Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang nangyari kanina sa Lasette Bakeshop. Yung lalaking gusto akong patayin, bakit? Hindi ko maintindihan kung ano ang rason sa pagatakeng iyon. Madalang akong makihalubilo sa ibang tao at wala rin akong maaalalang may ginawa akong mali sa kapwa ko.
Ano ang kailangan niya sakin bakit kailangan niya akong patahimikin? At yung lalaking nakabalot ng krema. Magkakampi kaya sila? Hindi malabo dahil nakita ko ang lalaking iyon bago ako pumasok sa trabaho. Ngayon ko lang siya nakita kaya’t hindi ko alam kung ano ang kailangan niya sa akin.
Ano ang kailangan nilang dalawa sa akin? Bakit kailangan nila akong atakihin o kaya’y patayin?
“Ang tahimik mo ata ngayon Ki. Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?” Sabay hawak sakin ni Bree sa balikat. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon kaya natapik ko ang kanyang kamay ng may kalakasan. Ng mahimasmasan ay tsaka ko lang napansin ang nagaalalang mukha ni Bree.
“Ayos lang ako Bree. Iniisip ko lang ang aking ama kung kaya’t medyo wala ako sa sarili. Pasensya na.” Ani ko sabay yuko.
Madalas kong naalalala ang mga payo at turo sakin ni ama at tuwing nangyayari iyon, napapatulala ako. Hindi na bago kay Bree iyon kung kaya’t hindi na siya nagtanong pa sa sagot ko. Ayaw kong sabihin sakanya ang totoo dahil baka mapaalis ako sa trabaho. Kailangan ko ang trabahong ito, para sa pamilya ko.
Patungo na kami ngayon sa Kapitol, ang Pedrimont. Kung saan matatagpuan ang sikat na malahiganteng puting palasyo. Gawa ito sa dyamante kung kayat puti na medyo mapusyaw dahil na rin sa materyal na ginamit dito.
Ito ay nakatayo sa pinakamataas na bahagi ng Kapotil at napapaligiran ito ng puti at matayog na gate upang maprotektuhan ang mga reyna mula sa mga kalaban, lalong lalo na ang mga demonyo na kung tawagin sa amin ay Shadows. Takot ang mga ito sa liwanag at dahil masyadong makinang ang puting palasyo, hindi magtatangka ang sino man na pumasok dito.
Papasok na kami sa loob ng Kapitol ngunit kailangan pa naming maimbestigahan upang masiguro ang kaligtasan sa loob nito. Malayo pa lamang ay mapapansin na ang mataas at makapal na bakod gawa sa bato at metal paikot sa buong siyudad.
Maraming guwardiya ang nakabantay sa itaas ng bakod at marami ring naglilibot sa ibaba at sa tapat ng gate. Pagkatapos kaming matanong at makita ng mga guwardiya sa may gae na pinasukan namin ay dumiretso ang sasakyan patungo sa bahay na aming paglalagyan ng mga pagkain.
Nasa may gitnang bahagi ng siyudad ay may parke na sobrang lawak kung saan madalas ganapin ang mga selebrasyon. Mayroong mga rebulto ng mga dragon na siyang parte na ng relihiyon namin.
Naniniwala silang diyos rin ang mga ito dahil na rin sa pagtulong nila sa mga tao noong unang panahon. Sa likod nito ay ang puting palasyo na sobrang ganda sa malapitan.
Nakakamangha ang pagkakagawa nito at sobrang linis tignan. Halos mangawit ang aking leeg sa kakatingala ng tuktok ng palasyo ngunit bigo ako. Gaano ba ito kataas?
“May sukat na dalawang daan tatlomput limang metro ang palasyo Ki. At kung tatanungin mo rin, may hardin sa likod na bahagi ng palasyo kung saan matatagpuan ang Sweet Paradise.” Ika ni Bree.
Ang Sweet Paradise ay ang malawak na hardin kung saan nakatanim ang mga halamang paborito ng mga naunang reyna tulad na lamang ng lavender at tulips.
“Hindi ko nais isipin kung magkano ang halaga ng palasyong iyan. Materyal palang ay parang ginamit na ang buong yaman ng buong mundo.” Komento ko na tinawanan lang niya.
Nasa kanang parte ang mga tindahan at nasa kaliwa naman ang mga bahay. Sa pagkakaalam ko, nasa dulong bahagi ang bahay ng mga mabababang katulad ko.
