Matapos makuha ang susi sa front desk ay magka-akbay kaming naglakad papuntang elavator ni Andriette. Wala akong paki-alam sa mga matang nakasubaybay sa amin na animo'y takang-taka. Inakala kasi nilang wala akong girlfriend dahil sa tuwing magbabakasyon ako dito ay mag-isa lamang ako at ang isa sa mga front desk worker namin ang inakala nilang magiging girlfriend ko. I can't deny, she's beautiful at totoong malakas ang s*x appeal pero hindi na lingid sa akin ang katotohanang once na pinatulan ko ang mga pang-aakit niya, sigurado akong hindi na siya lalayo at kakapit ng parang tuko sa akin ang babaeng yun. Iba kasi ang mga babae dito sa pilipinas kumpara sa amerika. Ang mga babae doon ay sanay sa one-night stand at gaya ng karamihan sa mga lalaking nag-eenjoy lang, ayaw pa rin nila magpata

