CHAPTER 16

1466 Words
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makita ko nang muli ang lagusan pabalik sa garden ng Auxthen. Pagkarating sa tapat nito ay tumigil ako at tumingin sa aking likuran. Hindi ko man lang napansin na sinundan pala ako ni Neon hanggang dito. “Be careful Your Highness. Being a queen is also being in danger.” Makahulugang sabi niya at hinawakan ako sa aking kamay. Nagulat na lamang ako ng bigla na lamang siyang nawala na parang bula. Iniikot ko ang aking paningin upang hanapin si Neon, ngunit hindi ko talaga siya mahanap. Baka bumalik na siya sa kanyang tirahan. Napahinga ako ng malalim at ipinikita ang aking mga mata. Dinaramdam ko ang kapayapaan sa lugar na ito bago ako muling bumalik sa napakagulong kaharian ng Auxthen. Pagkamulat ko ng aking mata ay desidido na akong gampanan ang aking bagong papel sa bagong mundo na pinasukan ko. Tumapak ako sa may lagusan at napapikit na lamang ako sa kuryenteng dumaloy mula sa aking buong katawan. Pagkaraan ng ilang saglit ay nalanghap ko ng muli ang hangin sa garden ng palasyo. Amoy lavender at roses ang dominante dahil na rin siguro sa parte na ito nakalagay ang mga bulaklak na iyon. Nagsimula na akong maglakad at patungo ako ngayon sa kusina ng palasyo. “Your Grace.” “Ay kabayong walang buhok.” Napatalon ako sa gulat dahil hindi ko man lang namalayan at naramdamang kasabay ko na palang maglakad si Zeref. “Pasensya na po Mahal na Reyna.” “Okay lang, kanina ka pa ba riyan?” Kinabahan ako dahil baka nakita niya akong lumabas mula sa lagusan. Hindi maaring malaman nila ang bagay na iyon ayon na rin sa sinabi ni Neon. “Kadarating ko lamang po. Naninigurado lamang ako sa kaligtasan mo kung kaya’t sumunod na ako dito pagkatapos ng ilang sandali.” Tumango ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Pagkarating ko sa kusina ay napansin kong madilim na rito. Ganoon na ba ako katagal sa White Forest at ginabi na ako? Hindi ko na lamang iyon pinansin at binuksan ang ilaw bago pumasok sa loob. Napanganga ako dahil sa lawak at ganda nito. Ito yata ang tinatawag nilang royal kitchen, talaga nga namang enggrande ito napakasarap magluto. Inilibot ko ang kusina at napansin kong mas kumpleto ang gamit dito kaysa sa Lasette Bakeshop na pagaari ni Madam Si. Marble ang countertop na pinaghalong puti at ginto. May anim na tigwa-walong gas range at mayroon ding apat na malalaking oven. Napangiti ako dahil pangarap ko talagang magluto sa ganitong klase ng kusina. Pumalakpak pa ako At hinawakn ang mga kalderong nakasabit sa pader. Umikot ako upang tignan naman ako island counter ngunit napansin kong nakatayo roon si Zeref kung kaya’t napatayo naman ako ng maayos. Naging seryoso rin ang aking mukha dahil sa presensya niya. Hindi ko alam kung hanggang saan ang nakita niya sapagkat nakalimutan kong kasama ko nga pala siya kanina. Pinagalitan ko ang aking sarili sa loob ng aking isipan at tumikhim upang kunin ang atensyon niya. “Kanina ka pa riyan?” Tumango lamang siya kung kaya’t napalunok ako. Nakita nga yata niya ang mga ginawa ko. Nakakahiya, ano ka ba naman kasi Khione. “Pwede mo na akong iwan. Dito lamang muna ako, magluluto lamang ako bago bumalik sa aking silid.” Pakiusap ko sa kanya. Nagbabakasaling pagbigyan niya ako sa aking hiling. Gusto ko na talagang magluto dahil isa ito sa paraan ko upang mawala ang aking stress. Ngunit hindi siya umalis sa kanyang pwesto at pumasok pa sa mismong kusina. Pakiramdam ko ay sobrang sikip ng royal kitchen dahil sa presensya niya. Napaiwas ako ng tingin at naglakad na palabas ng kusina. “Saan ka pupunta?” “Babalik na sa aking silid.” Dirediretso lamang ako ngunit ng makalagpas ako sa pwesto niya ay bigla na lamang niya akong hinila kung kaya’t napatili ako. “Ano ba Zeref, babalik na nga ako sabi.” “You can cook here if you want.” Nagningning ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang pinayagan niya ako. “Talaga ba?” Tumango siya at dali dali ko naman siyang nayakap dahil sa kasiyahan ko. Napabitaw naman ako agad ng mapansin kong ako lamang ang natutuwa sa sitwasyon ito. “Salamat, magbabake muna ako pwede ka nang bumalik sa silid.” Nagmadali akong umalis sa harap niya at naghanap na ng mga gamit. Binuksan ko ang mga drawer at cabinet at inilabas ang mga kagamitan