Part Three

1743 Words
Mag-isa akong nakaupo sa isang lamesa rito sa cafeteria. Dito ko naiisip tumambay matapos ang klase namin kanina sa Organization and Management. Kanina pa talaga ako nakakaramdam ng pagkagutom. Hindi naman ako pwedeng lumabas during class kasi medyo strict si Ma'am Manuel. Hindi kasi marami ang kinain ko kanina mula sa bahay. Dahil nagmamadali si Papa kasi may emergency meeting daw sila. Magpapaiwan pa nga sana ako at plano kong lakarin ulit ang distansya patungo sa university. Ayaw naman pumayag ni Mama. Baka raw pagpapawisan pa ako o ano ang mangyari sa'kin sa daan o baka raw malate pa ako. Kaya napilitan nalang akong sumama sa kanila. Pwede namang magtaxi o magtrycycle ako papunta rito. But my mother insisted. She always told me I shouldn't act carelessly especially during these days. Baka raw ano pa ang gawin sa'kin ng ibang tao. My mother is somehow, over protective to me. I am their only daughter and somehow I distance myself to those people I barely know. She wants me to be friend with my peers. But she doesn't want me to be independent as I want myself to be. It's like I want to do things on my own, but she's always the person who will insist and I am left with nothing but to follow her. "Bakit tuwing makikita kita, palaging nakakunot ang noo mo? Ano ba yang iniisip mo at bakit ka ganyan?May problema ka ba?" Isang boses ng lalaki na simula pa kagabi ay naging pamilyar na sa'kin. Walang paalam itong humila ng upuan sa kabilang lamesa. 'Tsaka walang paalam rin na umupo sa harapan ko. Ngumiti ito sa'kin. Showing his well cleaned tooth na sobrang puti. Pwede na talaga siyang pangmodel. Kung hindi toothpaste, baka toothbrush. "What are you doing here?" He chuckled upon my remarks. Ang kapal ng mukha "Nakikiupo?" "Pinayagan ba kita?" "Hindi," pagkibit balikat niya. "Pero narito na ako,so wala ka ng magagawa." He smiled Inirapan ko naman siya at walang imik na kumain. Hindi alintana ang presensya niya. Wala naman akong rason para kausapin siya. Isa pa, nakikiupo lang siya, hindi ibig sabihin no'n na kailangan ko siyang kausapin. I was enjoying my food at the very moment. When suddenly he grab my already opened soda and took a sip of it. Not even asking of my permission. I was too surprised to utter even a single word. I remained silent, staring at him. Nakasipsip lang siya sa soda, na tila walang pakealam sa masamang titig na ibinibibigay ko sa kaniya. I clench my fist because of sudden annoyance. "That's mine, sana hindi ka mabulunan." Walang ganang saad ko. Bigla naman siyang napaubo dahil sa sinabi ko. Mabilis niyang binitawan ang soda at ibinalik iyon sa kung saan niya kinuha kanina. Ang kapal talaga ng mukha. Walang imik siyang kumuha ng panyo sa bulsa niya at pinunasan ang labi. Saka ito awkward na ngumiti sa'kin. Nanatili namang walang emosyon ang mukha akong nakatitig lang sa kaniya. "Pasensya na, akala ko kasi akin." He pouted "You're not that stupid, right?" Umiling naman siya. "Hoy hindi naman. Akala ko lang talaga sa—" "Psh." Putol ko sa sinabi niya. He doesn't need to explain. I didn't even asked for it. "Galit ka ba? Gusto mo bibili ako ng bago Pasensya kana, nauuhaw kasi ako. Hindi ko naman inaakala na sa'yo eh." He said massaging his trying to suppress a slight smile. I just nodded as a sign that I'm letting him buy another soda for me. Akala ko ay hindi niya makukuha ang ibig kong sabihin. Tipid na lamang akong ngumiti ng tumayo naman siya bigla. Pero bago siya umalis. He patted my head first making me sigh in annoyance. Hindi naman siya nagsalita. Sa halip ay mabilis lang din siyang pumunta sa may counter para bumili ng bagong soda. I should be shouting at him, dahil sa ginawa niya. Pero bakit hinyaan ko lang siyang kunin ang soda ko? I even let him took a sip of it. Does that mean that we— No! We didn't. We didn't. That was just a soda and a straw! That's it. We didn't kiss, indirectly, right? I was too occupied with the thought of the two of us have done the indirect kiss. That I didn't even notice his presence. Nalaman ko nalang ng bigla niyang dinampi sa mukha ko ang soda na hawak-hawak niya. Dahilan para maramdaman ko ang lamig nito at mapakurap ng ilang sandali. Tiningnan ko naman siya ng masama. Saka walang salitang tinanggap ang soda na inabot niya. "See? Kanina pagdating ko okupado ang isip mo. Pati ba naman ngayon?" He stated. I tried to tilt my head to the left just to see his Sicilian like nose. Kumunot naman ang noo niya sa ginawa ko. Ngunit hindi pa rin ako tumigil sa ginagawa ko. I know he founds it weird. I can't help but to admire his Sicilian like nose. It's literally pointed, kanina gusto ko siyang tarayan, pero kasi yung ilong niya nakakainggit. "I like your nose," wala sa sariling naiusal ko "Ha?" Nagulat naman ako ng bigla siyang magsalita. Kinunutan pa niya ako ng noo ng tingnan ko siya. Akala ko'y may sasabihin siya pero sa huli ay nanatili lang ang tingin niyang nagtatanong sa'kin. Did I just said