Ilang sandali pa ay n5rapagpasyahan na din naming hanapin ang daan pababa. Dahil si Dominic lang ang nakakaalam ng daanan kung saan kami bumagsak kahapon, siya na din ang naging lead upang balikan namin ang lugar na 'yon. Nahanap naman namin kaagad ang mga gamit naming naiwan doon, may kalayuan nga lang ang bawat pagitan ng mga ito. Sobrang tarik pala talaga ng binagsakan namin, may malalaking bato din doon kaya masasabi kong milagro na hindi kami naapektuhan at nasaktan masyado. "Are you sure you don't wanna stay?" makahulugang tanong ni Dominic. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang kakaibang ngiti sa kanyang mga labi. Ngumisi ako at tinitigan siya, "Do you really want us to stay?" malambing kong tanong. Nagbaba-taas ang dalawang kilay niya, ngumiti ng matamis at tumango ng sunod-sun

