Inilabas namin ni Mor ang mga naluto namin mula sa mga oven at inilapag ito sa kitchen island. Kumuha naman nang mga lalagyan si Zeref habang inilalapag naman ang mga cookies at macarons sa may mga plato upang lumamig ito. Habang hinihintay na lumamig ang mga pagkain ay naglipit naman kaming tatlo nang aming mga pinaggamitan at ibinalik lahat ito sa dati. Nagulat ako dahil tumulong sa paglilinis si Zeref, mukhang hindi ko pa talaga siya ganoon kakilala.
Pagkatapos noon ay inilagay na namin sa mga lalagyan ang aming mga niluto. Inilagay ko naman sa isang bag ang mga iuuwi ko sa Cyore habang nakalagay naman sa mga plato ang ibibigay ko sa aking mgaguwardiya at mga ladies of the bedchamber. Pagkatapos noon ay sabay sabay na kaming naglakad pabalik sa aking silid at muling tinawag ang lahat upang magsalo salo sa aming mga ginawang pagkain at bilang selebrasyon na rin sa monthly assessment ko. Nagulat pa ako nang makatanggap ako ng mga regalo mula sa iba sakanila. May nagbigay sa akin nang isang libro, ang sa naman ay nagbigay nang napakagandang baso na may disenyong bulaklak, at may isa pang nagbigay nang kapa na kulay puti.
Nagpasalamat aman ako sa kanilang mga ibinigay at nangakong gagamitin ito. Napangiti ako nang makitang lahat ay nagsasaya sa mga pagkaing inihanda naming tatlo at naguusap-usap na para bang hindi sila galing sa magkakaibang klase ng pamumuhay. Ganitong kaharian ang gusto kong mangyari kapag ako ay magiging reyna, kailangan ng pagkakaisa at respeto sa isa’t isa.
Napansin ko namang nakatayo lamang sa isang gilid si Zeref Kng kaya’t nilapitan ko ito. Hindi ba talaga ito nakikisalamuha sa mga ibang tao? Pagkalapit ay ay binunggo ko siya sa kanyang balikt ngunit ako pa ang napatalsik palayo, napakamot na lang ako sa aking ulo dahil sa pagkapahiya. “Bakit hindi ka makisalamuha sa iba?” Tanong ko sakanya pagkatapos nang ilang saglit.
“Hindi ako marunong” wika niya na siya namang ipinagkunot nang aking noo. Siya lamang yata ang taong kilala ko na hindi marunong makisalamuha sa mga kapwa niya. Saan ba ito lumaki at ganoon na lamang ang kanyang pagkahiya sa mga tao. Tumikhim ako at inibahan ang aking taong. “E ilang taon ka na?” Wika ko.
Pakiramdam ko ay nagulat ko siya sa aking tanong dahil napatigil siya sa pagkuha ng kanyang inumin. Nakuryos lamang naman ako sa kanyang edad at para na rin alam ko kung talaga ang bagay sila ni Mor. Mukhang ayaw niya rin itong sagutin kaya napakamot akong muli sa aking ulo, ang hirap namang kausapin nito. Napansin kong palapit sa amin si Mor kung kaya’t tumahimik na lamang ako at tumayo nang maayos.
“Kayo ha, anong ginagawa niyo rito?” May pa-taas baba pa ang kanyang ilay pagkatapos niyang magtanong, ano namang kayang ibig sabihin noon? Hindi ko na lamang ito pinansin at sinagot ang kanyang tanong.
“Napansin ko kasing magisa lamang ni Zeref dito kung kaya’t pinuntahan ko siya at tinanong kaso hindi niya naman ako sinagot.” Sabi ko at tumili naman si Mor. Kanina pa itong babaeng ito, ano bang nakakatili sa aking sinabi? Mukhang may sapi ata ito.
“Bakit naman kasi hindi mo sinagot Zeref, nako, kung ako sayo sasagutin ko na iyan.” May pa tulak tulak pa siya sakanya habang sinasabi ito. Nakainom ba ito nang alak? Kanina ko pa napapansin ang paganyan ganyan niya. Hindi naman ito pinansin ni Zeref at bigla na lamang umalis.
“Ayan kasi, tinulak tulak mo, umalis tuloy.” Wika ko habang napapailing. Saan naman kaya pupunta ang lalaking iyon? “Pero Mor, ilang taon na si Zeref?”
Napasinghap naman siya sa aking tanong. May masama ba sa tanong ko? Napansin kong hindi rin ito sinagot ni Zeref kung kaya’t napaisip ako kung may mali ba rito.
“Huwag mo sabihing iyon ang tinanong mo sa kanya?” Hindi ako sumagot dahil sabi niya huwag ko raw sabihin e. Napahawak siya sa kanyang bibig na parang gulat na gulat. Pagkatapos noon ay pinalo palo niya ako sa aking kamay kung kayaa’t napalayo ako sa kanya. Mapanakit siya masyado.
