"Thank you," malambing na sambit ko kay Dominic habang nakayakap sa kanya. Kasalukuyan kaming nasa tumba tumbang upuan, dahil medyo malaki naman iyon ay kasya kaming dalawa doon. Nakatanaw kami sa maliwanag na buwan at makikinang na mga bituin sa kalangitan. "Para saan?" tugon niya. "Sa lahat, akala ko kasi aabutin ako ng trenta sa paghihintay ng tamang-tao. Tatandang virgin at walang karanasan." Natatawa kong saad sa kanya.. Tumawa siya at tiningnan ako. "Talaga? Paano kung hindi ako dumating?" Lumabi ako at pansamantalang nag-isip. "Edi, wala. Akala ko nga noon, tomboy ako pero hindi naman ako nagkakagusto sa mga kapwa ko babae. Minsan naman napapaisip ako na siguro dahil masyadong mataas ang standards ko kahit ang totoo wala din naman akong ideya tungkol sa ugaling gusto ko sa isa

