CHAPTER 19

1458 Words
Pagkatapos nang unang klase ay bumalik na si Sir Clifford sa pwesto niya kanina kung saan nakatayo sina Madam Selvia at Sir Prithious. Si Madam Selvia naman ngayon ang naglakad papunta sa gitna at kinuha ang patpat na maliit. Bumalik rin naman ako sa akng pwesto upang panoorin at pagmasdan ang gagawin ni Madam Selvia.   Pinagmasdan niya ng ilang saglit ang patpat at maya maya lamang ay humaba ito. Mukhang may pinindot siya upang maging ganoon ang kagamitang iyon. Nakakamangha. Pagkatapos noon itinuro niya ako na parang sinasabi akin na umabante kung kaya’t iyon ang aking ginawa. Pagkarating doon ay ibinigay niya sa akin ang patpat.   “Now for the second phase. You will be given challenges and this stick would be put in between your arms and back. You need to pass the challenges without the stick touching the ground.” Iniayos niya ang aking kamay pagkatapos niyang magsalitaat hinawak ito sa aking bewang. Pagkatapos oon ay ipinasok niya ang patpat sa pagitan ng aking kamay at likod. Ramdam kong mas naging tuwid ang aking pagtayo dahil doon.   Nang makuntento si Madam Selvia ay ngumitisiya at pumalakpak. Pagkaraan ng ilang saglit ay lumitaw na ang mga challenges na sinabi niya. Halos lumuwa ang aking mata dahil hindi ako makapaniwalang ganitong challenges pala ang nais niya. May mga gulong na nakapahiga sa sahig, mayroon ding punong kahoy na nakapahiga at nakalutang gamit ang tali, at mayroon pang mesa sa dulo at mga tasa.   Napalunok na lamang ako dahil mukhang imposible ang kanilang pinapagawa. Nais nilang tumawid ako sa obstacle course na para sa mga militar nang hindi sumasayad ang patpat sa aking likod. Napatingin ako kay Madam Selvia at nakita ko ang kanyang malawak na ngiti na para bang hindi siya makapaghintay na mapanood ako.   Wala na akong nagawa kung hindi ang maglakad papunta sa unang challenge, ang gulong na nakapahiga. Inihakbang ko ang aking paa papasok sa loob ng butas at dahan dahang iningat ang sumunod. Nang makapasok ako nang hindi sumasayad ang patpat ay napangiti ako. Ganoon rin ang aking ginawa sa sumunod na gulong ngunit nagulat na lamang ako ng may malakas na tunog ang narinig sa buong throne room at may sumabog a ilaw na kulay pula.   “Again, Your Highness. Sumayad ang stick sa floor.” Wika ni Reyna Sabrina sa akin at wala naman akong nagawa kung hindi ang bumalik sa simula. Mukhang matatagalan nga ako sa parteng ito.   Ilang beses pa akong umulit dahil sumasayad talaga ang patpat sa sahig ng hindi ko man lang namamalayan. Naiinip na rin ako dahil nakailang ulit na at sumasakit na rin ang aking likod.   “You need to walk straight Your Highness. Chin up, stomach in then glide.” Sambit ni madam Selvia na para bang isa lamang ito sa mga inaaral namin. Napabuntng hininga ako at muling inalala ang mga payo niya sa tuwing naglalakad ako.   Sinimulan kong muli ang pagtapak at ngayon ay nakatingin na lamang ako sa unahan. Dahan dahan akong tumawid sa mga gulong at hindi ko namalayan na tapos na pala ako. Napangiti ako dahil mukhang epektibo nga ang sinabi ni Madam Selvia. Sumunod naman ng puno na nakapahiga at nakalutang gamit ang tali. Nais ba nila akong tumawid riyan e gumagalaw ang puno.   Napailing na lamang ako sinubukang ihakbang ang aking mga paa paabante. Hindi ako tumangin sa baba dahil alam kong maapektuhan noon ang aking paglalakad. Mukhang naitindihan ko na kung bakit ganito ang assessment ni Madam Selvia sa akin. Nais niyang makabisado ng aking kataawan ang tamang paglalakad. Pakiramdam ko naman ay epektibo ito dahil sumasakit na ang aking mga kalamnan.   Dirediretso lamang ako sa paglalakad at hindi tumitingin sa dulo nito. Dahan dahan akong naglakad at hindi ko namalayang pababa na pala ako mula sa puno at papunta na sa ikatlong yugto ng aking assessment.   Ang takure ay nakapatong sa maliit na lamesa at ang mesa kung saan nakalagay ang mga  tasa. Sa tingin ko ay kailangan kong buhatin ang takure at buhusan ng tsaa ang tasa sa may lamesa. Napahinga ako nang malamin dahil madali lamang kuhanin at bitbitin ang takure ngunit hindi ko alam kung paaano ko ito ibubuhos sa mga tasa ng hindi sumasayad ang patpat sa sahig.   