sa pagbabake. Electric mixer, bowl, measuring cup, spatula at marami pang iba. Inihanda ko ang lahat ng ito bago ako humarap sa refrigerator. “Wow, dalawa na sobrang laki pa.” Diko namalayang nasabi ko ng malakas dahil sa pagkamangha. Pagkabukas ko ng unang refrigerator ay napansin kong punong puno ito ng mga ingredients. Napatili ako sa sobrang tuwa at hindi na inisip kung ano man ang sasabihin sa akin ni Zeref. Kinuha ko ang aking mga kailangan at nagsimula na akong magtrabaho. Naisip kong gumawa ng cookies at ng macarons kung kaya’t kumuha ako ng chocolate bilang flavor ng mga lulutuin ko. Habang nagmimix ako ay napansin kong kulang ng isang itlog ang aking ingredients kung kaya’t umikot ako upang kumuha muli sa refrigerator ngunit may isang itlog sa aking harapan ng makaikot ako. Nakita ko si Zeref na may hawak ng isang itlog at iniabot niiya sa akin ito. Napangiti ako at kinuha ito. Hindi ko alam kung papaano niya nalaman iyon ngunit natutuwa ako, madalang sa mga lalaki ang marunong magluto. “Salamt Zeref.” Tinanguan niya naman ako at bumalikk na ako sa aking ginagawa. Ayaw ba talaga magsalita itong lalaking ito? Baka mapanisan siya ng laway. Napailing na lamang ako sa aking iniisip at bumalik na sa pagtratrabaho. Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na rin ako sa wakas. “Finally!” Kumuha ako ng isang chocolate chip cookies at tinikman ito. Napatango tango ako dahil muukhang hindi naman ako nagkamali sa akingginawa. Sumunod ko namang tinikman ang chocolate macarons at napapalakpak ako sa tuwa ng makuha ko ang tamang lasa nito. Crispy ang outside ng ng macaron habang malambot naman sa loob nito. Hindi rin ganoong katamis ang nagawa kong filling kung kaya’t sakto lamang ito. Kumuha ako ng dalawang lalagyan at ibinalot ito. Balak kong bigyan lahat ng mga guwardiya na nagbabantay sa aking kwarto at ang mga ladies of the bedchamber ko. Pagkatapos ko itong mailagay ay nagsimula na akong magligpit. Habang naghuhugas ng mga napaggamitan ko ay tumabi sa akin si Zeref na may hawak na pamunas. Lahat ng mga nahugasan ko ay pinupusan niya. Napangiti naman dahil sa ipinapakita niya. Hindi kami ganoon kalapit ni Zeref ngunit alam kong mabuti siya, dahil kahit kailan ay wala akong narinig na masama mula sakanya. Siguro nga kaibigan ko na silang daalawa ni Mor ngayon. Pagkatapos lahat ng nangyari sa akin ay nariyan pa rin sila. Oo nga’t trabaho nila iyon ngunit nararamdaman ko namang gusto talaga nila akong tulungan kung kaya’t nagpapasalamat ako sakanila para doon. Pagkatapos naming magligpit ay sabay na kaming naglakad pabalik sa aking silid. Hindi kami nagsasalita ni Zeref kahit na sabay kaming naglalakad ngunit masaya ako sa katahimikang ito. “Salamat Zeref.” Wika ko sakanya at nginitian siya. Pagkarating sa may silid ay ipinatawag ko ang lahat. Ipinaayos ko ang mga mesa sa gitna na siya namang ikinagulat nila. “Nagbake ako ng cookies at macarons para sainyo. Sana magustuhan niyo.” Wika ko at inilabas ang aking ginawa. Napasinghap naman sila dahil don. “Naku Mahal na Reyna, hindi po namin pwedeng kainin yan.” “Oo nga po, sa inyo na lamang po.” Puro ganyan ang naririnig ko galing sakanila kung kaya’t napasimangot ako. “Dali na, masarap yan.” Binigyan ko sila isa isa nang wala na silang masabi. Hli kong binigyan si Zeref at nagpasalamat muli sakanya na siyang tinanguan niya lamang. Pinanood ko silang kainin ang mga hinanda ko sakanila at nakita ko namang nagustuhannila iyon. “Napakasarap naman nito Mahal na Reyna.” “Oo nga po, ngayon lamang ako nakatikim ng ganito.” Napangiti naman ako dahil sa mga papuri at pasasalamat na natanggap ko sakanila. Paraan ko rin ito ng pasasalamat dahil tinutulungan nila ako sa pangaraw-araw dito sa palasyo. “Maraming salamat, Mahal na Reyna.” Sabi ni Mor na siyang katabi ko na ngayon. “Hindi, maraming salamat Mor. Sa lahat lahat.” Nakangiting wika ko sakanya at nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap kung kaya’t hindi ako nakagalaw agad. “Pa-pasensya na po Mahal na Reyna. Natuwa lamang po ako.” Napangiti ako at hinila upang yakapin na siyang ginantihan niya naman. Napatawa na lamang ako. Ito na nga siguro ang pagbabagong sinasabi ni Neon. Sana lamang ay magtuloy tuloy na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD