DOMINIC'S POINT OF VIEW Ramdam ko ang pagbigat ng ulo ni Andriette sa aking bisig, patunay na nahihimbing na ang dalaga. Pero imbis na tanggalin ang kanyang pagkakahiga niya sa akin ay mas hinigpitan ko pa ang yakap sa mainit niyang katawan. Nakaharap na siya sa akin at nakayukyok ang ulo niya sa ilalim ng baba ko, langhap ko ang mabango niyang buhok at ramdam ko din ang kanyang malalim na paghinga. Natural na bango ng isang babae na kahit sinong lalaki ay mahihirapang kontrolin ang respondeng ibinibigay ng kanyang katawan. Medyo kalmado na siya, kanina ay halos manginig siya sa lamig dahil na rin siguro sa taas ng lagnat niya. Nakatulong ang pagdidikit ng katawan naming dalawa upang kahit papa'no ay bumaba ang temperatura niya. Bumaba ako ng konti mula sa mataas na pwesto ko kanina, sa

