Nang sumunod na mga araw ay nagsimula nang bumalik sa dati ang lahat kasama na doon ang pagiging busy ko para sa aking koronasyon. Nagpasalamat naman ako nang ituloy na muli ang klase ko kay Sir Prithious dahil hindi ko nais na sayangin ang oras sa paglilibot nang palasyo o di naman kaya ay pagtunganga sa loob nang aking silid. Ngayon ay nageensayo kaming muli nina Neon at Zeref nang aking kapangyarihan gamit ang kuryente na kung tawagin ay electron. Tatlong araw na naming itong sinasanay ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapalaki ang maliit na electron ball na lagi kong nagagawa. Napabuntong hininga na lamang ako nang mawala muli sa aking mga kamay ang kulay violet na electron ball. “You need to harness it, Khione. Ang kuryente ang isa sa pinakamahirap kontrolin na element. Ka

