Third Person’s POV Habang tumatakbo palabas sa secret passages si Khione upang pumunta sa kaniyang silid at suotin ang kaniyang armor ay siya namang paglusob ni Eva kasama ang ilang mga shadows sa loob ng palasyo. Halos dalawampung shadows ang kasama niya at mabilis niya itong pinatungo sa throne room dahil alam niyang nandoon ang reyna. Naalarma ang lahat ng nasa loob ng throne room ng makitang pumasok ang mga shadows. Hindi nila alm kung papaano ito nakapasok sa palasyo gayong hindi pa naman nasisira ang depensa sa labas ng kapitolyo ayon sa kaniyang mga alagad. “What is the meaning of this?” sigaw ng reyna ng makitang pinalibutan na siya ng knaiyang mga tauhan habang ang mga guwardiya ay nagsimula ng labanan ang mga nakapasok na shadows. Napatingin silang lahat sa may pinto ng mari

