CHAPTER 23

2008 Words
Pagkapasok sa aking silid ay nandoon na pala ang mga guwardiya at mga ladies of the bedchamber ko. Kanya kanyang sila nang pagbati sa aking pagkapasa sa monthly assessment. Mukhang madali silang makasagap nang mga balita rito. Isa isa akong lumapit at nagpasalamat sa kanila at ang iba ay yinakap ko pa. Masaya akong nagkakaroon na nang mabuting pagsasama ang mga taong tumutulong sa akin.     Pagkatapos naming magbatian ay dali dali ko namang hinila si Mor mula sa mga kausap niyang ladies of the bedchamber papasok sa aking bathing chamber. Napatawa naman ako nang makita ang kanyang mukha nang mahila ko siya.    “Ano ka ba, Khione. Pwede mo naman ako kausapin hindi yung manghihila ka nalang bigla riyan.” wika niya at hinila pabalik ang kanyang kamay.   “Masyado kasi akong excited sa pagpunta sa bayan Mor, pasensya ka na.” Napangiti siya nang marinig ang aking sagot at mas lumawak naman ang aking ngiti. “O siya, kailangan mo nang maligo dahil amoy pawis ka na.”   Lumapit siya sa may bathtub at tinimpla ang tubig roon pagkatapos ay naglagay nang kung ano anong langis para ito ay bumango. Naglagay rin siya nang sabon upang bumula ito at nang mga bulaklak. Iginiya niya ako sa may bathtub at sinamahan magkiskis nang aking katawan.   Pagkatapos maligo ay dinamitan niya lamang ako nang simpleng damit, isang pantalon na itim at blusa na itim at may halong puti na disenyo. Napangiti ako dahil sa damit na ipinasuot niya sa akin, sakto ito sa gagawin namin ngayon at mukhang inisip talaga ito ni Mor nang maigi.   “Magdala ka rin nang basket Khione, mukhang marami kang bibilhin e.” Napapatawang sabi sa akin ni Mor na siyang tinanguan ko lamang habang nakangiti. Balak ko talagang bumili nang marami dahil ngayon lamang ako nagbigyan nang pagkakataon upang lumabas nang palasyo kung kaya’t susulitin ko na. Nakakaengganyo rin dahil kasama ko sina Mor at Zeref, maging ang iba pang mga ladies of the bedchamber ko kung kaya’t natutuwa ako.   Pagkalabas ng bathing chamber ay dali dali akong pumunta sa private suite ko upang maghanap nang basket na dadalhin sa pamilihan. Pagkapasok sa private suit ay nakita kong nandoon rin si Zeref at mukhang may hawak siya sa kanyang likuran. Tinanguan ko siya at nagsimula nang maghanap nang basket sa aking mga kabinet. Nakailang ikot na ako ngunit hindi ko pa rin mahanap ang basket na iyon, mukhang maling kwarto ang pianglagyanan ko nito.   “Anong hinahanap mo?” Wika ni Zeref at napatingin naman ako sakanya. Napakunot ang aking noo nang mapansing hindi man lang siya umalis sa pwesto niya kanina. “Iyong basket ko, nakita mo ba iyon? Dadalhin ko kasi iyon sa pamilihan upang mas madaling mabitbit ang mga mabibili.” Wika ko at mabilis na tumalikod upang maghanap muli.   Nagulat ako nang hinawakan ako ni Zeref sa balikat at hinarap sa kanya. Mayroon lamang isang hakbang ang pagitan na mayroon kami ngunit hindi ko pa rin makita ang kanyang mukha, wala ba siyang balak magpakita sa akin kahit isang beses man lang? Iwinaksi ko ito sa aking isipan at muling bumalik sa dapat kong gawin. Matagal pa kaming nagtitigan kahit na ang kanyang helmet na armour lamang ang aking nakikita.   “Anong ginagawa mo?” Mahinang wika ko dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Mukhang nagising naman siya dahil doon at ibinaba ang kanyang kamay bago humakbang patalikod upang bigyan kami nang distansya. Ipinakita niya ang hawak niyang basket at napangiti naman ako dahil nahanap niya ito.   “Kanina ko pa ito hawak, hindi mo yata napansin kanina pagkapasok mo.” nawala ang aking ngiti sa kanyang sinabi.   “E bat hindi mo sinabi agad?” Nagkibit balikat lamang siya na siya namang ikinabuntong hininga ko. Siya talaga si Zeref, hay. Sabay na kaming naglakad palabas nang pinto at nang makita kami ni Mor ay tumaas ang kanyang kilay. Ano kayang problema nang babaeng ito?   “Kanina ko pa kayo hinahanap, saan ba kayo nagsususuot?” Mabilis na wika niya.   “Nandoon ako sa private suite para hanapin ang basket at nadatnan ko naman roon si Zeref. Matagal kong hinanap iyong basket ngunit hawak hawak na pala nitong lalaking ito.” Sabay tulak ko sa kanyang balikat. Napansin ko namang ngumiti na lamang bigla si Mor kung kaya’t napakunot ang aking noo. Anong nakakangiti roon? Hindi ko na lamang iyon pinansin at inaya na sila upang pumunta sa pamilihin dahil malapit nang lumubog ang araw.   Kahit pagod sa mga pangyayari sa aking monthly assessment ay nabuhayan naman ako dahil makakabalik na ako sa Cyore. Naglakad na kami palabas nang palasyo pababa sa mga pamilihan ng Pedrimont. Si Zeref na rin ang pinaghawak ko nang basket dahil pinanood niya lamang akong maghanap nito kanina. Nagmukha pa akong tang sa kanyang harapan, napailing na lamang ako. Hawak kamay naman kami ni Mor papunta roon at siya ang nagsisilbing gabay ko dahil dito siya lumaki sa Kapitolyo.   Pumunta kami sa bilihan nang mga tela na nagmula sa iba’t ibang panig nang mundo. Gawa ito nang mga malalaking kaharian katulad na lamang ng Mirdum Kingdom at Veryas Kingdom, at nang mga maliliit na kaharian. Pagkapasok ay nanatii lamang si Zeref sa isang gilid malapit sa may pintuan habang kami naman ni Mor ay naglibot libot at tumingin nang mga tela.   Balak ko itong ibigay kay Kiana pagkarating ko sa Cyore. Namili kami nang magaganda at mukhang mamahalin na mga tela na gawa sa iba’t ibang uri ang aming pinili na tiyak kong ikakatuwa nang aking nakababatang kapatid. Kinuha ito ni Zeref at inilagay sa basket kung kaya’t nagpapasalamat naman ako sakanya na siyang tinanguan nya.      May nakita akong isang tele na kulay puti at may mga disenyong rosas na kulay ginto. Hinawakan ko ito at namangha sa klase ng tela. Kumikinang ito kapag nasisinagn ng ilaw at makapal rin ang kanyang tela. Napakalambot nito sa balat na tiyak kong magiging komportable itong suotin. Napansin nman ako ni Mor na tumitingin sa telang ito at nilapitan niya ako.   “Mukhang gusto mo iyan a, para sa iyo o para pa rin sa iyong kapatid?” Wika niya nang mapalapit siya akin. Hinaplos haplos ko pang muli ang tela bago ko ito binitawan at tumingin kay Mor.   “Napakaganda noong telang iyon.” Sabi ko na sinangayunan niya naman. Lumipat kami sa ibang tindahan at sa pagkakataong ito ay mga gamit naman sa pagmemekaniko. Nagulat naman si Mor nang pumasok ako roon at nagtingin tingin.   “Hoy Khione, anong trip mo at dito ka pumasok? Balak mo bang maging mekanika?” Napatawa naman ako sa kanyang binulong at muling naglibot. Napakunot naman nang noo si Mor at nagkibit balikat na lamang bago ako tumuloy at tumingin sa mgagamit. Sinundan naman ako nang dalawa na gulong gulo.   “Balak kong bilhan ng gamit si Hiro, mukhang kailangan niya ang mga ito.” Sabi ko nang kahit papaano ay malinawagan namansila kung bakit ako pumasok sa tindahang ito.   “At sino naman si Hiro? Kapatid mo ulit?” Napalakas ang sabi ni Mor kung kaya’t napatingin sa amin si Zeref at lumapit. Mukhang may lahi rin siyang marites o pagkachimoso. Napailing iling na lamang ako sa aking naisip at muling tumingin ng mga gamit na maaaring magamit ni Hiro at nang kanyang ama sa kanilang shop.   “Kaibigan ko siya mula pagkabata, sabay kaming lumaki kung kaya’t ganoon na lamang ang aming pagkakaibigan.” Napansin kong umangat naman ang dulo ng labi ni Mor pati na rin ang kanyang isang kilay. Maya maya lamang ay napatingin siya kay Zeref na sumusunod sa aming likuran.   “Ay, kung gayon hindi ka na pala pwede?”   “Anong hindi pwede?” Napatigil ako at humarap sa kanilang dalawa. Ano bang pinagsasabi nitong babaeng ito? Hinintay ko ang kanilang sasabihin ngunit nagkibit balikat lamang si Mor habang nakangiti. Nang tumingin ako kay Zeref ay umiling lamang siya, mukhang hindi niya alam kung ano ang sinasabi ni Mor.    “Wala, halika na at tumingin na tayo nang pasalubong para sa ‘kaibigan’ mo.” Diniinan niya ang pagsabi sa salitang kaibigan kung kaya’t napakunot ako nang noo at napatingin sa kanya. Ngumiti lamang siya sa akin at hinila na akong muli. Sumunod naman muli sa amin si Zeref.      Pagkatapos ay pumunta naman kami sa mga bilihan nang sangkap. Nais kong bilhan nang sangkap na pampalasa si ina para sa kanyang lutuin. Nnabilhan ko na rin siya nang kanyang bagong basket kung saan pwede niyang ilagay ang kanyang mga labada para sakanyang trabaho. Pagkarating sa kanot kung saan puro sangkap ang mabibili ay maamaoy sa hangin ang mabango at malalakas na sangkap.   Sabay pa kaming napalanghap nang hangin ni Mor at nang magkatinginan ay sabay muli kaming natawa. Mukhang napapadalas ang aking pagtawa ngayong araw na ito. Pumasok kami sa loob at nginitian naman kami ng tindera.   “Anong sa iyo?” Nakangiti nitong wika. Mukhang wala pang nakakapansin sa aking mukha o hindi lamang talaga nila ako namumukhaan. Nagpapasalamat naman ako sa bagay na iyon.   “Pwede niyo ho ba akong bigyan nang mga sangkap para sa pangluto?” Magalang na sabi ko nang mapansing hindi lamang pangluto ang mga sangkap na nandito. Mayroon para sa mga paggamot at maroon ding para sa paggawa ng mga potions. Tumango naman tindera at hinintay na lamang namin siya upang hindi kami makasra nang garapon kung sakali man.   Pagkatapos naming mamalengke sa pamlihan ay dali dali muli kaming bumaik sa palasyo dahil madilim na. Pagkarating doon ay dumiretso akong muli sa kusina at napansing wala ulit tao rito. Anong oras ba umuuwi ang mga tagaluto nang palasyo?   Sa pagkakataong ito ay kasama ko na si Mor at Zeref na gumawa nang mga cookies at macarons. Marami kaming ginawa dahil balak ko pang bigyan ang mga guardiya sa aking silid, pati na rin ang aking mga ladies of the bedchamber.  Kaming dalawa ni Mor ang nagluluto habang si Zeref naman ang tagabigay nang mga kakailanganin namin. Nagugulat na lamang ako nang hindi ko pa sinasabi ang kailangan ko ay hawak na ito ni Zeref at handang ibigay sa akin. Napansin ko ring napapangiti sa amin si Mor kapag magkakatabi kami ni Zeref. Ano meron? May gusto ba siya kay Zeref? Ngunit akala ko matandang lalaki ang mga Imperial Guard?   Habang naghihintay maluto ang aming mga nagawa ay naglaro muna kami nang ’truth or dare’ na sinimulan ni Mor. Napilitan namang sumali si Zeref dahil sa pamimilit ni Mor. Kumuha siya ng isang bote sa may kabinet at inilapag sa ibabaw ng mesa. Umupo kami nang pabilog dahil ito ang panuto ni Mor sa amin, nagkatinginan naman kami ni Zeref parehong nagkibit balikat. Nang makaupo ay dali dali namang iniikot ni Mor ang bote kahit hindi namin alam kung ano ang gagawin. Sabay sabay namin itong pinanood at nang maitapat ito kay Zeref ay napatingin kami sakanya. Nakakunot ang aking noo habang nakangiti naman nang malawak si Mor.   “Truth or Dare” natutuwang wika niya kay Zeref at nang sumagot si zeref nang ‘truth’ ay napatili siya. Napatakip naman ako nang aking tenga dahil sa tinis nang kanyang tili. Ano bang nakakatili sa sinabi ni Zeref? Napailing-iling na lamang ako.   “Nagkagusto ka na ba sa isang babae?” Napatingin ako kay Mor nang tanungin niya ito kay Zeref. Mukhang may gusto nga siya kay Zeref at napangiti naman ako dahil doon. Sabay naming hinintay ang sagot ni Zeref na tumagal nang halos ilang minuto. Halos mamuti na ang aking mga mata sa tagal nang paghihintay sa sagot ni Zeref. Tumango siya at tumili namang muli si Mor habang ako naman ay ngumit nang malawak. Hindi ko alam ngunit nakakakilig ang tambalang Mor at Zeref.   Handa na sanang iikot muli ni Zeref ngunit tumunog na ang orasan sa may lutuan, hudyat na luto na ito. Dali dali naman kaming tumayo ni Mor at tumakbo rito upang kuhanin ang aming mga niluto. Napasinghap ako sa amoy na nagmumula sa mga pagkain. Mukhang napakasarap nito, napangiti ako at nagdasal na sana ay magstuhan nila ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD