Nagising ako sa kakaibang amoy ng usok sa paligid, pag-ikot ko upang yakapin sana si Andriette ay nalaman ko na wala na pala siya doon. Mag-isa na lang akong nakahiga sa pinagsama-samang dahon ng saging. Tiningnan ko ang kabuoan ko, wala pa rin akong saplot na kahit ano. Nakatupi ang pantalon ko, damit at panloob na kasuotan sa bandang ulunan ng aking higaan. Ang tanging saklob ko sa katawan ang isang makapal na Jacket. Iginala ko ang paningin at nakita ko ang tila iniihaw na kung ano sa may baga. Doon pala nanggagaling ang amoy na gumising sa akin. Naroon din si Andriette at kasalukuyan nitong iniikot ang kanyang niluluto. "Good morning, Sleepy head!" aniya ng maramdaman ang kilos ko. Tumingin siya sa gawi ko at ngumiti ng napakaganda. "Ano yan? Okey na ba ang pakiramdam mo?" tanong ko

