CHAPTER 18

1767 Words
Gumising ako nang maaga upang makapagensayo at makapagaral pa kahit kaonting oras lamang bago magsimula ang aking monthly assessment. Kailangan kong galingan dahil dito nakasalalay ang pagbisita ko sa Cyore, sa aking pamilya. Pagkapasok sa private suite ay isinarado ko itong maigi upang hindi ako magambala.    Dali dali akong pumunta sa gitnang bahagi ng silid at pumikit upang simulan ang aking page-ensayo. Hindi ko alam kung kailangan ko bang ipakita ang aking kapangyarihan mamaya kung kaya’t kailangan kong maghanda.     Pinakiramdaman ko ang mga life force sa loob ng kuwarto at nang maramdaman kong muli ang sinulid ng malaking halaman sa gilid ng bintana ay hinila ko ito palapit sa akin. Ginamit ko ang kapangyarihan nito at kinonekta sa aking sarili. Sa ganitong paraan ako nakakagamit ng mga elemento, para bang nagnanakaw ako ng kapangyarihan ng iba. Habang ginagawa ko ito ay napansin ko namang humihina na ang life force na dumadaloy sa may halaman dahil napupunta na ito sa akin.   Gamit ang elemento nila ay sinubukan kong magpatubo ng mga ugat mula sa aking paa pataas. Nang mabalutan ang aking mga paa ng mga ugat na may halong dahon ay binuksan ko ang aking mga mata. Napansin kong mahina na ang kulay ng sinulid na nagmumula sa halaman dahil sa paggamit ko ng life force nito. Hindi ko pa nasubukan ang ganitong teknika sa mga tao kung kaya’t hindi ko alam kung pareho lamang ang epekto ng mga halaman sa mga tao.    Unti unti kong biniyan ng life force ang halaman ngunit ginagamit ko pa rin ang kalahating parte ng kanyang life force nang sa gayon ay macontrol ko pa rin ang mga ugat na nakapalibot sa aking katawan. Nagsimula akong gumawa ng halaman sa aking kanang kamay. At dahil kalahating parte lamang ang pinagkukunan ko at dahan dahan ko itong binuo upang mabalanse ko ang enerhiyang dumadaloy sa aking katawan.   Napangiti ako ng makita ko ang isang rosas na kalahating puti at kalahating berde ang kulay, pinaghalong kapangyarihan ko at nang elementong hiniraman ko. Unti unti ko nang binalik ang life force sa may halaman at dahan dahan namang nawala ang mga ugat at ang rosas. Nang matapos ako pumunta naman ako sa mesa upang magbasa.   Pagkaraan ng sng oras nairinig ko na ang katok ni Mor sa may pinta. Pumasok siya at isinara ang pinto tsaka siya lumapit sa may pwesto ko.   “Khione, handa ka na ba?”   Napaangat ako nang tingin at ngumiti, kahit papaano ay alam kong handa na ako hindi nga lang maiwasan ang kabahan dahil sa mga nakasalalay sa assessment na ito.   “Kung gayon, halika na. Kailangan mo nang kumain ng agahan at nang makapagbihis ka na ng damit na naaayon sa gaganapin ngayong araw.”   Iniligpit ko ang mga librong ginamit ko at sumunod kay Mor palabas ng kuwarto. Nang matapos mag-agahan ay dali dali naman akong dumiretso sa may bathing chamber upang makapaghanda na. Todo pahid nang kung ano anong mababangong langis sa aking katawan ang mga ladies of the bedchamber ko. May isang nagtratrabaho sa aking mga kamay, isa sa aking bhok at isa naman sa aking mga paa. Mukhang pati sila ay pinaghandaan ang araw na ito.   Pagkatapos noon ay sinuotan naman ako ni Mor isang masikip na pantalon kasama ang blusa na sakop hanggang sa aking mga pulso. Kulay ginto ang damit na ito at napakaganda ng disenyo. May halo rin itong puti at asul na siyang bumagay naman sa aking mga mata. Nagulat ako ng suotan ako ng palda ni Mor. Kapareho nito ang disenyo ng pantalon at ng blusa. Ipinatong niya ito sa aking pantalon at nagmukhang bistida ang kanina lamang ay pantalon at blusa.   Napangiti ako dahil sakto nga ito para sa month assessment ko. Tumingin ako sa salamin at halos hindi ko na makilala ang aking sarili. Mmukha akong elegante sa kulay ng aking damit at sa disenyo nito.   “Napakaganda mo, Khione.’’ Bulong ni Mor malapit sa aking tainga kung kaya’t napatingin ako sakanya sa salamin at ngumit.   “Salamat, Mor.” Tinanguan niya lamang ako at tsaka ngumiti. Lumabas na kami upang pumunta sa may throne room kung saan gaganapin ang aking monthly assessment. Kasabay kong maglakad sina Mor at Zeref na siyang nasa magkabilang gilid ko. Nasa likuran ko naman ang anim pang mga guwardiya na laging nakadistino sa pagbabantay sa loob at labas ng aking kwarto.   Nang makarating doon ay napansin kong nandoon na sina Sir Clifford, Madam Selvia at Sir Prithious. Nakatayo silang tatlo sa paanan ng hagdan sa baba ng trono. Mayroon ding mga guwardiya sa loob ng throne room. Nakaupo naman si Reyna Sabrina sa kanyang trono ay nasa kanan niya si Deity Naruu na lumilipad habang nasa kaliwa naman niya ang kanyang Imperial Guard.   Lumapit kami sa kanila upang magbigay galang. Nginitian naman ako ni Madam Selvia at Sir Clifford habang tinanguan naman ako ni Reyna Sabrina. Hinintay namin ang kanilang sasabihin ngunit inutusan ni Reyna Sabrina na isarado ang pinto papasok sa may throne room. Kalahati rin sa mga guwardiya ay umalis at hindi ko alam kung saan sila pumunta samantalang ang kalahati naman ay naglabas ng mga kagamitan mula sa isang kwarto sa gilid.   Pinanood namin silang ayusin ang mga ito sa gitnang bahagi ng silid at hindi ko maiwasan ang maging kuryos dahil ngayon ko lamang nakita ang mga ito. Pagkatapos noon ay tumayo na si Reyna Sabrina at naglakad pa punta sa mga kagamitan, sumunod naman kaming lahat sakanya.   Iniikot ko ang aking paningin sa mga kagamitan doon, may isang bola na nakapatong sa isang unan, pamaypay na kulay ginto at berde, mayroon ding patpat na maliit. Hindi ko alam kung para saan ang mga ito kung kaya’t mas kinabahan ako. Wala sa mga nabasa kong libro ang mga kagamitang ito.   “Good morning, everyone. Today will be the monthly assessment of our future queen, Khione. This is to help her be the best ruler of Auxthen for the next 25 years.” Wika ni Reyna Sabrina.   “Let us start with history and politics. Sir Clifford?”   Tumango naman si Sir Cliff at umabante upang kuhanin ang bola na nakapatong sa unan. Pagkakuha niya nito ay bigla na lamang itong umilaw at pagkaraan ng ilang saglit ay lumitaw na ang mapa ng buong mundo. Para kaming nakapaloob sa isang kweba ng mapa. May nakita akong mga tuldok sa mapa, ginto, asul, berde, at itim. Napakunot ako ng noo dahil karamihan sa mga gintong tulok ay nasa may Auxthen. Ano kayang ibi sabihin nito?   Hindi naman nagtagal ang aking pagkakuryos dahil sinagot naman ito ni Sir Cliff. Naglibot siya sa bilog na gawa ng mapa at isa isa niyang tinuro ang mga tuldok.   “The green one, is for the people of Veryas Kingdom. Also known as the Fae Kingdom. Most of the faes are connected to the earth, making them guardians or spirits of it, that is why the colour of their people is green.” Tumango tango naman ako sa aking nalaman. Hindi pa ako nakakasalamuha o nakakakita ng isang fae dahil madalang lamang silang lumabas sa kanilang kaharian.   “The blue one is for the people of Mirdum Kingdom. The cold kingdom of the north, they are humans with special abilities related to science. They also specialised in spying and inventing. Most of our gadgets came from them.” Nakangiti pang sabi ni Sir Cliff habang nakaturo sa mga kagamitan na nandoon. Namangha naman ako dahil iba’t ibang klase ng nilalag pala ang nabubuhay sa iba’t ibang panig ng mundo.   “The gold one is for us, the people of Auxthen. Born with magical powers and raised with enhanced battle skills. We are often called goldblooded because of it. Our powers are connected to the elements as you all know.”   Dumako naman siya sa isang lugar kung saan nagtipon tipon ang mga itim na tuldok. Hindi naman ganoon kalaki ang kanilang lugar ngunit napansin kong nawawala wala ang ibang tuldok. Napakunot ang aking noo dahil dito. Paano nila nagagawa ang bagay na iyon?   “The last one, is for the shadows.” Napasinghap ako dahil sa aking nalaman. Ang shadows ang mga nilalang na nanggaling sa kadiliman. Ito ang kalaban namin simula pa lamang noon dahil sa pagiging sakim ng mga ito.   “Do not feel complacent with the small place the shadows have. Don’t forget that they can teleport and open gates from hell everywhere they want. As the people of Auxthen, it is our responsibility to kill and guard each and every shadows that are roaming in our realm.”   Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabing iyon ni Sir Cliff. Kung ganoon ay talagang napakalakas nga nila. At bilang reyna kailangan kong higitan ang kanilang lakas. Napalunok naman ako dahil nararamdamn ko nang muli ang bigat sa akig balikat.   “Now, Queen Khione. I want you to strategically place our men in the right places to guard our people from the shadows. Are you ready?”   Tumango ako at lumapit sa pwesto niya. Dahil nasa gitnang bahagi ito ng mapa ay kitang kita ko ang galaw ng bawat tuldok sa mapa. Hindi naman ganoon kalayo ang mga itim na tuldok sa Auxthen ngunit napanin kong kung saan saan na lamang sumusulpot ang mga ito sa ib’t ibang panig ng mundo.   Kailangan kong ipwesto ang militar kung saan mas maapektuhan ang mga taong walang kalaban laban. Napansing ko ang maliit na lugar na siyang nasa pinakadulo ng Auxthen, ito rin ang pinakamalapit mula sa kuta ng mga shadows. Hindi ganoon karami ang mga ginong tuldok ibig sabihin ay konti lamang ang bantay doon.   Naisip kong hatiin ang mga guwardiya sa dalawa kung saan ang kalahati nito ay sa pinakadulong bahagi habang ang kalahati naman ay sa kanluran. Napansin kong hindi ganoon kalakas ang dipensa namin sa mga parteng ito at madali itong pasukin ng mga kalaban. Halos magkalapit din ang dalawang parteng iyon kung kaya’t pwedeng pwede nilang pagtulungan na bantayan ang parteng iyon nga aming kaharian.   Lumapit ako sa may mapa at pinadaan ang aking kamay sa may mapa. Naramdaman ko ang mahika sa paglapat ng aking daliri at  nang igalaw ko ito upang gumawa nang linya ay may lumabas na kulay puting mahika. Napanganga ako dahil sa pagkamangha, kakaiba ang gawa ng mga Mirdum. Tinapos ko ang paglalagay ng linya sa may mapa at nang mapatingin ako sa mga tao sa loob ng kwarto ay nakita kong napatango si Reyna Sabrina at Madam Selvia. Napangiti naman ako at tumingin sa gawi ni Sir Cliff na tumango rin sa gawi ko. Mukhang nakapasa ako sa unang klase ko.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD