Dahan dahan akong umabante habang pinapakiramdaman ang paligid. Hindi ko rin ganoong nakikita ang aking paligids dahil sa dilim kung kaya’t umaasa na lamang ako sa aking mga pandama. May mga naririnig ako ng tunog ng pakpak ngunit mukhang malayo naman ito sa aking pwesto. Hawak ko ang pamaypay sa kanang kamay ko at ang kaliwa naman ay tanging ang aking kamay lamang ang aking magagamit.
Pagkaraan ng ilang minuto ay halos wala na akong marinig na kahit anong tunog. Hindi ko mawari kung nakalayo na ba ako sa pugad ng mga shadows o papunta pa lamang ako doon. Mas pinagigihan ko ang aking paglalakad upang hindi ako makagawa ng kahit anong uri ng tunog. Maya maya lamang ay may narinig akong tunog na papunta sa aking direksyon. Tumalikod ako at sakto namang may handa ng umatake na shadow sa akin kung kaya’t gumilid ako upang hindi matamaan ng kanyang atake at ginamit ang pamaypay upang sugatan ang isang bahagi ng pakpak nito. Gumawa naman ito ng ingay kung kaya’t napaatras ako dahil sa ingay.
Dahil sa ingay na iyon ay nakatawag siya ng isa pang shadow at dali dali itonglumipad patungo sa akin at sinugatan ang aking hita. Napadaing ako dahil sa hapdi ng talim ng kuko ng shadow na ito. Nagngitngit ang aking mga ngipin upang pigilan ang makagawa ng anumang ingay na magiging sanhi ng pagtawag ng iba pang mga shadow. Napansin ko namang lumapag ang shadow na nasugatan ko kanina kaya’t dali dali akong tumakbo palapit dito at hindi inalintana ang aking sugat sa hita. Gamit ang pamaypay ay pinindot ko ang panglawang bilog at bigla na lamang may lumipad na mga kutsilyo mula rito at tumama ito sa pakpak noong shadow.
Gumawa ito ng matinis na tunog na siyang nakatawag na isa pang shadow kung kaya’t umatake ito mula sa aking gilid. Dahil sa bilis ng atake g pangalawang shadow ay nahirapan akong salagin ang kaniyang mga atake. Ginamit kong muli ang pangalawang bilog at pinatama ito sa tiyan at pakpak ng pangalawang shadow at bumaon ito. Nahulog siya sa sahig at ginamit ko naman pagkakataon iyon upang atakihin siya. Doon ko lamang napansin na matulis pala ang dulo ng mga rib ng pamaypay kung kaya’t ginamit ko ito at pinutol ang pakpak ng pangalawang shadow. Bigla naman itong naging abo kung kaya’t isa na lamang ang aking proproblemahin. Tumakbo ako palapit sa unang shadow at ginawa ang aking ginawa sa pangalawang shadow at dali dali rin itong naging abo.
Napaupo ako sa sahig at napasandal sa puno dahil sa dakit ng aking hita. Napansin kong hindi pa rin ito tumitigil sa pagdurugo kung kaya’t kinailangan kong sirain ang aking blusa gamit ang pamaypay at ginamit ito upang talian ang aking sugat. May mga maliliit na sugat rin ako sa iba’t ibang bahagi ng aking katawan at butas butas na rin ang aking kasuotan. Pagkatapos matalian ang aking sugat ay bumuntong hininga ako at muling pinagpatuloy ang paghahanap ng mga shadow.
Paika ika ako habang naglalakad at nagulat na lamang ako ng bigla na lamang akong matumba at napansin ko ang itim na nilalang na mukhang multo dahil transparent ang kulay nito ngunit nahahawakan ko naman ito. Gamit ang pamypay ay iwinasiwas ko ito pahalang sa kanyang leeg at may gulay itim na likido ang lumabas mula rito. Dali dali akong tumayo ng magsimula itong maging abo.
Napansin kong may apat na ganoong uri ng shadow ang papunta sa akin at nakalutang lamang sila sa sahig. Mabilis ang kanilang mga galaw kung kaya’t hindi ko alam kung papaano sila tatalunin. Tumalon ako ng mataas at pinindot ang ikatlong bilog sa may pamaypay at dali dali namang lumabas ang sampong bilog at sabay sabay itong pumutok na siyang tumalo sa dalang shadow na malapit sa akin. Nakailag naman ng dalawa kung kaya’t dali dali kong pinindot ang ikalawang bilog at muling lumipad ang kutsilyo mula rito. Tumakbo ako palapit sa isang shadow at ginilatan ito sa kanyang leeg tulad na lamang ng ginawa ko sa unang uri ng shadow na ganito kanina. Hindi ko alam ang tawag nito kung kaya’t hindi ko alam kung papaano sila lumaban. Sa totoo lamang ay hindi ko kabisado ang mga nilalang na shadow dahil hindi naman ito itinuturo sa mga mababang katulad ko, hindi rin naman ito itinuro ni sir Prithious at Sir Cliff kung kaya’t wala talaga akong ideya dito.
