"Isn't it beautiful?" Narinig kong tanong ni Dominic. Tumango ako at nakangiting humarap sa kanya. "Sobrang ganda!" Bulalas ko. "Maliligo ka rin ba?" "Aba, oo naman!" Mabilis niyang hinubad ang suot niyang damit, pantalon at sapatos. Nag-iwan lang ng boxer na pangtakip sa kanyang katawan at masaya na siyang lumusong sa hot spring. Aaminin ko, nakakaakit ang kabuoan niya. Hindi siya gano'n ka-macho dahil may mga baby fats siya sa tiyan pero para sa akin, iyon ang kabuoan ng isang manly. Hindi na rin ako nagdalawang isip na lumusong na sa tubig, madali kong inalis ang suot kong sapatos at saka nagtangka ng lumusong pero papatapak pa lang sana ako ay agad akong pinigil ni Dominic. "Teka, ganyan ka maliligo?" Aniya habang nakaturo sa suot ko. Taka kong tiningnan ang hitsura ko, "Oo, b

