DOMINIC'S POINT OF VIEW Hindi ako makatulog, hanggang ngayon ay laman ng isip ko ang blangkong tingin at tila malungkot na mga ngiti ni Andriette sa akin. Nasasaktan ako dahil wala akong narinig o naramdamang pagseselos man lang mula sa kanya. She makes me feel special, I thought she love me too 'cause I can feel it kahit pa hindi niya 'yon sabihin. Noon pa man ay alam kong hulog na hulog na ang loob ko sa kanya at mas naging malalim pa iyon ngayon lalo na ng may mamagitan na sa aming dalawa. Pero akala ko lang yata ang lahat. Hindi na rin bumalik ulit si Benjamin. Lalong nadagdagan ang kaba ko. Kilala ko siya kahit hindi kami tunay na magkapatid. Bolero siya at talaga namang babaero. Tinatago ng conservative niyang hitsura ang tunay niyang pagkatao. Hindi man kagaya ng mga babaeng nalo

