Third Person’s POV Nagulat ang lahat ng makitang ngumiti ang batang reyna at nagsimula itong magsalita. “Go and fight those silly monsters while I look for the celestial sword. I am hoping you will get to keep those creatures out as long as you can while I do my work here.” Nagulat sila sa sinabi ng dalaga dahil mukha na nga siyang isang reyna ngayon na inuutusan ang kaniyang mga alagad. Naunang nakabawi sa gulat si Zeref at nakangiting lumapit sa reyna at yumuko upang magbigay galang. Ng makabawi ang iba ay mabilis din silang yumuko sa kanilang reyna. “Reyna ka na talaga, Khione. Pakiramdam ko matatalo na natin yung mga yon dahil sa sinabi mo.” Mabilis na nakatanggap ng pingot si Hiro dahil sa kaniyang biro mula sa katabi niyang si Mor na siyang nagpatawa sa kanilang lahat. Napatigil l

