Napansin kong nawala na ang mga sugat sa aking katawan pati na rin ang mga dugo sa aking damit ngunit nararamdaman ko pa rin ang sakit mula sa mga ito. Napansin ko ring butas butas at sira sira na ang aking damit. Napabuntong hininga ako dahil sa wakas ay nalagpasan ko ang monthly assessment na ito.
Doon ko lamang naalala na isa lamang palang ilusyon angmga nakalaban kong mga shadows ngunit totoo ang mga naramdaman kong sakit. Namangha ko sa galing ng mga taga Mirdum Kingdom dahil kaya nilang gumawa ng ganitong klaseng mga kagamitan. Unti unting sumiklab ang kaba sa aking sistema nang maalala ko ang paggamit ko ng aking kapangyarihan sa pagsubok na ito upang matulungan ang aking sarili. Malamang sa malang ay nakita nila ito kaya’t ganoon na lamang ang kabang nararamdam ko. Huminga ako nang malalim upang maalis ang kaba at hindi nila ito mapansin.
Nakaupo pa rin ako sa sahig at nakayuko ng bigla kong maramdaman ang isang tela na naipatong sa aking mga balikat. Naiangat ko ang aking paningin at nakitang inalis ni Zeref ang kanyang kapa at isinuot ito sa akin, napangiti naman ako sa kanyang ginawa. Maya maya naman ay lumapit rin sa akin si Mor at binigyan ako ng tubig na siyang tinanggap ko at ininuman kaagad agad dahil sa uhaw.
Pagkatapos noon ay tinulungan akong tumayo nina Mor at Zeref at naglakad palapit kila Sir Prithious, Madam Selvia, Sir Clifford, Reyna Sabrina at Deity Naruu. Paika ika akong naglakad ngunit nakaalalay naman ang dalawa sa aking magkabilang gilid. Pakarating doon ay binigyan ako ng upuan ni Reyna Sabrina gamit ang kanyang kapangyarihan.
Mula sa kanyang mga kamay ay may liwanag na kulay asul ang lumabas at itinaas niya ito papunta sa aking pwesto. Naglakbay ang kulay asul na liwanag at nagsimulang mabuo ang isang upuan na gawa sa tubig. Mukhang alon ang disenyo nito at hindi ko maiwasang mapasinghap dahil may tubig na dumadaloy sa paanan nito. Iginiya ako roon ni Mor at nang hawakan ko ang upuan ay napansin kong hindi ito basa. Napatingin ako ng naguguluhan kay Reyna Sabrina na siyang ikinatawa niya lamang at itinuro ang upuang kanyang ginawa upang aking gamitin. Umupo ako at nakaramdam ng ginhawa dahil naipahinga ko ang aking mga paa at kamay.
Tahimik lamang sila at nakatingin sa akin kung kaya’t napayuko ako dahil hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga tinging iyon. Maya maya lamang ay humakbang palapit sa akin si Sir Cliff at binigyan ako ng isang aklat.
Kinuha ko ito at inilagay sa ibabaw ng aking mga hita, noong una ay akala ko isa itong aklat ngunit nang buksan ko ito ay napansin kong isa itong kuwadrado. Kaonti lamang ang pahina nito ngunit napansin kong may kasama itong panulat sa gilid. Kulay puti ang takip nito na may halong ginto na bulaklak na mga disenyo. Kulay ginto rin ang kulay ng panulat at may rosas na simbolo sa may itaas nito.
“A gift for your great show case of bravery and intelligence, Your Grace. May this journal be the witness of your stay here in the palace and your reign as the next queen.” Wika ni Sir Cliff at ngumiti sa akin, hindi ko naman maiwasang ngumiti ng malawak dahil sa kanyang sinabi at muling ininspeksyon ang kuwadrado.
“Kaunti lamang ang pahina niyan dahil pagkatapos mo itong maisulat ay otomatikong mabubura na ito. Huwag kang magalala dahil lahat ng maisusulat mo rito ay mapupunta sa machine at pwede mo itong balikan ano mang oras. May pindutan riyan sa gilid, ang kulay ginto ang siyang magiging kandado ng journal upang ikaw lamang ang makakabukas nito, ang kulay puti ay para makapagsulat ka sa mga pahina nito, at ang pinaghalong ginto at puti naman ay upang mabasa ang mga nauna mong sinulat.”
“Maraming salamat Sir Cliff, makakaasa kang magagamit ko ito magmula ngayon.” Nakangiti kong wika habang hindi maalis ang aking tingin sa binigay niya. Nang iangat ko ang aking tingin ay napansin kong napakalawak rin ng ngiti niya sa akin at tumango siya bago siya bumalik sa kanyang pwesto.
Magmula roon ay si Madam Selvia naman ang humakbang palapit sa akin, nakangiti siya at halatang natuwa sa mga kaganapan ngayong araw na ito. Ibinalik ko ang kanyang ngiti dahil maski ako ay nakahinga ng maluwag dahil sa wakas ay napagtagumpayan ko ang unang hamon ko rito sa palasyo.
