“Gusto kita”
Pakiramdam ko ay nabingi ako dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ako gumalaw ngunit napansin ko sa gilid nang aking mata na huminga siya nang malalim at napapikit. Totoo ba ang narinig ko? Gusto ako ni Hiro? Pakiramdam ko ay nananaginip lamang ako kaya naman napakurot ako sa aking sarili ngunit naramdamn ko naman ang sakit. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa kaniyang sinabi kaya naman nanahimik na lamang ako at hinintay kung may sasabihin pa ba siya.
“Matagal na kitang gusto, Khione. Simula pagkabata ay magkasama na tayo, kilalang kilala na kita at nais ko sanang sabihin na handa akong maghintay hanggang sa matapos ang termino mo bilang reyna.”
Napanganga ako sa kaniyang sinabi. Totoo nga. Hindi ko inaakalang magugustuhan ako ni Hiro dahil nakikita ko siya bilang isang kapatid. Ngunit bakit ganito ang t***k nang aking puso?
“Nais ko sanang ayain kang lumabas nang tayong dalawa lang. Sa susunod na linggo, magkita tayo sa hardin.”
Napatingin ako sa kaniya dahil sa mga lumalabas na kataga sa kaniyang bibig. Tumingin siya sa aking mga mata at ngayon ko lamang nakita kung gaano siya kagwapo tignan kapag seryoso. Walang salita ang lumalabas sa aking bibig kahit nais kong sabihin na ‘oo pupunta ako’.
Nagulat na lamang ako nang lumapit ang mga guwardiya na nagbabantay sa kaniya at tumayo sa gilid niya. Napatingin ako sa kanila at mukhang nasa ekspresyon na nang aking mukha ang nais kong itanong kaya naman sumagot sila. “Oras na para lumabas ang mga bisita Mahal na Reyna.”
Napatingin akong muli kay Hiro ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong boses upang magsalita. Nagulat ako nang hawakan niya ang aking mga kamay. “Hihintayin kita, Khione.”
Ngumiti siya nang matamis bago siya kinaladkad palabas nang mga guwardiya. Naiwan naman akong nakanganga sa loob nang silid at halos mitumba ako dahil sa mga narinig ko.
Napaupo ako nang wala sa oras sa sahig at inulit ang mga katagang binigkas ni Hiro. Gusto niya ako? Hindi bilang kapatid? Kailan pa? Bakit ako? Ang daming kong tanong ngunit kahit isa sa mga ito ay hindi ko maibigkas nang malakas o di kaya ay masagot.
Napahawak ako sa aking bibig at huminga nang malalim. Wala naman akong sinabi na gusto ko rin siya pabalik ngunit bakit ganito kabilis ang t***k ng aking puso. Ano ba kasi ang dapat isasagot ko sa kaniya? Napahilamos ako nang aking mukha.
“Ano ba kasi dapat ang isasagot ko doon?”
“Isasagot saan?”
“Ay tipaklong!” Napatingin ako sa aking gilid nang may marinig akong nagsalita mula roon. Nagulat ako nang makitang nandoon si Zeref kaya naman umayos ako nang upo at inayos ang gusot nang aking damit.
“Kanina ka pa riyan?”
“Bakit?”
“Wala naman, nasaan si Mor?”
“Nagliligpit pa.” Tumango ako sa kaniyang sinabi at nagulat ako nang iabot niya sa aking ang kaniyang kamay kaya naman tinanggap ko ito at hinila niya ako patayo. Naglakad ako paupo sa isang upan at napabuntong hininga.
“May problema ba?”
“Ah, wala naman, napagod lamang sa ginawa natin kanina.” Wika ko at ngumiti sa kaniya at nakita ko namang napatango siya. Hiindi ko alam kung bakit ngunit ayaw kong sabihin kay Zeref ang sinabi sa akin ni Hiro. Mukhang si Mor lamang ang makakatulong sa akin pagdating sa ganito.
“Hindi ba tayo mageensayo?” wika ko pagkatapos nang ilang minutong katahimikan. Nais kog maging abala nang mawala sa aking isipan ang nangyari kanina at ang pageensayo lamang ang solusyong nakikita ko.
