Third Person’s POV Napatigil ang lahat dahil sa pagyanig ng lupa at halos matumba pa si Mor kung hindi lamang siya hinawakan ni Hiro sa kaniyang baywang ay malamang sa malamang nahulog na ito. “Anong nangyayari?” Napakibit balikat naman si Hiro dahil maski siya ay walang alam sa nangyayari sa kanilang paligid. Mabilis anmang lumapit si Zeref sa kanial upang masiguro ang kanilang kaligtasan at maski siya ay naguguluhan sa kung ano ang nangyayari sa kanilang lugar. Napatigil ang lahat ng marinig ang malakas na sigaw ng halimaw hindi malayo sa kanila at parang natakasan ng dugo ang lahat ng unti unting lumabas mula sa dalim ang isang malaking dragon na may tatlong ulo habang ang mga pakpak nito ay may kamay ngunit dalawang paa lamang ang inagamit nito upang tumayo hindi katulad ni Tsudja na