Habang tinatahak ang daang papunta sa mansiyon nila Madam Si, pinagmasdan ko ang naglalakihang bahay na nadadaanan namin. Hindi ko lubos maisip na ganito kalalawak at kalalaki ang mga bahay ng mga matataas samantalang kaonti lang naman ang naninirahan dito o kaya ay wala. Madalang ko makita ang tao sa parteng ito ng siyudad, marahil ay nasa pamilihan sila o di kaya’y nasa palasyo sila tumitira.
Pagkatigil ng sasakyan ay sinimulan na namin ni Bree ang pagbubuhat papasok sa mansion ang mga order ni Madam Si. Napansin kong may malawak na hardin sa harap ng lote at ang mansion ay dalawang palapag na gawa sa bato at kahoy.
Maaliwalas ang paligid, masarap tumira rito. Iniisip ko na sana makabili rin ako ng lupa sa parteng ito upang maranansan naman ng pamilya ko ang maganda at maaliwalas na paligid.
“Dalawamput tatlo po Madam Si.” Bilang ko sa mga order na naideliver namin ni Bree ngayong araw na ito.
“So, meron pang labindalawa tama ba? Inaasahan kong makokompleto ang lahat bukas ng umaga. Ayaw kong malasin ako ng twenty-five years dahil lang sa kulang ang binigay niyo.” Wika ni Madam Si.
“Makakaasa ho kayo Madam Si.” Sagot ko.
“Osiya, bumalik na kayo ni Bree sa Cyore Khione. Mahaba pa ang byahe at maaga pa kayong dalawa bukas. Magiingat kayo.”
“Maraming salamat Madam Si.” Ani ko at umalis na upang hanapin si Bree.
Malapit ng lumubog ang araw kung kaya’t kailangan na talaga naming bumalik sa Cyore. Naglakad ako papunta sa sentro ng siyudad upang hanapin si Bree na naghanap ng masasakyan pabalik.
May mga batang naglalaro ng kani-kanilang mahika. May nagpapatubo ng halaman sa isang gilid, nagpapaangat ng tubig sa may bukal, at mayroon ding maliliit na dragon na lumilipad sa himpapawid.
Napansin ko ang matandang gumagamit ng katamtamang apoy sa kanyang kamay upang sindihan ang lutuan. Mayroon ding kumakanta sa may gitna katabi ng pinakamalaking rebulto ng dragon at ginagamit niya ang mahika niya upang mapalakas ang kanyang boses.
Masaya silang tignan, nakakamangha. Bibihira sa mga katulad ko ang magkaroon ng mahika, kung mayroon man ito ay mahina lamang. Kung kaya’t sinekreto ko ang aking mahika, dahil ang sabi ng aking ama, walang katulad ang mahikang hawak ko. Naiiba sa lahat at natatakot akong ito ang maging sanhi ng hindi ko pagkamit ng mga pangarap ko.
Lumapit ako kay Bree na may kausap na lalaki, ito siguro ang maghahatid sa amin pabalik sa Cyore.
“Right on time Khione, halika na umuwi na tayo at marami pa tayong aasikasuhin bukas.” Ani Bree at sumakay na rin ako sa sasakyan at natulog sa byahe. Pagkarating ng Cyore ay napansin ko si Hiro na nagaantay sa akin sa isang kanto. Lumapit ako sakanya upang mangamusta.
“Nakakapagod pero nakapaglibot ako sa mga tindahan. Hindi kita nakita roon anong oras kayo umalis?”
“Tanghali na ng umalis kami ni Bree at masyadong marami ang order ni Madam Si na dinala namin doon kung kaya’t natagalan kami sa pagbubuhat, pagaayos at pagbibilang.” Nagsimula kaming maglakad pauwi habang naguusap.
“Sino sa tingin mo ang pipiliin bilang bagong reyna bukas?” Tanong ni Hiro.
Ang Rite of Choosing ay ginaganap pagkatapos ng dalawamput limang taon ng serbisyo ng isang reyna. Ang mapipili ay kabilang lamang sa labindalawang pamilya ng mga nobleborn.
Ang mga Kane, Dallarosa, Bressett, Feyrer, Doxon, Henris, Venester, Clyborne, Bieschel, Dulivo, Esewar at Graycot. Sila ang pinakamalalakas sa aming kaharian at ang reyna ngayon ay galing sa Clyborne bloodline, mga taong kayang kumontrol ng tubig.
Pinakamalakas sa lahat dahil ang mga dragon na siyang sagrado at kinokonsidera na diyos ay kumukuha ng lakas sa tubig.
“Nasa Diyos naman ang pasya kaya kung sino man ang mapipili sigurado akong karapat dapat siya.”
Sagot ko kay Hiro. Ang pipili bilang reyna sa Rite of Choosing ay ang pinakamatandang dragon na kung tawagin ay Deity Naruu.
“Tama ka. O, matulog ka na’t magkita nalang tayo bukas sa Pedrimont. Maglilibot tayo Ki, sa ayaw at sa gusto mo.” Wika ni Hiro at tumakbo na paalis pagkadating sa harap ng aming tahanan. Pumasok na akoat ginawa ang sinabi niya. Habang nakahiga ay iniisip ko pa rin ang dalawang lalaking misteryoso na bigla nalang nagpakita sakin ngayong araw na ito.
’Sana bukas ay maging maayos na ang lahat’ dasal ko sa aking isapan. Umaasang may mangyaring milagro bukas pagkamulat ng aking mga mata.
KINABUKASAN
Natapos namin ni Bree ang lahat ng kailangan tatlong oras bago magsimula ang selebrasyon. Lumapit ako kay Bree at Madam Si pagkatapos ayusin at bilangin ang mga huling order ng pagkain na dala naming.
Naabutan ko silang umiinom ng tsa-a sa may likod na bahagi ng mansion kung saan tanaw ang mga bahay sa ibang klase ng pamumuhay.
“Thank you Khione iha. You have worked so hard for this festival so I’m giving you and Bree a time to explore the city.” Wika ni Madam Si at binigyan ako ng tsa-a.
“Binibigyan tayo ni Mamdam Si ng permiso upang malibot ang siyudad Ki.” Paguulit ni Bree sa sinabi ng aming amo dahil sa tingin niya ay hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi.
“Maraming salamat din po Madam Si. Napakalaking bagay po ang malibot ang Kapitolyo.” Sumbat ko sakanilang dalawa at humigop sa tsa-ang binigay sakin kani-kanina lamang. Matapang ngunit nakakaginhawa ang lasa ng inuming iyon. Ngayon lamang ako nakatikim ng ganoon.
“Osiya, sige na Bree and Khione iha. Humanap kayo ng pwesto upang mapanood niyo ang selebrasyon.” Ani Madam Si pagkatapos naming magkwentuhan tungkol sa trabaho at maubos ang tsa-ang inihanda para saamin. Naglalakad kami ni Bree papunta sa may sentro ng bigla itong magsalita.
“Alam mo Ki, ang sabi-sabi ay ang susunod na magiging reyna daw ang magiging makasaysayan. Dahil ito na ang ika-100 na reyna sa ating kaharian. Akalain mong ganon na katagal ang pamumuno ng mga reyna sating lugar.”
“Haynako Bree, naniniwala ka pa rin sa sabi-sabi. O, sino ba sa tingin mo ang mapipili ngayong taon?”
“Para sa akin karapat-dapat ang pamilyang Kane. Ilang beses na rin nagkaroon ng reyna sa pamilyang iyon.”
Ang pamilyang Kane ay may mahikang tinatawag na magnetrox kung saan lahat ng metal ay kaya nilang kontrolin. Bawat pamilya sa mga nobleborn ay may kanya-kanyang mahika, at ang labindalawang pamilya ang pinakamalakas sa lahat.
“Ang babaeng nagmula sa Feyrer din malakas ayon sa mga naririnig ko, dahill may natuklasan daw na bagong technique ang representative ng pamilyang ito.” Pagpapatuloy ni Bree.
Burner naman tawag sa mga pamilyang kayang kumontrol sa apoy. Ang pamilyang Feyrer ang pinakamalakas sa mahikang ito. Galing sa pamilyang ito ang mga naunang reyna dahil na rin sa angking galling at tapang na ipinapakita ng mga representatibo nito. Hindi na kataka-taka kung ito muli ang mapipili ngayong araw.
“O kaya ang Clyborne. Ang pamilyang nagkaroon ng pinakamaraming naging reyna sa buong history ay galling sa pamilyang Clyborne. Napakalakas nga naman ng mga mertron sa pagkokontrol ng tubig. Ikaw Ki sino sa tingin mo?”
“Kahit sino man sakanila alam kong karapat-dapat sila sa mata si Deity Naruu. Halika na at maghanap na tayo ng pwesto upang masilayan natin ang mga susunod na reyna.” Wika ko kay Bree at nagpatiuna sa paglalakad papuntang sentro dahil tanaw ko na ang maraming taong naghiintay sa gaganping selebrasyon.
Sana sa pagpapalit ng reyna ay ang pagbabago rin ng buhay ng mga katulad kong halos wala ng pagasang guminhawa ang buhay. Pagdadasal ko sa mga diyos at mga bituwin na litaw na litaw kahit may araw pa, bagay na kinaganda ng aming mundo. Tumingala ako at tinignan ang mga bituwin at tsaka pumikit at humiling.