Wala kaming kibuan habang naglalakad pababa, nauuna si Benjamin habang nasa likuran kami ni Andriette. Hindi nagsasalita ang dalaga at tila malalim ang iniisip. Nakapokus lang siya sa paglalakad o mas mainam sabihin na malayo ang takbo ng isip niya habang naglalakad. "Hey," tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at nagtaas ng dalawang kilay, senyales ng pagtatanong kung bakit ko siya tinatawag. Tumikhim ako bago nagsalita. "Uhm, are you okey?" Tila nagtaka siya, "Y-yeah, why?" aniya. "I just notice you're quiet, is everything okey?" "Ah, Oo naman. May.. may kailangan lang ako asikasuhin," napansin ko na pilit ang ngiti na sumilay sa mga labi niya. "Are you sure?" paninigurado ko. Tumango siya ng sunod-sunod. "Oo nga, huwag mo na akong intindihin, bilisan mo na lang kaya maglaka

