“The one your ancestors put into sleep. Beware of the past Queen, your history is as twisted as your fate.” Naguluhan ako sa kaniyang sinabi ngunit nakaramdam ako nang kaba nang sabihin niyang natutulog lamang ang kaniyang pinuno at hindi pa ito namamatay. Ano bang ibig sabihin nito? Akala ko ba ay napatay na ito ni Queen Mother? Ibig sabihin b anito mali ang mga sinasabi at itinuturo sa amin? Gulong gulo ako sa kaniyang sinabi ngunit iwinaksi ko na lamang ito at inisip nab aka paraan lamang nilang guluhin ang aking isipan nang sa gayon ay makuha nila ang kanilang pakay. Nagsimula nang umatake ang dalawang maliit na shados sa tabi nang malaki at pinagtulungan naman naming ito ni Zeref dahil mas malaki pa rin ang mga ito kumpara sa mga normal na shadows na siyang kinalaban naming kani