Sinimulan ko nang kuhanin at bitbitin at takure papunta sa may mesa. Tulad ng kanina ay hindi ko tinitignan ang daan ko at dahan dahan lamang akong naglakad papunta sa aking destinasyon. Nang makarating doon ay inisip ko muna ang dapat kong gawin upang hindi masayang ang mahabang paglalakbay ko dahil lamang sa suayad ang patpat na nakasabit sa pagitan ng aking likod at kamay.   Halos sumakit ang aing mata sa pagtitig sa mga tasa na nasa mesa nang bigla na lamang sumagi sa isip ko ang idea na kanina ko pa hinihintay. Napangiti ako ng maliit at isa isang inabot ang mga tasa at tsaka ko binuhusan ng tsaa. Dahan dahan ko rin itong ibinaba at nang malagyan ko lahat ay iniwan ko na rin doon ang takure. Pagkatapos noon ay taas noo akong naglakad pabalik sa pwesto ni Madam Selvia na nakangiti.   “Well done, Your Highness.” Ngitian ko lamang siya pabalik dahil uhaw na uhaw na ako sa aking ginawang paglalakad. Napangiti naman ako nang abutan ako ni Mor ng tubig. Nagpasalamat ako sa kanya bago bumalik sa aking pwesto at hintayin ang huling assessment ko ngayong araw.   Napansin kong lumayo muna saglit si Reyna Sabrina at Deity Naruu at nagusap. Hindi ko marinig ang kanilang pinaguusapan dahil masyado silang malayo kung kaya’ napatingin na lamang ako sa unahan at napansin kong isang kagamitan na lamang ang hindi ko nagagamit. Ang pamaypay.   Napabuntong hininga na lamang ako at nais ko na lamang matapos ang araw na ito at bumalik sa aking silid upang magpahinga. Nang makabalik sina Reyna Sabrina at Deity Naruu sa kanilang mga pwesto ay humakbang naman si Sir Prithious at pumunta sa mga kagamitan. Kinuha niya ang pamaypay at napangiti siya dahil dito.   Napatingin naman ako kay Reyna Sabrina at tumango naman siya kung kaya’t wala na kaong nagawa kung hindi ang magbuntong hininga at maglakad papunta sa pwesto niya. Nakailang hakang pa lamang ako ng may humila sa akin patalikod.   “Teka lamang Khione, hindi ka dapat makipaglaban kay Prithious gamit yang damit na iyan.” Mahinang bulong niya upang kami lamang ang makaranig. May inayos siya sa likurang bahagi ng aking damit pagkaraan ng ilang saglit ay nahulog na ang palda ng aking damit. Napangiti ako dahil doon at nagpasalamat kay Mor bago humakbang muli sa pwesto ni Sir Prithious. Nginitian niya naman ako bago ibinagay sa akin ang pamaypay.   “For the last round, I want you to battle 10 shadows using this fan. It is made by the Mirdums so inspect it and learn how to use it properly. I’ll give. You five minutes then we’ll start.”   Dali dali ko namang kinalikot ang pamaypay ngunit ngayon lamang ako nakakita at nakahawak ng ganitong kalse ng armas kung kaya’t wala akong alam sa ganito. Napansin kong may mga bilog bilog ang bawat sticks nito at makakapal naman ang mga ribs. Ang rivet naman niya at malaki at kasya roon ang aking daliri. Nagulat na lamang ako ng lumapit na sa akin si Sir Prithious at doon ko lamang napansin na tapos na pala ang aking oras.   Punapunta niya ako sa gitnang bahagi ng silid at inilabas ang bola na katulad lamang ng kanina ngunit iba lamang ang kulay at disenyo nito.   “Goodluck, Your Grace.” Wika ni Prithious at ngumiti pa sakin bago niya pinindot ang bola. Mayroon ulit sumabog na liwanag sa may pwesto ko kung kaya’t napapikit ako bigla. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay napansin kong nasa isang madilim na lugar na ako. Inilibot ko ang aking paningin at hindi ko mahanap ang mga taong kanina lamang ay kasa-kasama ko. Ano ba kasi ang nangyari doon sa bilog na iyon.    Tumaas ang aking balahibo at maya maya lamang ay may narinig akong tunog ng pakpak. Pagharap ko sa aking likuran ay napansin kong may isang shadow ang papalapit sa pwesto ko. Nagteleport ba ako gamit ang bilog na iyon? Hindi man lang ako binalaan ni Prithious?   Dali dali ko namang ginamit ang pamaypay at pinindot ang isang bilog sa apat na mayroon doon. Nagulat na lamang ako ng balutan ako nito ng itim na usok at dinaanan lamang ako ng shadow na kanina ay nakita ko. Napahinga naman ako ng maluwang ng mapagtanto kong nagiging invisible ako dahil sa usok. Pagkaraan ng ilang saglit ay nagsimula na akong maglakad dahil kailangan kong makapatay ng sampong shadows. Mukhang mapapasabak talaga ako sa matinding labanan at itong pamaypay lamang ang armas na mayroon ako, sana naman hindi ako nito biguin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD