“Now tell me, do you have powers?”
Kinabahan ako at hindi ko alam ang aking isasagot sa kanyang tanong. Akala ko ay walang nakakita ng aking ginawa kanina dahil wala namang sinabi si Sir Prithious patungkol doon. Napansin niya rin kaya? Ngunit bakit hindi niya ito sinabi sa akin? Nagsisip ako ng sasabihin kung saan maitatago ko ang nangyari kanin angunit wala akong maisip.
“Huwag kang matakot, kami lamang ni Deity Naruu ang nakakita ng totoong nangyari. Nais ko sanang maging totoo ka sa sagot o upang matulungan kita.” Tinignan ko ng maigi si Reyna Sabrina at nakita ko naman ang sinseridad sa kanyang mukha. Simula pa lamang noong unang pagkikita namin ay hindi niya ipinaramdam sa akin na kakaiba ako. Itinuring niya akong kapantay niya at nagpapasalamat ako sa bagay na iyon. Binigyan niya rin ako ng pagkakataon upang magaral at magensayo, dinamitan at pinakain niya rin ako kung kaya’t malaki ang utang na loob ko sa Reyna. Napabuntong hininga ako at naisip kong mas mabuti nga kung magsabi na lamang ako ng katotohanan dahil hindi lahat ng pagkakataon ay maitatago ko ito.
Tumango ako at ngumiti naman sa akin si Reyna Sabrin at hinawakan ang aking mga kamay. Napangiti rin ako ng maliit dahil hindi ko sigurado kung tama ba ang aking desisyon ngunit sana lamang ay matulongan ako ng Reyna upang mas macontrol ko pa ito. “Salamat, Khione dear. Napansin kong gamay mo na ang iyong kapangyarihan ngunit hindi mo kayang panghawakan ito sa malawak at matagal na panahon. Matanong ko lamang, ano ang iyong kapangyarihan?”
Napatingin ako sa aking mga kamay dahil maski ako ay hindi alam sa sagot na iyon. Sabi ng aking ama ay hindi niya rin daw iyon alam dahil namatay ang kanyang ama bago pa man ito maituro sa kanya. Nagsumikap anaking ama upang matutunan na kontrolin at hasahin ang kanyang kapangyarihan kaya nang malamann niyang namana ko ito ay dali dali niya akong dinala sa utktok ng bundok at nagensayo. Malaking tulong rin iyon dahil mas namulat ako sa totoong mundo sa maagang edad at natutunan kong ipagtanggol ang aking sarili.
“Khione iha?” Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang tinig ni Reyna Sabrina. Hindi ko namalayang nakatitig nalang pala ako sa may sahig at nakalimutan ang kanyang tanong. Tumayo ako nang tuwid at tumingin sa kanyang mga mata. Nais ko ring sabihin sakanya ang totoo dahil pakiramdam ko ay siya na ang pangalawa kong ina. Hindi makakabuti sa sitwasyon ko ang agsinungaling ngayon at kailangang kailangan ko ng tulong mla sa kanya. Umiling ako at ymuko bago nagsalita.
“Sa totoo po ay hindi ko alam. Sinabi po sa akin ng aking ama na hindi niya rin alam ang tawag sa ganitong klase nang kapangyarihan.” Tumango tango siya at naglakad paikot sa dome na siyang kinalalagyan namin. Nakikita namin ang mga kaganapan sa labas ngunit mukhang walang nakikita sila Mor at zZeref dahil palinga-linga ito ng tingin at mukhang hinahanap ako.
“Ano ang mga kaya mong gawin?” Wika nang Reyna nang tmigil ito isang hakbang ang layo sa akin. Inisip ko ang mga kaya kong gawin gamit ang aking kapangyarihan at sinabi ito sa kanya. “Nakikita at nararamdaman ko po ang mga life force sa paligid ko, kaya ko rin pong ikonekta ang life force na ito sa aking life force at maa ko na pong hiramin a ng elemento noong nilalang na iyon. Kaya ko rin po itong putulin ngunit may kapalit po ang bagay na iyon at hindi ko pa po nasusubukan. Sa ngayon ay ito lamang po ang aking kayang gawin dahil madalang lamang po akong makasalamuha nang tao habang nageensayo gamit ang aking kapangyarihan.”
Tumango tango siya at mukhang nmangha sa aking abilidad. Tahimik kami ng ilang segundo at mukhang nagiisip ang Reyna. Hindi ko alam kung mayroon pa ba akong kayang gawin dahil sa tagal nang aking pageensayo ay ang dalawang iyon lamang ang tanging nadiskubre at nagamay ko. Hindi ko rin alm kung kaya ko nga bang kumunekta ng life force sa isang tao dahil hindi ko pa rin naman ito nasusubukan. Nagulat ako nang mapansin ko ang kamay ni Reyna Sabrina sa aking harapan. Tinignan ko siya dahil hindi ko maintindihan ang kanyang gustong mangyari.
