KABANATA 42

1137 Words

"Sandali lang, Ate, Kuya. Naiihi po ako, pwede po ba do'n?" ani Lakan sabay turo sa banyo.. Tumango ako, "O-oo naman. Sige na," pagtataboy ko sa kanya. "Pagkatapos mo kuya ako naman, ha?" si Mayumi. "Oo sige, halika hintayin mo na ako sa labas," sagot ni Lakan habang naglalakad patungong banyo. Tumayo din si Mayumi at matiyagang naghintay sa tapat ng pintuan. Muli kaming nagkatinginan ni Dominic. Agad siyang tumayo at dumeretso sa loob ng kwarto upang itago siguro ang nakitang laruan ng dalawang bata. Ilang sandali pa ay may kumakatok na sa pintuan, siguro 'yon na ang in-order ni Dominic na pagkain. Tumayo ako at nagtungo sa pintuan, bumungad sa akin ang isang babae, may idad na ito subalit pansin pa rin ang pagiging pasyonista niya. Nginitian ko siya at nakangiti rin siyang bumati

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD