Galit na tumalikod si Lizzy sa amin. Nakangisi ko siyang sinundan ng tingin habang papalayo. "That was amazing!" mahinang bulalas ni Dominic habang nakatawa. "What was that?" takang tanong ni Krystal sa akin. "What?" Kibit-balikat na tanong ko. "Remember you're on your vacation, you supposed to have fun," "That's why I'm having fun." Tiningnan ako ni Krystal ng kakaiba. "You know you can share anything with me, Andriette. Lalo na at narito ako ngayon." "I know, pero don't worry. I can handle this on my own." kinindatan ko siya matapos sabihin iyon. "Cheers!" Nakailang baso pa ako ng wine habang palihim na pinagmamasdan si Dominic habang isa-isang kinakausap ang grupo ng mga bisita kasama si Lizzy, nakapaskil ang pekeng ngiti sa mga labi niya. Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya

