CHAPTER 17

1177 Words
Pagkatapos naming magsalo salo ay dali dali naman kaming bumalik sa aming mga gawain. Ang mga ladies of the bedchamber ko na ang nagligpit ng mga dinala kong lalagyanan habang ang mga guwardiya naman ang nagayos nang mga lamesa.   Naglakad ako papunta sa aking bedchamber ngunit may naramdaman akong hangin nang mapadaan ako sa pinakamalaking tapiserya sa loob ng aking silid. Binalikan ko ito ngunit wala na ang hanging naramdaman ko kanina. Hindi ko alam kung niloloko lamang ako ng aking mga pandama. Napatingin ako sa tapisarya at ito iyong may dragon na bumubuga ng apoy samantala, may isang tao naman ang nakatayo sa isang talampas.   Ano kayang meron sa tapiseryang ito at bakit ito nandito sa aking silid? Ngayon ko lamang napagtanto na may korona sa may likuran ng lalaki na para bang nahulog ito mula sa kanyang ulo. Nakakapagtaka lamang dahil hindi ko alam kung saan kinuha ang kwento ng tapiseryang ito. Nagkibit balikat na lamang ako at ipinagpatuloy ang aking lakad.   Handa na sana akong magbihis ng mapatingin ako sa kalendaryo satabi ng aking kama ay halos mapasigaw ako. Bukas na pala gaganapin ang aking monthly assessment. Hindi ko man lamang namalayan na ganoon na pala ako katagal dito sa palasyo.   Dali dali akong tumakbo palabas ng bedchamber at papasok sa private suite ko. Kailangan kong maghanda para bukas, hindi ko hahayaang mapahiya ang aking sarili sa harap ng Reyna Sabrina at Deity Naruu.   “Mahal na Reyna, magdahan dahan po kayo.” Wika ni Mor ng madaanan ko siya sa pagpunta ko sa private suite ko ngunit hindi ko siya pinansin. Pagkarating sa silid ay dalidali akong naghanap ng libro na aking aaralin at nagsimulang magaral.   Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay narinig ko na lamang na may kumatok sa aking pintuan at bigla itong bumukas. Masyado akong tutok sa aking binabasa kung kaya’t hindi ko na tinignan kung sino man ang kumatok at pumasok sa silid nang oras na iyon.   “Mahal na Reyna, kailangan niyo na pong magpahinga. Hindi po maaaring hindi dahil baka maapektuhan nito ang iyong pagganap bukas.”   Napaangat ako ng aking ulo ng marinig ko ang boses ni Zeref. Hindi niya suot ang kanyang armr at helmet ngayon ngunit natatakpan pa rin ng tela ang kanyang mukha kaya hindi ko pa rin ito masulyapan. Napansin kong mas humubog ang katawan niya sa damit na suot ngayon dahil mas komportable ito sa kanya.   Napatikhim ako at ibinik ang aking tingin sa libro. Kailangan kong tapusin ito upang mas maging handa ako bukas. Kailangan ko ring magensayo sa aking mahika kung kaya’t mas mabuti nang magpahinga ng maaga at magising nalang muli ng madaling araw.   Pagkatapos kong basahin ang huling salita sa librong binabasa ko ay tumayo na ako upang bumalik sa bedchamber at magpahinga. Nagulat ako nang makitang nandoon pa rin si Zeref kung saan siya nakatayo kanina. Hindi ko man lang naramdam ang kanyang presensya, ganoon na ba kahina ang aking pandama? Kailangan ko pang magensayo ng maiigi mukhang hindi na epektibo ang mga ensayong ginagawa ko.   “Ano pang ginagawa mo riyan?”   “Binabantayan ka.”   “Hindi ko kailangan Zeref, tsaka nandito naman ako sa loob ng palasyoo at loob ng aking silid.”   Nagkibit balikat lamang siya kung kaya’t napairap ako. Hindi nga pala sanay magsalita ang lalaking ito. Iniligpit ko na ang mga librong binasa at inaral ko upang makapagpahinga na ako. Nadatnan ko si Mor na nagtatahi sa main room.   