"We'll see you at home, anak." Malamyosong wika ni Mama at ako hinalikan sa noo.
Walang imik naman akong bumaba mula sa sasakyan. 'Tsaka saglit silang tiningnan mula sa bintana at ngumiti.
"Mag-iingat ka Liya," Si Papa na nakahawak sa steering wheel ng kotse.
Tumango naman ako sa sinabi niya.
Hindi nagtagal ay muli nang pinaandar ni Papa ang kotse. Bumosena pa siya sa'kin senyales na aalis na sila. Iwinagayway ko ang aking kanang kamay. Habang pinapanuod ang kotse nilang papalayo na.
They're both heading to the University where they work at.
Isang paaralan hindi kalayuan mula rito sa Bienvenidu University kung saan ako nag-aaral.
Parehong mga guro ang mga magulang ko sa isang unibersidad. Nakakalungkot nga lang kasi hindi ako pwede mag-aral sa kung saan sila ngayon nagtatrabaho. Ipinagbabawal kasi doon na mag-aral ang mga anak ng guro na doon rin nagtatrabaho. Ewan, para sa'kin wala namang mali kung doon mag-aaral ang mga anak ng guro katulad ko. Ang kaso nadawit kasi ang paaralan noon sa issue tungkol sa favoritism ng mga guro sa sarili nilang mga anak. Kaya marami ang nagreklamo at isinumbong ang paaralan.
Well I don't what happened next. Not until I heard from my own parents na pinagbabawal na mag-aral doon ang katulad kong anak nila.
Okay lang naman eh. Total nakakasama ko pa rin naman sina Mama at Papa sa bahay. Isa pa, there's no difference. Pareho lang naman na maganda ang educational system nila. I don't know much about that University, all I know is that they have the strictest educational system.
"Hoy! Ang aga-aga, ang lalim ng iniisip mo!"
Napalingon naman ako sa taong nasa tabi ko. To my surprise. It was the guy whom I saw last night.
He's now wearing his school uniform just like mine. So he also study in here?
He's smiling from ear to ear as if there's something to smile.
Kung ikukumpara ang hitsura niya ngayon at kagabi. Mas maayos siyang tingnan ngayon, dahil hindi na siya parang basang sisiw. At malinis na rin siyang tingnan lalo na ang buhok niyang nakaayos.
"Masyado ba akong gwapo?" Napakurap naman ako sa tanong niya. Hindi ko inaasahan 'yon mula sa kaniya.
"Hindi, masyado kang feeling." I retorted.
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo." He chuckled.
I distance myself from him. Taking three steps from the side. I continue to walk. I can't even think why I'm talking to him. We're not even close.
"Talaga? Masyado ka yatang feeling close?" I can't help but to act a bit rude to him
"Nagkita na kaya tayo kagabi. Hindi pa ba yun sapat? Mabuti nga at hindi ako sinipon eh." He take three steps towards me. I also did the same making the distance from the both us more far.
"Grabe ka naman. Wala naman akong virus pero kung makadistansya ka—"
"I don't know you." Putol ko sa sasabihin niya
"Edi magpapakilala ako. Mahirap ba 'yon?" He softly chuckle.
Hindi naman ako umimik sa sinabi niya. Ilang segundo ang lumipas at patuloy pa rin ako sa paglalakad patungo sa room ko. Habang siya naman ay ganu'n lamang din ang ginagawa. Nasa tabi ko pa rin siya. Pero katulad nga ng sinabi ko kanina, malayo ang distandya namin sa isa't-isa.
I don't know why he's even doing stupid things like that. Pilit niya akong kinakausap, habang todo iwas naman ako sa kaniya.
"I'm Dame," he casually said.
Napatigil naman ako sa paglalakad. Saka ko siya nginitian ng bahagya. Pansin ko naman ang pagkabigla niya sa ginawa ko. Ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin.
I turn around and started to walk without looking what's behind. I look at the guy in front of me. He's now looking at me raising one of his eyebrows.
Kanina ko pa kasi ito gustong gawin, ang maglakad ng paatras. Ewan ko kung bakit ko ba ito ginawa ngayon na kasama ko siya.
It's not like I'm planning to act cool in front of him. I really want to do this ever since then, but it's just this day that I have gathered my confidence and walk like this.
"Baka ka madapa niyan." Napakamot sa batok niyang saad sa'kin.
Napalingon naman ako sa likuran ko. Wala namang bato sa daan o kahit sinong estudyante na nakaharang sa likuran ko. Kaya imbes na mabahala sa sinabi niya. I just shrug it off and continue what I'm doing.
"Will you laugh if ever that happens?" I asked.
Hindi ko talaga alam kung saan ko nakukuha itong ugali kong ito ngayong araw. Gumising lang naman ako para maligo at para kumain at pumasok. Pero bakit naging ganito ako ngayon?