“Subukan mong ikonekta ang aking life force sa iyo.” Nagulat ako sa kanyang sinabi. Parang kanina lamang ay ito ang aking iniisip ngunit ngayon ay gagawin ko na ito. Normal ba talaga sa mga nobleborns ang pagbabasa nang isip? Nakakabasa nga ba talaga sila o nagkataon lamang iyon? Iwinaksi ko ang mga katanungan sa aking isipan at hinawakan ang kamay ni Reyna Sabrina.
“Pero Reyna Sabrina paano po kung hindi ko po ito makontrol? Baka kung ano po ang mangyari sa inyo natatakot ho ako.” Nagaalangang sabi ko at biniawan ang kanyang kamay ngnit ngumiti lamang si Reyna Sabrina at siya na ang humawak sa aking kamay.
“I’m powerful iha, don’t forget that.” Hindi mayabang ang kanyang pagkakasabi kung kaya’t napaisip ako. Oo nga, siya nga pala ang Reyna ng Auxthen. Nang mapanatag ang aking loob ay dahan dahan akong tumango sa kanya na siya namang ikinangiiti niya. Pumukit ako at dahan dahang tinawag ang aking kapangyarihan.
Nakaramdam ako ng dalawang sobrang lakas na life force na hula ko ay kay Reyna Sabrina at Deity Naruu. Napakalamig nito sa pakiramdam at para akong malilipad sa lakas ng higop nito. Iminulat ko ang aking mga mata at narinig ko naman ang pagsinghap ni Reyna Sabrina. Naita ko ang isang kulay asul na makapal at matingkad na sinulid. Nakakonekta ito sa katawan ni Reyna Sabrina at doon ko napatunayan na sobrang makapangyarihan nga siya. Kulay puti na may halong ginto naman ang kay Deity Naruu. Di hamak na mas makapal at mas matingkad ang sinulid ng life force ni Deity Naruu sapagkat isa siyang diyos.
Namangha ako dahil sa aking mga nakikita. Napansin ko rin ang isa pang kulay asul sasinulid at nakakonekta ito kay Zeref. Mukhang tubig nga talaga ang kanyang elemento. Napatingin akong muli kay Reyna Sabrina at hanggang ngayon ay halatang gulat pa rin ang kanyang itsura. Mas lumapit ako sa kanya dahil ngayon ko lamang nakita ang ganitong ekspresyon mula sa kanya.
“Bakit po? Ano pong nakakagulat Mahal na Reyna?”mahinang wika ko sa kanya Takot na baka mabigla ko siya dahil sa aking boses. Dahan dahan niyang itinaas ang kanyang kamay at itinuro ang aking mukha. Dali dali naan akong napahawak rito at kinapa kapa ito ngunit wala naman akong naramdamang mali sa aking mukha.
“Your eyes, they’re glowing” mahinang sambit niya at doon ko lamang naalala ang aking mga mata. Oo nga pala at umiilaw ang aking mga mata kapag ginagamit ko ang aking kapangyarihan. Ang mga mamayaman ng Auxthen ay hindi ganoon at tanging ako lamang ang may umiilaw na mata habang gumagamit nang kapangyarihan. Hindi ko rin alam kung bakit kung kaya’t napatahimik na lamang ako. Dahan dahan naman ibinaba ni Reyna Sabrina ang kanyang kamay at humawak sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya inaalis ang kanyang paningin sa aking mga mata.
“They’re beautiful.” Nakangiting bulong niya at nagpasalamat naman ako tsaka ngumiti. Minsan ko pa lamang nakikita ang aking mga mata habang ito ay umiilaw at iyon ay noong buhay pa ang aking ama. Hindi ko na nakita pang muli ito dahil wala namang salamin sa tuktok nang bundok kung saan ako madalas magensayo. Tumikhim si Reyna Sabrina at sinenyasan ako upang magsimula.
Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kanyang kamay ng mahigpit. Gamit ang aking kapangyarihan ay dahan dahan ko itong ikinonekta sa akin. Halos sabay pa kaming napasinghap nang magawa ko ito, sobrang lakas ng kapangyarihang dumadaloy patungo sakin at hindi ko alam kung papaano ito kokontrolin. Humigpit ang aking hawak sa kamay ni Reyna Sabrina at ganoon rin siya sa akin. Sinubukan kong gumawa nang ulan gamit ang kapangyarihan nang reyna at napangiti aman ako ng malawak nang magawa ko ito. Balak ko pa sanang gumawa nang isa pa ngunit nabitawan ko ang hawak ko sa kapangyarihan ni Reyna Sabrina kung kaya’t pareho kaming tumilapon at napaupo.
