ANDRIETTE's POINT OF VIEW Si Krystal ang kakatagpuin ko. Kasama niya daw ang soon-to-be husband niya at kailangan niyang i-abot sa akin ang invitation personally. Timing naman na ang prenup shoot ay ginanap malapit lamang sa lugar kung nasaan ako ngayon kaya naisipan na rin daw nila akong daanan. May invitation din daw sila sa gaganaping engagement party ng isa sa close friend ng magiging asawa niya. Doon na lang din yata kami pupunta ngayon. Kailangan nga daw ay naka-formal attire ako kaya wala akong naging choice kung hindi ang mamili ng isusuot kong damit at sandals. Ang totoo, may fashion naman ako pagdating sa pagpili ng mga kasuotan lalo na kung ibabagay ito sa okasyon. Mas prefer ko nga lang madalas na magsuot ng parang pambahay dahil doon ako kumportable. Bago dumeretso sa tagpu