Hindi ko napansin ang huling shadow na natira at dali dali naman akong kinagat nito sa aking balikat kung kaya’t napadaing akong muli. Hindi ko na napigilan at ginamit ang aking kapangyarihan upang protektahan ang aking sarili. Kinonekta kong muli ang sarili ko sa mga puno sa aking kapaligran at ginamit ito bilang aking kapangyarihan. Gamit ang sinulid na kulay itim ay itinali ko ang shadow at tsaka ito sinaksak na siyang naging abo. Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakbay at binitawan na ang aking hawak sa kapangyarihan ko.
Dahil mas nakilala ko na ang aking mga kalaban ay mas madali ko na itong nahanap. Dali dali akong tumakbo sa dalawang shadow na nakita ko at ginamit muli ang pangatlong bilog sa may pamaypay. Nang lumipad na ang mga bilog ay dali dali akong tumalon at ginamit ang patalim ng pamaypay upang gilitan ang ito at sakto namang sumabog ang mga bilog na galing sa armas.
Habang nakikipaglaban ako sa mga ito ay hindi ko napansin ang tatlong malalaki at mabibilis na shadow na papalit sa akin kung kaya’t napatilapon ako dahil sa inilabas nilang kapangyarihan. Nalasahan ko ang dugo sa aking bunganga at napaubo bago tumayo at pinulot muli ang aking armas. Napansin kong dalawang beses ang laki nila kaysa sa akin at limang beses naman ang kanilang lapad ngunit sobrang bilis pa rin nilang gumalaw na para bang parte sila g hangin. Doon ko lamang naalala ang dahilan nang aking pagkatilapon. Hangin ang kapangyarihan ng mga shadow na ito kung kaya’t ganoon na lamang sila kabilis kung kumilos.
Dali dali akong tumakbo upang iwasan ang paparating na shadow sa pwesto ko at pinindot muli ang ikatatlong bilog sa pamypay. Ngunit dahil sa bilis nila ay hindi ko man lamang sila napatamaan. Dali dali akong tumalon upang iawasan ang matulis na kuko ng isa pang shadow at pinindot ang ikalawang bilog at sinaksak ang isang shadow. Napadaing naman ito ng maingay at napadaing ng maayos.
Dahil dito ay dali dali naman akong inatake ng dalawa at sabay sabay na nagpalabas ng mga kapangyarihan nila sa akin. Dali dali naman akong gumilid at tumakbo ngunit natamaan ako sa aking tagiliran at tumilapon. Naramdaman kong muli ang dugo sa aking tagiliran at sa aking ilong. Napakalakas nila, hindi ko mawaring ganito sila kalakas. Pakiramdam ko ay hindi gumana ang pageensayo ko sa tuktok ng bundok dahil dito. Mukhang kailangan ko pang igihan ang aking pageensayo.
Tumayo ako at hindi ininda ang aking mga sugat. Tumakbo ako sa abot ng aking bilis at dali dali iwinasiwas ang pamaypay sa isang shadow. Pinatamaan ko ang kanyang tiyan at tumalon papunta sa kanyang likuran at sinaksak ito. Dali dali naman itong naging abo. Napansin kong nagsisimula na namang kumilos ang dalawa pang mga shadows at wala na akong sinayang na oras. Dali dali akong tumakbo sa kabilang direkyon at tumalon upang gamitin ang panghuling bilog sa aking armas. Ngunit nahigop ako ng kapangyarihan ng isang shadow kung kaya’t hindi ako nakagalaw agad.
Pinalibutan ako ng dalawang shadows at inatake gamit ang kanilang mga kuko at nang kanilang mga kapangyarihan. Napadaing ako dahil sa mga sugat na natatamo ko at muling tinawag ang aking kapangyarihan at kinonekto itong muli sa mga puno. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng ginhawa dahil sa life force ng mga puno. Ginamit ko ito upang protektahan ang aking sarili at muling ginawa ang aking plano. Tumalon ako at ginamit ang aking kapangyarihan upang makaalis sa humihigop na kapangyarihan ng mga shadows. Pagkatapos noon ay pinindot ko ang huling bilog sa aking armas at bigla na lamang may lumabas na pulang liwanag na siyang sumabog sa harap ng dalawang shadows.
Napansin kong naging abo na ang dalawang shadows. Unti unti akong napaupo sa sahig at binitawan ang hawak sa aking kapangyarihan. Maya maya lamang ay bigla na lamang natunaw ang itim na kapaligiran pati ang mga puno at bumalik sa throne room ng palasyo. Don ko lamang narinig ang palakpak nina Mor at Zeref pati na rin sina Reyna Sabrina at Deity Naruu. Napatingin ako kay Sir Prithious at napansin kong nakaangat ang dulo ng kanyang bibig na parang isang ngisi. Napayuko dahil sa wakas ay natapos na ang aking monthly assessment.