Sa sobrang lakas ng life force na iyon ay hindi ko ito kayang kontrolin. Dali dali akong tumayo at tumakbo sa kinaroronan ni Reyna Sabrina upang tulungan siya. Hinihingal kaming pareho noong makatayo kami at nang humupa iyon ay yumuko ako upang humingi ng tawad. Wala akong malakas na kontrol sa aking kapangyarihan at dahil don ay kamuntikan nang mapahamak ang reyna. Nakaramdam naman ako hiya dahil sa aking ginawa, mukhang hindi pa nga ako handang maging reyna.
“That was great Khione dear. You are so powerful but you need to control an enhance that so you can fight well.” Nang maPatingin ako kay Reyna Sabrina ay nakangiti itong nakatingn sa akin. Hindi ko alam ang aking sasabihin kung kaya’t yumuko na lamang ako dahil sa hiya. Hindi ko na dapat ginawa iyon. Bumuntong hininga ako dahil sa nangyari. “Don’t be sad dear, you are improving. Kailangan mo lang magensayo pa, thank you for showing me your powers. It really is one of a kind.”
Ngitian ko nang kaunti si Reyna Sabrina at humingi sa kanya ng pabor.”Nais ko po sanang itago ang aking kakayahan kung okay lamang po ito sa inyo Reyna Sabrina. Nangako po kasi ako sa aking ama na huwag ito ipapaalam kung kani-kanino.”nahihiyang sabi ko at nagulat naman ako nang marinig ang mahinang tawa niya.
“Huwag kang magalala, hindi ko ito ipagsasabi. Ngunit nais sana kitang tulungan upang mas macontrol mo pa an g iyong kapangyarihan. Nais sana kitang magensayo sa training grounds.”
“Sa kwarto ko na lamang po Mahal na Reyna, mayroon naman pong isang kwarto roon na sobrang lawak kung kaya’t doon na lamang po ako mageensayo. Kung okay lamang po sa inyo.”
Ngumiti siya at lumapit sa akin bago hinawakan ang aking kamay.”Of course dear. This is now your home, please consider it as one.”
Tumango ako at ngumiti. Buti na lamang at pumayag si Reyna Sabrina sa aking pabor at pinayagan pa niya akong magensayo sa aking kwarto. Mukhang sumasang-ayon na ang lahat sa panig ko ngayon sana lamang ay magtuloy tuloy ito.
“I want you to practice your magic and your combat skills since you are very good at those. Continue your studies with Sir Cliff, Madam Selvia and Sir Prithious as well as our afternoon tea with the Ladies In Waiting. Do not hesitate to approach me dear, I am very much happy to assist you.” Nakangiting wika niya.
Napakagaan talaga nang pakiramdam ko kay Reyna Sabrina, kahit pa man siya ang pinakamakapangyarihang tao dito sa aming kaharian ay hindi siya nagpapakita nang kayabangan. Isa siya sa mga hinahangaan kong tao ngayon at kung maaari lamang ay nais ko siyang maging kaibigan.
“Now let’s go, you need to get ready for your trip to Cyore.” Ikinumpas nang reyna ang kanyang kamay at unti unting nawala ang dome na siyang kinalalagyan lamang namin kanina. Napansin naman kami nila Mor at dali daling humakbang palapit ngunit pinigilan siya ni Zeref. Sabay kaming naglakad ni Reyna Sabrina sa pwesto nila at nang makalapit doon ay dali dali akong nagpasalamat sa reyna.
Pinanood namin silang umalis sa throne room kasama ang ibang mga guwardiya at nang mawal na sila sa aming paningin ay dali dali naman akkong hinila ni Mor.
“Khione, bakit nawala ka nalang bigla kanina, saan ka nagpunta?”Napatawa naman ako sa kanyang tanong dahil hindi niya alam na kitang kita ko siya mula sa pwesto ko kanina. Tahimik namang muli si Zeref sa aming tabi at mukhang walang pakialam sa aming pinaguusapan.
“Nandito lamang kami ni Reyna Sabrina, Mor. Nakatago lamang kami sa inyong mga mata kung kaya’t hindi niyo kami napansin ngunit nakita kita at palinga-linga upang hanapin ako.“
“E paano ba naman kasi bigla bigla ka na lamang nawawala sinong hindi magaalala doon.”
Napangiti ako dahil sa wakas ay may nagaalala na para sa kapakanan ko dito sa loob ng palasyo. Mukhang nagkakamabutihan na nga kami ni Mor, sama ko na rin si zeref dahil kahit hindi iyan palasalita ay alam ko namang handa niya akong ipagtanggol kung sakali man.
“Samahan niyo ako sa bayan, mamimili ako nang mga pasalubong para sa pamilya ko. Magluluto rin ako para sa kanila kung kaya’t kailangan nating magmadali.” excited na sabi ko at hinila-hila si Mor at pati na rin si Zeref palabas nang throne room upang bumalik sa aking kwarto at magbihis. Pagkatapos ng ilang linggo ay sa wakas makakauwi na ako ng Cyore, hindi na ako makapaghintay na makita at makasamang muli ang aking mga mahal sa buhay.