it out loud? Narinig niya ba? "Ano sabi mo? You like what?" Naguguluhang tanong niya. "Nevermind." Pag-iwas ko sa katanungan niya. Mabilis ko namang ibinalik ang atensyon ko sa pagkain at tahimik itong kinain. Mabuti na lamang at hindi na niya naisapang magtanong kaya nakahinga ako ng maluwag. I'm glad he didn't hear it. Mabuti nalang at medyo mahina ang pagkakasabi ko. Baka pagtawanan niya lang ako kung nagkataon man na narinig niya. I sighed. Ilang minuto rin ang nagtagal at wala kaming imikan ni Damiel. Para bang magkasama lang kami sa iisang lamesa pero hindi kami magkakilala. Ilang sandali, ang buong akala ko ay hindi na talaga kami mag-iimikan na dalawa. Pero napaangat naman ang ulo mula sa pagkakayuko ng magsalita siya. "Mauuna na ko sayo," he smiled while rubbing the top of my hair. Ano kapal ng mukha niya para gawin yon sa'kin. Imbes na ngitian, sinamaan ko lang siya ng tingin. Pangalawang beses na niyang ginanyan ang buhok ko. Kanina nang bumili siya ng soda at ngayon naman. "You can go. You don't need to play my hair." Sagot ko naman. Iniwas ko naman ang ulo ko ng magtangka siya muling galawin ang ito. He chuckled. "Ang dami mo kasing iniisip. Mukha kang problemado, kahit hindi mo naman pasan-pasan ang mundo." Tumawa naman siya pagkatapos niyang sabihin 'yon. "Do I look like?" He nodded wearing one of his silly smile "Ganyan siguro pag mga matatalino katulad mo. Ang daming iniisip," "Hindi ako matalino, may alam lang." "Ganu'n pa rin naman yon. May alam ka kasi matalino ka." He chuckled "Whatever. You should go." Pagtataboy ko dahilan para matawa siya muli ng marahan. Hindi ko naman siya pinansin nang tuluyan na nga siyang umalis. Ilang minuto lang din ang lumipas matapos maunang umalis ni Damiel. Tumayo na rin ako sa kinauupuan ko at sumunod sa kaniya palabas. But it doesn't mean na nakisabay ako sa kaniya. Malalaki naman kasi ang hakbang niya kaya imposibleng abutan ko pa siya. Wala rin naman akong planong makisabay sa kaniya. I walked straight towards our classroom. The same goes like this morning. Karamihan sa mga kaklase ko ay abala sa mga kausap nila na maituturing nilang kaibigan. Dumeretso lang ako sa upuan ko at hinihintay nalang si Ma'am na dumating. Hindi rin naman nagtagal ang paghihintay ko at dumating na rin siya. Kagaya ng madalas niyang ginagawa. Nagdudiscuss lang siya ng ilang detalye about sa topic namin. Saka bigla-bigla nalang din magpapaquiz. Mabuti na nga lang at nakinig ako sa kaniya at may iilang detalye pa akong naalala sa mga diniscuss niya kanina. Kaya may naisagot ako sa surprise quiz niya. My day went smoothly as I expected. Nothing surprisingly happened. It was just odd kasi hindi ko man lang nakita si Sanielle ngayong araw. Siguro kasi abala lang din siya sa mga activities nila. Narinig ko kasi mula sa isa sa mga kaklase ko na marami raw silang ginagawa ngayon. Especially laboratory activities. I wonder if she's doing fine. __ It passed six in the evening when I got home. Medyo marami kasi ang mga estudyanteng nag-aabang ng taxi kanina sa harap ng gate. Kaya kinailangan ko munang maghintay ng ilang sandali. Hindi naman ako maarte. Sadyang ayoko lang makipagsabayan sa mga tao sa tuwing rush hour. Masyadong maingay at magulo, baka masigawan pa ako ng wala sa oras. Medyo mahina pa naman ako kung kumilos. Nang makapasok ako sa loob ng bahay. Wala pa sina Mama at Papa. Kaya naman ay dumeretso muna ako sa kwarto ko para magbihis at gawin ang mga assignments ko. Bago maisipang bumaba para kumain ng meryenda. I was used to this kind of routine. Waking up, as early as 6 am. Doing my morning routine, have breakfast with my parents. After that I would be off to school together with Mama and Papa. They'll drive me there, before they go to the University they're teaching. As usual I would stay lowkey and quite. Attending all my classes and wait for it all to end so I could go home. And , every other time I came home, my parents working eight to nine hours everyday. Hindi na bago sa'kin na umuwi rito sa bahay ng wala sila. After doing my assignments. I just lock myself in my room and do things I usually do. That is reading a book or binging on a new movie. Boring yet that's what it is. I was born alone and was raised of being a decent and sensible person. Although, minsan parang nasasakal ako sa sarili kong buhay na ginagalawan. Parang nasanay na rin ako hindi kalaunan. Wala naman akong choice. I'm kind of an introvert person, who always find excuses whenever someone wants to have fun with me. Kaya nga madalas akong pilitin ni Mama na makisama sa mga kaklase ko. Para naman daw may kaibigan ako bukod kay Sanielle. But I'm not like that. Yeas I talk to people, only if I feel comfortable towards them. I don't like being surrounded with lots of people. I feel suffocated and uncomfortable with their presence. Isa pa, I prefer being alone with myself rather than being alone with anyone else.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD