Wala akong matinong tulog buong magdamag kaya pakiramdam ko ay nanakit ang katawan ko. Mag-aalas singko na ako tinigilan ni Dominic. May mga pagkakataon namang nagpapahinga kami pero nauuwi lang din 'yon sa kwentuhan hanggang sa abutin na kami parehas ng umaga.. Tinapunan ko si Dominic ng tingin sa tabi ko. Nakadapa ito habang ang isang kamay ay nakahawak sa tiyan ko. Nahihimbing na siya, rinig ko na rin ang mahihinang hilik niya. Mabuti na lang at nakumbinsi ko siyang magdamit na bago matulog. Mahirap na, baka magisingan kami nila Mayumi at Lakan ng gano'n ang ayos. Sigurado akong hindi iyon maganda. Hinaplos ko ang buhok niya at pinagmasdan ang kanyang mukha. Walang label ang nangyayari sa amin, ako man ay nagtataka kung bakit hindi niya ako magawang tanungin tungkol sa kung ano na ba

