THIRD PERSON POINT OF VIEW "Wow! Hindi mo naman binanggit na masarap ka pala magluto," manghang bulalas ni Dominic. Napapapikit pa ito sa tuwing susubo ng kare-kare. Tila nahihiya namang nagyuko ng ulo ang dalaga, "Ang totoo niyan, nanuod lang ako kung paano magluto ng espesyal na kare-kare at eskabetcheng tilapya. Ginaya ko lang din kung ano ang mga sangkap," mahinang tugon niya. Nagkibit-balikat si Dominic, "Regardless kung nanuod ka, timpla mo pa rin naman 'to. May talent ka talaga sa pagluluto kasi kung wala, hindi mo pa rin naman makukuha ang tamang timpla," Nakangiti niyang sambit sa kasintahan. Kinindatan niya pa ito. "Hindi mo ko binibiro lang?" diskumpyadong tanong ni Andriette. Umiling ng sunod-sunod si Dominic. "No," seryoso niyang sagot. Lihim na nangiti si Andriette, d