Napahawak ako sa kwintas na ibinigay ni Neon sa akin noong dumalaw ako sa White Forest, magmula noon hanggang ngayon ay hindi ko ito inalis sa aking leeg. Hindi naman nagtanong ang aking mga ladies of the bedchamber pati na rin si Mor kung saan ko man ito nakuha at nagpapasalamat naman ako dahil hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin kung sakali.
Tumigil si Madam Selvia sa harapan ko at hinawakan ang aking mga kamay. Napatingin ako sa kanyang mga kamay dahil napansin kong napakaingat ngunit mahigpit ang haawak niya rito. Hindi ko aakalaing magiging ganito ang relasyon naming dalawa dahil naalala ko noong una na ayaw niya sa akin bilang susunod na reyna ng aming kaharian. Napatingin ako sa kanyang mukha at napansin ko ang sinseridad mula rito kung kaya’t dali dali ko siyang hinila upang yakapin. Nagulat siya sa ig ginawa at pagkaraan ng ilang sandali ay naramdaman ko na ring ang kanyang mga bisig sa akng katawan. Napatingin ako kay Reyna Sabrina at Deity Naruu na nakangiting nakatingin sa aming dalawa ni Madam Selvia. Tumango naman sa akin si Deity Naruu na siyang nginitian ko.
“Una sa lahat, binabati kita dahil napagtagumpayan mo ang pagsubok na inihanda ko para sa iyo. Sa totoo lamang ay inaasahan ko nang hindi ka mgtatagumpay ngunit napahanga mo ako.” Hindi ko aakalaing may mas ikalalawak pa ang aking mga ngiti. Naramdaman ko naman ang pagtapik ni Mor sa aking likuran upang iparamdam sa akin na nandito lamang siya.
“Now, I want to give you this as a token of my gratitude and honor. This is a powerful pair of gloves. It is fireproof and waterproof since it is made from the silks of Mirdum Kingdom. It also has a protection and an enhancer spell that would help you in battle someday.” Binigay niya ang isang pares ng itim na guwantes. May halo itong gintong kumikinang na mukhang bituwin sa kalangitan. Simple lamang ito at napakaganda ng telang ginamit. Sinubukan ko itong isuot at naramdaman kong saktong sakto lamang ito sa aking mga kamay. Napakagaan nito sa pakiramdam at hindi rin siya mainit suotin kahit na makapal ang telang ginamit.
“Thank you, Madam Selvia, I’ll probably use it as often as I could.” Nagulat pa si Madam Selvia dahil sa binanggit ko, mukhang ngayon niya lamang narinig ang pananalita ko gamit ang wika ng mga matataas. Napansin ko ring tumahimik ang buong throne room dahil doon.
“You can now understand and talk english?” Hindi makapaniwalang tanong niya at tinanguan ko naman siya. Napadako ang aking paningin kay Reyna Sabrina at napansin ko ang proud niyang mga ngiti na tila ba ipinagmamayabang na niya ako bilang kanyang susunod na tagapagmana. Tinanguan ko siya at ibinalik ang aking tingin kay Madam Selvia. “That’s wonderful! Your accent is very on point Your Grace, i’m happy to hear it,” wika niya nang mabawi niya ang kanyang gulat. Ngumiti sia bago yumuko at naglakad pabalik sa kanyang pwesto.
Napatingin ako kay Sir Prithious dahil siya na ang susunod na magbibigay ng kanyang desisyon sa aking ipinakitang galing sa kanyang ibinigay na pagsubok. Bumalik sa aking mga alalala ang paggamit ko ng aking kapangyarihan at kinabahan ako dahil dito ngunit mas nanaig ang kagustuhan kong makapasa sa monthly asssessment na ito. Hindi ko alam kung ano ang kanilang mga nakikita habang ako ay nakikipaglaban sa mga shadows at sana lamang ay hindi nila napansin ito.
Matagal na minuto pa ang aming hnintay bago dahan dahang naglakad palapit sa akin si Sir Prithious. Tumigil siya tatlong hakbang mula sa kinauupuan ko at tinignan akong maigi. Nakipagtitigan ako sa kanya ngunit hindi ito nagtagal at muli kong ibinaba ang aking mga tingin at hinintay ang kanyang pasya. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumikham siya at may ibinato sa akin. Dali dali ko naman itong sinalo dahil sa gulat ay napatayo pa ako. Nang masalo ito ay muli akong umupo upang tignan ang bagay na ito.