“Hindi mo ba alam?”
“Ang alin ba?”
“Siya ang pinaka-batang Imperial Guard sa buong kasaysayan nang Auxthen. Hala ka, kaya pala nagtampo sa iyo dahil hindi mo iyon alam.”
Siya ang pinakabata? Ngunit hindi naman halata sa kanya. Napabuntong hininga na lamang ako marahil ay nasaktan ko nga angkanyang damdamn kung kaya’t hindi niya sinagot ang aking katanungan kanina. Mukhang kailangan ko ngang humingi nang tawad. Pagkatapos nang aming munting kasiyahan ay bumalik na kaming lahat sa kaniya-kaniya naming ma gawain. Nagbihis na ako nang aking pantulog at humiga sa aking kama. Hindi na ako makapaghintay na makauwi sa aking pamilya bukas. Pumikit ako at nagpasakop sa kadiliman.
Kinabukasan ay maaga kaming nagising dahil maaga kaming aalis papuntang Cyore. Tatlo lamang kaming aalis nina Mor at Zeref dahil kami lamang ang pinayagan ni Mahal na Reyna Sabrina. Sinuotan niya ko nang simpleng dress na kulay itim. Manipis lamang ang tela nito kung kaya’t napakagaan sa pakiramdam. Napansin kong hindi suot ni Zeref ang kanyang purong itim na uniporme bilang isang Imperial Guard ngunit nakatakip pa rin ang kanyang mukha gamit ang mas simpleng helmet armour. Mukhang ayaw niya talagang ipakita sa akin ang kanyang mukha. Lumapit ako sa kanya upang humingi nang tawad dahil kagabi ngunit sinabi niyang wala lamang daw iyon kung kaya’t nakahinga naman ako nang maluwag.
Pinahiram ni Reyna Sabrina ang isang sasakyan upang makapaglakbay kami mula Pedrimont hanggang sa Cyore sa mabilis na oras lamang. Nagpapasalamat naman ako dahil dito. Binuhat naman nang mga guardiya ang mg apinamili namin kahapon papasok sa sasakyan at ang mga ladies of the bedchamber naman ang nagbuhat sa mga pagkain. Nais din nila kaming makitang umalis kaya’t nandito silang lahat upang manoodat magpaalam.
“Mag-iingat kayo, Khione dear. Zeref, your duty is bound to the queen.” Wika ni Reyna Sabrina na isa ring kasama namin ngayon. Nandito rin si Deity Naruu upang basbasan ang aming paglalakbay. Lumapt ako sa reyna at yumakap ito. Hindi ko inalintana ang mga taong makakakita at yinakap lamang siya at nagpasalamat. Lubos ang aking pasasalamat dahil binigyan niya ako nang pagkakataon upang ipakita ko ang aking kakayahan sa iba at pati na ring ang pagpayag niyang makabalik ako sa aking tahanan kahit isang araw lamang.
“Marami salamat Mahal na Reyna.” Mahinang wika ko sakanya at tumingin rin kay Deity Naruu at ngumiti. Tinanguan niya naman ako at hindi ko mapigilan ang paglawak nang aking mga ngiti at pagginhawa nang ang aking pakiramdam. Naramdaman kong yinakap rin ako pabalik ni Reyna Sabrina at hinaplos haplos pa ang aking likuran. Para siyang isang ina na nagpapaalam sa kanyang anak. Pagkatapos noon ay dali dali na akong sumakay sa sasakyan at umandar namankaagad ito.
Kumaway ako sa kanilang lahat habang palayo nang palayo ang sasakyan sa may palasyo. Kumaway naman sila pabalik sa akin at nakikaway rin si Mor. Pagkalabas sa palasyo ay isinara na namin ang bintana at tahimik na naglakbay paalis nang Pedrimont.
Tumagal rin nang ilang oras ang aming paglalakbay at nakaidlip pa ako sa loob nang sasakyan. Magkatabi kami ni Mor sa likurang bahagi nito at nasa harapan naman si Zeref katabi ang tagamaneho. Pagkaraan nang ilang saglit ay lumabas na kami sa kagubatang naghahati sa pagitan nang Pedrimont at Cyore. Napangiti naman ako nang matanaw ang aming munting bayan.
“Welcome to Cyore, Morgarette.”
“Hala, ngayon mo lang ako tinawag na Morgarette.” Sumbat niya sa aking sinabi at pareho naman kaming natawa. Naptingin lamang kami ni Mor sa bintana nang sasakyan at pinagmasdan ang mga bahayan at tindahan. Napangiti pa ako nang mapadaan sa Lasette Bakeshop at nakitang sarado ito. Mukhang walang pasok si Bree ngayon, kamusta na kaya siya?