“Nais mo bang magensayo?” Tumango naman ako sa kaniyang tanong at napatingin sa kaniya. Matagal na sandal kaming nagtitigan at hindi ko alam kung bakit naming iyon ginagawa. Maya maya lamang ay napabuntong hininga siya at tumango kaya naman hindi ko mapigilan ang mapangiti nang malawak.
“But.” Napatigil naman ako sa pagsaya nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Napatingin ako muli sa kaniyang direksyon at hinintay ang susunod niyang sasabihin.
“But you need to take a break from time to time. Hindi buong oras ay mageensayo tayo.” Alam ko namang nagaalala lamang siya sa aking kalagayan kaya naman napangiti na lamang ako bago tumango. Mas mainam na iyon kaysa ang tumunganga dito at isipin kung ano ba ang isasagot sa sinabi ni Hiro.
Narinig ko ang kaniyang buntong hininga bago ko hinawakan ang aking kwintas upang tawagi si Neon. Muli nanamang lumitaw ang putting liwanag sa gitna nang silid at mula doon ay lumabas ang aking alaga. Dali dali naman akong tumakbo palapit sa kaniya at yinakap siya.
“Bakit mo ako tinawag?” Nakangiting tinignan ko si Zeref at napatingin din naman si Neon sa kaniyang gawi. Mukahng nagtanong si Neon kay Zeref gamit ang mindlink at maya maya lamang ay napabuntong hininga ang aking Imperial Guard. Ibig sabihin lamang noon ay napilit ko siyang pumayag sa gusto ko.
Napansin ko naman gumalaw angg ulo ni Neon at nang mapatingin ako sa kaniya ay umiling iling siya. “Napakatigas nang ulo mo, Khione.”
“Malamang may buto ako sa ulo.” Wika ko nang pabiro at ngumiti nang malaki. Nakita konamang umirap siya at hindi natawa sa aking sinabi kaya napabitaw ako sa kaniya at napahakbang palayo.
“Anong element naman ang prapraktisin natin ngayon?” Tanong ko at nagpalipat lipat ang aking tingin sa dalawa habang nakangiti. Sisiguraduhin kong hindi magbabago ang isip nila patungkol sa pageensayo. Sabay silang napabuntong hininga matapos ang ilang saglit at halos mapapalakpak ako sa tuwa nang malaman kong nanalo ako.
“Sabi na e hindi niyo ako matitiis.”
“Electron naman ngayon Khione.” Napatango tango ako sa sinabi ni Neon at hinintay ang susunod niyang mga bilin. Pumwesto kaming lahat at naghanda para sa pagensayo. Huminga naman ako nang malalim at binuksan ang aking kapangyarihan habang hinihintay ang susunod na hakbang mula kay Neon.
“masyadong agresibo ang electron kaya naman kailangan mom una itong matutunang hawakan. Simulan mo sa maliit, kumuha ka ng kuryente sa mga poste nang ilaw at ipadaloy mo ito sa iyong kamay.”
Sinunod ko ang kaniyang sinabi at naglakad palapit sa bintana upang maghanp nang para sa electron. Nang mahagip nang mata ko ang pinakamalapit na poste ay dali dali kong pinagapang papunta doon ang aking kapangyarihan at napatili ako nang mahawakan ko ang elementong iyon.
“Mahirap paamuhin ang elementong ito, Khione kaya kailangan mong magdahan dahan sa pagkonekta.”
Lumapit naman sa akin si Zeref upang masigurong hindi ako mapano kapag nahawakan ko na ang elemento nang kidlat at kuryente. HUminga ako nang malalmin at nirelax ang aking sarili. Hindi muna ako nagisip nang kung anoa no nang sa gayon ay hindi ako magkamali sa aking ggagawin.
Nakailang ulit pa ako bago ko nakuha ang tamang kuryente na pwede sa aking katawan. Halos manginig ako sa dami nang kuryenteng nahawakan ko sa paglipas nang mga minuto ngunit nang makuha ko na ang tamang sukat ay nakahinga ako nang maluwang nang mahawakan ko ito. Napangiti ako nang may lumabas sa aking mga kamay na kulay violet na kuryente at dahan dahan ko naman itong ginawang bola.
