay na tumango ang d

