Habang nasa hapag-kainina ay palihim akong kinikiliti ni Dominic sa hita. Dahil magkatabi kami sa upuan ay pasimple niyang hinihimas ang mga hita ko. Hindi ko magawang umigtad at matawa kahit gustong gusto ko na. Bilang ganti ay kinurot ko siya ng pino at mariin kasabay ng isang makahulugang tingin at irap. Mabuti na lang at nalaglag ang kutsarang gamit ni Mayumi, mabilis iyong pinulot ni Lakan sa ilalim ng mesa kaya walang naging choice si Dominic kung hindi tanggalin ang kamay niya sa hita ko. Ilang sandali pa ay tumikhim ako, "Inang, sana po hindi n'yo na isinabay ang mga damit ko," Nahihiyang saad ko sa kanila. "Nakakahiya naman po sa inyo, e." "Nako, 'yang si Mayumi ang mapilit, Iha. Ayaw papigil," tugon ni Inang. Tiningnan ko si Mayumi, kimi itong ngumiti sa akin, "Tanghali na