Nakabalot ito sa isang itim na tela kung kaya’t dahan dahan ko itong inalis upang masigurong hindi ko masira ang kung ano mang bagay ang nasa loob nito. Nagulat na lamang ako ng tumambad sa akin ang bagay na kulay puti at ginto. Inalis ko ang takip at namangha ako sa ganda ng armas. Isa itong dagger na napakaganda. Kulay silver ang kabuoan nito at may mga na-engrave na linya linya na pakurba na kulay ginto sa may patalim. Sa may hilt ay mayroong tatlong dyamante sa tuktok at may simbolo ng rosas naman sa may ibaba nito. Napakagaan rin ito sa aking kamay ng sibukan ko itong hawakan at iwasiwas sa aking harapan.
Napatingin ako kay Sir Prithious at napansing hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nginitian ko siya ng napakalawak at tsaka nagpasalamat dahil sa napakagandang armas na iniregalo niya sa akin. Muli ko itong tinignan dahil ngayon lamang ako nagkaroon ng ganito kaganda na armas sa tanang buhay ko at hindi ko inisip na makakahawak ako ng ganito. Nagulat ako ng biglang tumikhim muli si Sir Prithious kung kaya’t napatingin ako sa kanya.
“That is a custom-made dagger made from fine silver and iron. It would help you in your years as a queen of Auxthen. I wish you use it properly.” Tumango tango naman ako sa kanyang sinabi dahil walang salita ang gustong lumabas sa aking mga bibig. Hindi nila alm kung gaano ako kasaya dahil sa mga bagay na ibinigay nila.
“I did not expect you to ace your exams today, but you proved me wrong. I saw your potential in being a good fighter and a general at the same time. I will continue to harness your skills in weaponry so be ready for that. Congratulations” walang emosyong sabi niya at dali daling naglakad pabalik sa kanyang pwesto. Napangiti naman ako dahil mukhang nagsisimula nang maging maayos ang pakikitungo niya sa akin. Hindi man ganoon kaganda ang aming relasyon ngunit masaya ako na kahit papano ay nagbabago na ito.
Pagkabalik ni Sir Prithious sa kanyang pwesto ay napatingin naman kaming lahat kay Reyna Sabrina ng humakbang ito paabante. Tumayo ako upang magbigay galang sa kanya at nanatiling nakatayo habang hinihintay ang susunood niyang sasabihin. Dali dali namang natunaw ang tubig na upuan pagkatayo ko kaya nagkaroon ng maraming tubig sa sahig. Agad namang kumilos si Mor upang kumuha ng pamunas at ligpitin ang tubig ngunit nakaisang hakbang pa lamang siya ay bigla na lamang lumutang ang tubig.
Napatingin ako kay Reyna Sabrina at nakita kong nakaangat ang kanyang kamay sa ere, pinaikot niya ang kanyang kamay at tiniklop ang kanyang mga daliri habang umikot naman sa ere ang tubig at bigla na lamang sumabog na siyang naging dahilan ng mistulang ulan sa loob ng throne room. Napapalakpak ako dahil sa aking nasaksihan at nginitian naman ako ni Reyna Sabrina.
“I congratulate you on passing your monthly assessment Queen Khione. As a reward, I shall grant you one day access to return to home village, Cyore. Thank you, Selvia, Prithious and Clifford for administering this day.” Tumango kaming lahat sa kanyang at nginitian ko naman ang aking mga guro bago sila naglakad palabas sa throne room. Tumalikod ako at napatinin kay Mor na siyang nakangiting nakatingin rin sa akin. Dali dali akong tumakbo sa kanya at yumakap dahil sa sayang nararamdamn ko.
“Nagawa ko, Mor. Natapos ko!” Masiglang sabi ko at tumango tango naman siya nang nakangiti. Tumingin ako kay Zeref at tinanguan siya bilang pasasalamat at ibinalik niya naman ito sa akin.
“Tara, magbabake akong muli ng mga cookies bilang selebrasyon at bukas ay makakauwi na ako sa bayan namin.” Hindi ko mapigilan ang aking galak kung kaya’t napatawa si Mor ng wala sa oras. Nakakailang hakbang pa lamang kami ng pigilan kami ni Deity Naruu. Tumalikod kami at napansin kong nandoon pa rin si Reyna Sabrina sa pwesto niya kanina. Tumingin ako kay Mor ng natatanong at nagkibit balikat lamang ito kung kaya’t nagsimula na akong maglakad pabalik sa Reyna.
“I would like to talk to you for a moment Khione.” Seryosong wika ni Reyna Sabrina at kinabahan naman ako kung kaya’t tumango na lamang ako. Hindi ko alam kung para saan ito kay ahindi ko maiwasan ang magisip ng kung ano ano. Naglabas ng mahika si Reyna Sabrina at may isang bilog na gawa sa tubig ang pumalibot sa aming dalawa. Si Deity Naruu ay nasa labas ng bilog ngunit pakiramdam ko ay nakikita at naririnig niya pa rin kami.
“I want to talk to you about what I saw, this dome would make this conversation private, no one can see nor hear us outside. Now tell me, do you have powers?”