"I will definitel—"
Hindi na nagawang tapusin ni Dame ang sasabihin niya. Nang bigla na lamang may kung sinong sumigaw mula sa kung saan. Dahilan para mapaayos ako sa aking paglalakad at muling umikot at sumabay sa paglalakad niya.
Ilang segundo kong iginala ang mga mata ko para makita kung sino ang sumigaw.
Kusa na lamang din sumilay ang isang ngiti sa labi ko nang makita ko ang isang babaeng nakasuot ng uniporme katulad ko. Tumatakbo ito patungo sa kinaroroonan namin, habang panay ang pagkaway niya sa mga kamay niya.
Isang ngiti lamang ang iginawad ko sa kaniya habang hinihintay ko siyang makarating sa kinaroroonan namin ni Dame.
Dame, on the other hand. Stood quite while waiting for the girl to come over.
"Sino siya?" Rinig kong bulong sa'kin ni Dame. Dahilan para mapahakbang ako ng ilang hakbang papalayo sa kaniya.
Hindi ko man lang namalayan na sobrang lapit niya na pala sa'kin.
Bahagya namang kumunot ang noo niya. Pero kalaunan din ay narinig ko siyang tumawa ng marahan. Dahil siguro sa ginawa ko. Hindi ko naman siya pinansin. Itinuon ko nalang ang tingin sa babaeng hingal na hingal na nakatayo sa harapan ko.
"Hooo! Nakakapagod pala tumakbo!" Reklamo niya
"Bakit ka ba kasi tumakbo?"
"Kasi gusto ko sabay tayo ih!" Parang batang pagmamaktol niya.
Kinuha ko naman ang panyo kung saan nakalagay sa maliit na bulsa ng backpack ko at iniabot sa kaniya. Para punasan ang namamawis niya noo.
"Silly. Pwede ka namang maglakad at tawagan ako para sabay na tayo."
"Eh paano kita matatawagan kung wala akong load?"
"Edi magpaload ka. Simpleng bagay 'di mo magawa." Biglang pakikisingit ni Dame. Kapwa kaming dalawa ni Sanielle ay mapatingin sa gawi niya. Patay malisya naman itong umiwas ng tingin sa'kin at pasimpleng sumipol. Akala niya naman hindi namin narinig ang sinabi niya.
"At ano'ng ginagawa mo rito? Damiel Samaniego?" Nagtatakang tanong ni Sanielle. So, kilala niya ang lalaking 'to?
"Sinabayan ko si, itong—"
Hindi niya magawang tapusin ang sasabihin niya. Dahil panay lang siya sa kakaturo at nguso sa'kin. Naalala ko hindi niya pala alam ang pangalan ko.
Hindi na lamang ako umimik. Lalo na nang muling magsalita si Sanielle at mataray na tumitig kay Dame. Okay? What's happening?
"Sino ka naman para sabayan siya sa paglalakad, ha?"
"Ako si Damiel Samaniego, sabi mo nga kanina 'di ba?" Muntik pa akong matawa dahil sa naging sagot nito kay Sanielle.
"Ginagago mo ba ako?" Si Sanielle. Umiling naman si Damiel sa tanong nito. Saka bahagyang lumingon sa'kin at umiwas din kaagad.
"Hindi naman. Sinasagot ko lang ang tanong mo."
"So ano nga?"
Napahinga naman ako ng malalim dahil sa katarayan na pinapakita ni Sanielle. Kahit kailan talaga, apakataray niya pagkaharap ang ibang tao.
"Sinasabayan ko nga siya eh." May diing sagot ni Kid
"Baka pinupormahan mo?" He then laugh a bit
"Bakit ko naman siya popormahan?" Sagot nito.
Saglit pa siyang lumingon muli sa'kin.
Kunot noo ko namang sinalubong ang mga tingin niya. Ngumiti pa siya ng bahagya sa'kin. Ngunit nanatili lamang seryoso akong nakatingin sa mga mata niyang kulay itim.
I heard him sighed. But I just ignore him for the third time. Saka umiwas at kinausap si Sanielle.
"Sany, nagkataon lang na magkasabay kaming pumasok dito sa university. Kaya nakisabay na rin siya patungo sa building natin." Paliwanag ko. Tumango naman siya sa'kin. 'Tsaka muling tumingin Kay Kid at tinaasan ito ng kilay
"Nagtaka lang ako, kung bakit kasama mo siya." Inirapan pa niya si Damiel matapos niyang sabihin iyon sa'kin
Damiel just nodded as a response. Saka siya nagsimulang maglakad palayo. Pero bago pa man siya makalayo ng tuluyan. Bahagya muna siyang lumingon sa aming dalawa ni Sanielle.
"I'll see you around Miss, at ikaw Sanielle. Pumasok kana kung ayaw mong malate sa first class." Saad niya. At tuluyan na kaming tinalikuran.
So magkakilala nga talaga silang dalawa? It's not that only Sanielle knows him, he also know Sanielle.
I think they're in the same class.
"Yeah right, magkaklase kami." Sanielle said in a bored tone.
"Hindi ko naman tinatanong." Kibit balikat na sagot ko.
Nagsimula na rin akong maglakad patungo sa dereksyon kung saan tumungo si Damiel.
Naramdaman ko namang sumunod sa'kin si Sanielle kaya napangiti na lamang din ako.
"Magkaklase kami simula noong grade 11. Medyo malapit na rin siya sa'kin. Kasi madalas siya ang kasama ko sa mga school activities at projects namin." Pagkukwento niya
"I see." Tanging sagot ko. 'Tsaka tahimik na naglakad patungo sa classroom.
Hindi kami magkaklase ni Sanielle. Magkaiba kasi kami ng strand na kinuha. She took STEM as her strand and I took GAS. Hiwalay ang classrooms namin. Sila ang nasa Fourth floor habang nasa second floor naman ang sa amin. HUMSS classroom are in the third floor. Which makes them in the middle. Since the first floor are for the SHS faculty.
"Kayo? Paano kayo nagkakilala? Hindi hamak na nagkasabay lang kayong pumasok kanina, magkakilala na kayo kaagad."
Tahimik akong tumango sa sinabi niya
"We saw each other last night." Kaswal na simula ko. Tumakbo naman siya papalapit sa'kin. Kulang nalang kuminang ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin at hinihintay ang kasunod na sasabihin ko.
"What happened next? Did you two, kiss?" She giggled.
Kinunutan ko naman siya ng noo. What on earth is she trying to say?
"He asked me if I could share my umbrella with him,"
"Tapos? Pinashare mo naman?" Umiling naman ako
"He's a stranger, why would I?"
"Gaga!" Halos mapasigaw naman ako dala ng sobrang sakit ng ginawa niyang pagbatok sa'kin.
Ang sa'kin nga kanina mahina lang. Tapos siya itong sobra-sobra pa talaga.
"Why did you do that?" I almost shout
"Ano'ng stranger pinagsasabi mo? Gwapong stranger kamo! Gwapo!" Giit niya.
"Parang kanina lang ang taray mo pa sa kaniya. Tapos ngayong poging-pogi ka." Napailing na sagot ko
"Gwapo naman kasi talaga si Damiel. 'Tsaka nagawa ko lang naman siyang tarayan kanina kasi naiinis akong makita siyang kasama ka."
I sighed.
"He's just cute. At bakit ka naman naiinis?"
"Cute?! " She shouted stunningly. "Beh! Sa classroom namin halos lahat ng babae gusto siyang makatabi. Tapos ikaw na hiningan niya ng favor? Jusko naman, Liyanna Guerrero!"
Tiningnan ko lang siya nang nakakunot ang noo.
I don't get what she's trying to say. It's true that he's cute and I like his Sicilian like nose. But he's not handsome. He's just cute! That's it. Nothing can change my mind.
"He's just cute. Nothing can change my mind." I said not minding her over dramatic reaction
"Ewan ko sa'yo. Gwapo na nga ang lumapit, nagbubulag-bulagan ka pa." Pagpaparinig niya. Saka walang sabing iniwan ako at tuluyan ng umakyat patungo sa Fourth floor. Kung saan ang classroom nila.
Hindi nagtagal ay muli akong naglakad patungo sa classroom at walang imik na pumasok sa loob. Kung saan may iilan na sa mga kaklase ko ang nandidito at kasalukuyang may kani-kaniyang ginagawa.
Nagpatuloy naman na ako sa paglalakad patungo sa upuan ko. Since I don't have anyone to consider as friend in this four corners of the room. I sat on my chair silently while waiting for our teacher to come.
I'm not the type of student who would like to interact with my peers. As I enter this room, firsts things first. Find my chair, seat there for a while. Watch the student outside the window. As they run and walk along together with their friends.
Sometimes I would just sleep and spend my free time reading a book. Instead of listening to their conversations.
Few of my classmates calls me a loner. Siguro kasi sa ganitong ugali at pakikitungo ko sa kanila. While some, thought I'm maarte.
Maarte raw kasi anak ng guro at may pera kaya ayaw makipag-usap sa mga mahihirap na katulad nila.
But instead of giving care. I just stayed quite and calm. Maintaining my low profile instead of entertaining their nonsense.
I still have friends though. It's just that, she's not here. She's upstairs — that's Sanielle my childhood best friend.