Halos takpan ko ang dalawang mata habang pinapanuod sa selpon ko kung ano ang 50 shades of grey. Napag-alaman kong movie pala iyon base sa pagreresearch. Sa dalawang kasunod na part ay puro highlights na lang ang pinanuod ko. Masyado kasing mahaba kung papanuorin ko ng buo. Nakakakilig pero hindi ko akalaing pwede gawin ang mga gano'ng bagay pagdating sa lovemaking. Habang nag-aasikaso ng iluluto ay hindi ko mapigilang mapailing at mapangiti sa tuwing maaalala ang pinanuod ko. May ilang part doon na parang gusto ko rin maranasan o iparanas kay Dominic pero naroon ang hiya. Parang ang awkward. Pinilit kong alisin sa isip ang nalaman at nagpokus sa pagluluto. Nagpatugtog na lang ako at nag-ear-phone upang mas gumaan ang mood ko. Sinasabayan ko na rin ang ilang kabisado kong kanta habang na