“Magaling, ngayon hayaan mmo lanag ito sa iyong kamay nang isang oras nang sa gayon ay hindi ka na mahirapan sa pagkuha sa susunod na gagamit ka nang elementong ito.”
Sinunod ko ang kaniyang sinabi at pinanood lamang ang bol anang kuryente sa aking kamay na sumayaw. Paikot ikot ito at maya maya lamang ay lumaki nang lumaki. Napangiti naman ako nang mapansin kung gaano kaganda ang kuryente sa malapitan.
Mukha itong kalat kalat sa malayo dahil sa istruktura at itsura nito ngunit habang pinagmamasdan ko ito nang malapit ay napansin ko ang ganda sa bawat linya nito. Nang matapos ang isang ay tumigil na kami at bumalik na rin si Neon sa White Forest. Nais ko sanang bumisita roon ngunit hindi pumayag si Zeref.
Wika niya ay baka hanapin na ako ni Mor kaya naman nakasimangot na hinayaan ko na lamang si Neon na umuwi. Nagpahinga muna ako sa private chamber nabago ko naisipang tumayo at lumabas sa aking silid.
Kakatayo ko pa lamang ngunit bumakas na ang pinto at iniluwa nito si Mor. Tinignan ko lamang siya at hinintay ang kaniyang paglapit sa aking gawi. “Mukha kang pagod na pagod Khione.”
Napangiti ako dahil sa kaniyang sinabi. Kung alam lamang niya ang dahilan nang aking pagkapagod at tiyak kong matutuwa pa siya. “Hindi naman, kung anoa no lamang ang naiisip ko kaya ganito ang aking itsura.”
“At ano naman ang iyong iniisip?” Hindi ko alam kung dapat ko bang banggitin ang sinabi sa akin ni Hiro kanina lamang ngunit napagsyahan kong daanin na amang ito sa ibang paraan para hindi masyadong halata.
“Tulad na lamang kapag natapos ang aking termino bilang reyna. Maaari kaya akong humanap nang maiibig?”
Napahawak naman siya sa kaniyang bibig at napatingin kay Zeref. Doon ko lamang naalala na gusto niya ng apala si Zeref kaya naman hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil naisip kong bagay silang dalawa kahit hindi ko pa man nakikita ang mukha ni Zeref.
“Pwedeng pwede, ano ka ba. Kaya nga natutuloy ang linya nang dugon ang mga Reyna dahil pagkatapos nang termino nila ay nagaasawa sila. Huwag mong problemahin iyon, tingin ko naman ay may mapapangasawa ka.”
“Nako, ayos lamang kung wala ano. Mas nais ko pang makasama ang pamilya ko.”
“Ay, ayaw mong magasawa?” Wika niya ngunit sinabi niya ito sa direksyon ni Zeref kaya naman napataas ang aking kilay. Nagpaparinig ba siya kay Zeref?
“Gusto naman kung may magaaya sa akin syempre.”
“Gusto naman pala.” Wika niya ulit kay Zeref kaya naman tinapik ko ang kaniyang braso. “Ano bang ginagawa mo?”
“Wala naman, sinasabi ko lang ang mga pagpipilian na pwede.” Nangunot ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi. May mga bagay ba akong nakaligtaan at parang hindi ko maintindihan ang mga sinabi ni Mor sa akin. Napatingin ako kay Zeref at naoansin kong nakatingin rin siya sa gawi naman kaya naman napailing na lamang ako at muling humarap kay Mor.
“Hindi na kita maintindihan.” Sabi ko habang umiiling iling. “huwag kang magalala naintindihan niya naman. Halika na kailangan mo nang magbihis nang makapagpahinga ka na.”
Nagpahila na lamang ako sa kaniya dahil pakiramdam ko ay mas gumulo ang aking utak dahil sa naging paguusap namin. Minsan talaga mas mabuti na lamang na sarilinin ang mga problema dahil ikaw lamang din ang makakasagot sa mga tanong na iyon. Sana lamang ay masagot ko ang mga tanong na nagpapagulo sa aking isipan.