Dire-diretso naman ang takbo nang aming sasakyan at huminto lamang ito sa harap nang aming bahay. Medyo naguluhan pa ako dahil hindi ko naman tinuro ang daan patungo rito ngunit mukhang alam na alam nila ito. Nagsilabasan ang mga tao sa katabi nang aming bahay at inabangan kng sino man ang lalabas mula sa sasakyan.
Unang bumaba si Zeref na siyang pinagbuksan si Mor. Napangiti naman ako sa kanyang ginawa pagkatapos noon ay iniabot niya ang kanyang kamay sa akin at tinulungan akong makababa. Narinig ko naman ang mga singhap mula sa mga taong nanonood at dali dali silang nagsi-usap. Iba talaga ang kapangyarihan ni marites.
Humakbang ako papasok sa aming gate at pumasok mula rito, nakailng hakbang pa lamang ako ay bigla na lamang bumukas ang aming pintuan at iniluwa noon si ina. Nagulat pa siya sa kanyang nakita kaya’t napatigil siya sa kanyang paglalakad. Ngumiti naman ako at tumakbo palapit sa kanya at yinakap siya.
“Ina!” Masayang sabi ko. Hindi ko namalayang humihikbi na pala ako habang yakap yakap ang aking ina. Ngayon lamang ako nahiwalay nang ganoong katagal sa aking pamilya at ngayon ko lamang muli naramdaman ang labis labis na pangungulila.
“Ina, sino ba iyon bakit ang inga-…. Ate Khione.” tumakbo palapit si Kiana at yinakap kaming dalawa ni ina. Doon pa lamang parang natauhan si ina at yinakapako nang napakahigpit. Tatlo na kaming humahagulgol ngayon. Natutuwa akong makapiling silang muli kahit madaling sandali lamang ito.
Pagkatapos nang aming munting salo-salo sa harapan nang aming bahay ay tumigil na kami sa pagiyak at natawa na lamng sa mga pangyayari. “Halika pasok ka anak, maghahanda ako nang makakain para sa iyo.” Dali dali nama nakong iginiya ni ina sa loob ng aming bahay ngunit naalala kong may kasama pala ako kaya’t napatalikod ako agad agad upang hanapin sila ngunit nakatayo amang sila ilang dipa ang layo sa amin nng aking pamilya. Napatawa naman ako nang makita ang pagirap ni Mor kung kaya’t lumapit ako sa kanya at kinuha ang ibang dala dala niya at tsaka iginiya silang dalawa ni Zeref sa loob.
Ibinaba namin ang aming mga dala at doon ko lamang napansin ang nakakunot na noo ng aking kapatid at ng aking ina. Lumappit ako sakanila at ipinakilala ang dalawa kong kasama.
“Ina, Kiana, ito nga pala sina Morgarette at Zeref. Ang aking Head of the Bedchamber at ang aking Imperial Guard.” Kumaway naman si Mor sa aking pamilya na siyang nginitian naman ni ina at kinawayan pabalik ni Kiana. Tumango lamang si Zeref sa kanila.
“Totoo ngang ikaw ang susunod na reyna, jusmiyo. Kamusta naman sa palasyo anak?”
“Napakaganda po roon, hayaan niyo po balang araw makakapasok rin kayo doon pangako.” Nakangiting sabi ko sakanila.
Umupo kami sa upuanhabang nagluto naman ang aking ina. Nakipagkwentuhan agad si Mor sa aking kapatid na si Kiana nang maalala ko ang mga bagay na inuwi ko mula Pedrimont. Kinuha ko ang mga ito at ibinigay kay Kiana. Tuwang tuwa naman siya nang makita ang mga magaganda at makukulay na telang ibinigay ko sa kanya.
“Salamat ate Khione, mukhang mamahalin ang mga ito. Napakaganda.”
“Huwag mo nang alalahanin ang presyo at gumawa ka na lamang nang magandang damit gamit iyan. Balak kong makita ang mga magagawa mo gamit itong mga nabili ko. At nga pala, mayroon din akong cookies at macarons diyan.” nagliwanag naman ang kanyang mga mata. Ang pagkapareho namin ni Kiana ay ang kagustuhan namin sa mga matatamis.
“Tuwang tuwa ang kapatid mo Khione, mukhang alam mo kung ano ang gusto nila ha.” Napangiti ako sa sinabi ni Mor. Nais ko lamang talagang ilayo at iangat sa kahirapan ang aking pamilya ngunit hindi ko namang inaasahang sa ganitong paraan ko pala sila maiaangat. Masaya akong kahit papaano ay napangiti at nakasama ko ang aking pamlya ngunit ayaw ko silang dalhin sa bago kong mundo dahil hindi pa ito ganoon kapulido baka mapahamak lamang sila. Nais ko lamang ang tahimik at payapang pamumuhay nila rito, hindi man ganoon kagara, malayo naman ito sa peligro. Sana lamang mailigtas ko sila sa paparating na mga pagsubok sa aming kaharian.