Lumapit ako sakanya at nakita kong nagtatahi siya ng isang bulaklak sa isang panyo. Napakadetalyado nito kung kaya’t nakakamanghang tignan.   “Sa pagtatahi ka pala magaling.” Wika ko at ganoon na lamang ang gulat ni Mor nang marinig niya ako mula sa kanyang likod.   “Pasensya na Mor, hindi ko naman sinasadyang gulatin ka.”   Hawak hawak niya ang kanyang daliri na natusok ng karayom dahil sa gulat. Nakaramdam naman ako ng konsensya dahil sa ginawa ko. Kumuha ako ng mga panlinis ng sugat at nakita ko roon ang isang banda.   Umupo ako sa harap ni Mor at kinuha ang kanyang dalirin na dumudugo tsaka ito binandahan. Natahimik naman siya kung kaya’t napatingin ako sakanya. Napansin kong nakatingin lamang siya sa daliri niyang binendahan ko.   “Huwag kang magaalala, gagaling rin iyan bukas.” Napatingin siya sa akin ng banggitin ko iyon at ngumiti. Nginitian ko naman siya pabalik at nagulat na lamang ako ng nakayap na siya sa aking leeg. Napansin ko naman si Zeref sa likuran niya at nakatingin siya samin.   Yinakap ko rin pabalik si Mor at pakiramdam ko ay nagkaroon na ako ng bagong kaibigan.            “Salamat, Mahal na Reyna.” Bulong niya sa akin at humigpit naman aking.   “Khione na lamang”   Humiwalay siya sa yakap at hinawakan ang aking dalawang kamay. Nagkatinginan kami at maya maya lamang ay sabay kaming tumawa.   “Khione ang tawag ko sa iyo kapag tayong dalawa lamang, payag ka ba roon?”   Tumango ako at lumawak ang aking ngiti. Napatingin ako kay zeref na siyang nakatayo pa rin sa likuran ni Mor.   “Pwede mo rin akong tawaging Khione, Zeref.” wika ko habang nakatingin sakanya. Humarap naman si Mor sa gawi niya at tinignan siya magmula ulo hanggang paa.   “Iba ang kasuotan natin ngayon Zeref a. Bakit ka nga pala narito?”   “Wala ba dapat siya ngayon rito?” tanong ko naman kay Mmor na siyang sinagot niy naman ng iling. Napakunot ako ng noo dahil sa sagot niya. Kung gayon bakit nga siya narito?   Hinintay namin ang sagot niiya ngumit nagkibit balikat lamang siya. Wala akong nagawa kung hindi ang umirap, madalas talaga mas maganda pang kausap ang aking sarili kaysa sa kanya. Napansin kong ganoon rin ang ginawa ni Mor kung kaya’t napangiti ako.   “Ang alam ko, hindi mo iskedyul ang pagbabantay ngayon.”   “Ha? E sabi niya babantayan niya raw ako kung kaya’t kanina pa siya roon sa private suite habang nagaaral ako.”   Tinignan ng matagl ni Mor si Zeref hanggang sa bumuntong hininga ito at sumagot.   “Kailangan umuwi sa pamilya niya ang dapat ay magbabantay ngayong gabi kung kaya’t ako na lamang ang pumalit sa pwesto niya.”   Tumango tango naman si Mor na para bang pasok sa kanya ang naging sagot ni Zeref. Ngayon ko lamang napansin na mukhang may nabubuo na ring pagkakaibigan sa kanilang dalawa kung kaya’t napangiti ako.   Nang maalala ko ang dapat kong gawin ay bigla bigla akong napatayo na siya ring ginawa ni Mor.   “Bakit?”   “Kailangan ko na palang matulog dahil gigising pa ako ng maaga.”   “Monthly assessment mo na pala bukas. Hala siya, halika na at kaiangan mo nang magpahinga.”   Sabay na kaming pumasok si Mor sa aking bedchamber, iniayos niya ang higaan habang ako naman ay nabihis ng damit pantulog. Pagkatapos ay na dumiretso na ako sa higaan pang magpahinga. Kailangan ko ng lakas upang magawa k ng mahusay ang mga dapat kong gawin bukas. Sana lamang ay magawa ko ito nang tama. Ipinikit ko ang aking mata at sinakop na ako ng kadiliman.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD