Pagkatapos kong magbihis at ng magamot na ni Mor ang aking mga sugat ay dali dali na kaming pumunta sa afternoon tea na inihanda ni Reyna Sabrina upang matutunan ko at makita ko ang mga dapat gawin bilang isang reyna.
Habang naglalakad papunta doon ay hindi ko maiwasan ang matakot. Parang kailan lamang noong ipinahiya ako ni Lady Denara sa harap ng maraming tao. Hindi ko rin makalimutan ang mga sinabi niya patungkol sa akin.
Bumuntong hininga ako at napatingin naman sa akin si Mor na siyang kasabay ko lamang na maglakad, nasa likuran namin si Zeref.
Hinawakan niya ako sa aking kamay at ngumiti. “Mahal na Reyna, hindi mo kailangang matakot dahil kahit kailan ay walang batas na nagsasabing bawal ang magpakatotoo sa sarili. Kung meron mang dapat managot dito ay sila iyon, hindi dahil sa pagpapahiya nila sa iyo kung hindi dahil sa sinisira nila ang iyong totoong sarili gamit ang pangiinsulto. “
Tama siya, sinisira nila ako dahil gusto nila akong mawala sa kanilang landas. Ang pinakamabisang paraan ay sirain ang aking totoong sarili, ang aking pagiisip.
Hindi ko kailangan magpaapekto sa kanila dahil mas gusto ko pang masaktan sa ganitong paraan kaysa ang magkunwari at lokohin ang lahat ng tao lalong lalo na ang sarili ko.
“Salamat Mor.” Nakangiting tugon ko sa kanya. Kahit papaano ay nararamdaman kong unti unti na akong napapalapit kay Mor at kay Zeref.
Sila ang madalas na takbuhan at tagatanggol sa akin sa mundong pinasukan ko kung kaya’t hindi ko rin maikakailang maswerto ako sa kanila. Sana lamang ay ganoon rin sila sa akin at hindi lang nila ito ginagawa dahil lamang sa trabaho.
Pagkarating sa garden ay napansin kong kompleto na ang lahat at ako na lamang ang hinihintay. Napansin kong nasa iisang mesa muli sila Lady Denara, Lady Sofiel at Lady Amirrey.
Tumahimik ang lahat ng mapansin nila ang aking pagdating at wala naman akong nagawa kung hindi ang bumuntong hininga at tumayo ng maayos. Inilibot ko ang aking paningin at nakita kong may isang upuan sa mesa ni Reyna Sabrina at tiyak kong doon ako uupo.
Naglakad ako at inalala lahat ng utos ni Madam Selvia sa etiquette class namin. Kailangan kong ipakita na hindi ako basta basta susuko dahil lamang sa pangiinsulto at pampapahiya nila sa akin.
Nadaanan ko ang lamesa ng ibang mga Ladies in Waiting. May mga nakangiti sa akin at ang iba naman ay tumango. Mayroon din namang umirap at hindi na lamang ako pinansin.
Nang mapadaan ako sa mesa nila Lady Denara ay napansin ko ang nakasimangot na mukha nila ni Lady Amirrey, habang nakangiti naman sa akin si Lady Sofiel. Tumango ako sa direksyon niya at tsaka ibinalik ang kanyang ngiti.
Pagkarating sa mesa kung nasaan si Reyna Sabrina ay yumuko ako upang mabigay galang, ganoon rin naman ang ginawa ni Mor at ni Zeref.
Ngumiti naman si Reyna Sabrina sa aking ginawa at inanyayahan akong umupo. Pagkaupos ko ay siya namang pagalis nila Zeref at Mor papuntang gilid. Dali dali namang may naghatid ng mga tsa-a sa mga lamesa namin ang mga katulong upang masimulan na namin ang afternoon tea.
Nang mabigyan na lahat ng tsa-a ay nagsimula ng magingay ang mga Ladies in Waiting. Habang ako naman ay nakatingin lamang sa aking tsa-a at hinahalo ito.
Napakabango ng amoy na sa tingin ko ay lavender. Nasanay na rin ang aking sarili sa etiquette kung kaya’t hindi na ako ganoon nakakahiyang tignan.
Dalawa lamang kami ni Reyna Sabrina sa aming mesa at napansin kong nakatingin lamang din siya sa kanyang tasa. Nang makahigop na kami at makalahati ang iniinom ay tsaka pa lamang nagsimulang magsalita si Reyna Sabrina.
“I’m happy to know you are learning from your lessons Queen Khione. I did not expect you to be a fast learner, but you have impressed me. Hindi nga nagkamali ang mga diyos sa pagpili sa iyo.”
Napangiti naman ako sa kanyang papuri. Napansin kong madalas na akong napupuri ngayon, ganoon na ba talaga kapansin pansin ang pagbabago ko?
“Maraming salamat po Reyna Sabrina.”
“Why don’t you try speaking in english dear? Nang masanay ka na rin.”
Umiling ako ngunit ngumiti lamang si Reyna Sabrina at hinawakan ang aking kamay na nakapatong sa lamesa.
“Go on and try it, you won’t learn unless you try.”
Bumuntong hininga ako at nagisip ng sasabihin sa ingles. Marunong naman ako ngunit baka malaman nilang matagal na akong nagaral dahil sa pagsalita ko. Ngunit tama nga naman siya, hindi ko malalaman kapag hindi ko nasusubukan, baka ito na ang simula para sa mga katulad kong mabababa.
“Thank you, Queen Sabrina, for pushing me to my limits.”
Mas lumawak ang pagkakangiti niya dahil sa narinig niya. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o matutuwa dahil sa reaksyong ipinakita niya.
“Your accent is great dear, please keep on speaking english from now on. I think it suits you.”
Nang matapos ang afternoon tea namin ay nakahinga ako ng maluwag dahil wala namang nangyaring masama sa akin. Natuwa pa nga ako dahil ngayon ko lamang nakita si Reyna Sabrina na ngumiti ng ganoon kalawak at ganoon kalapit.
“Gusto ko munang maglakad lakad dito sa may hardin. Mauna na kayo Zeref, Mor, dahil gusto ko sanang mapagisa.”
Nagkatinginan naman silang dalawa ngunit walang sinabi. Ngumiti ako at hinawakan si Mor sa kanyang kamay.
“Mabilis lamang ito, nais ko lamang magisip isip.”
“Sige po Mahal na Reyna, hihintayin ka po namin ni Zeref sa iyong silid. Magiingat po kayo.”
“Salamat.”
Nginitian ko silang pareho at hinintay na sila ay makaalis. Halos kaladkarin pa ni Mor si Zeref dahil ayaw talagang umalis ng aking Imperial Guard. Pagkaalis nila ay sinimulan ko na ang paghahanap sa arko na siyang daan pabalik sa White Forest.
Nakailang ikot na ako ngunit hindi ko talaga mahanap ang arkong iyon. Napabuntong hininga ako at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin dahil hindi ko naman alam kung paano ako napadako sa parte iyon noong unang kong punta doon.
Napabuntong hininga ako at babalik na sana sa aking silid ng may maalala ako. Pumikit ako at sinubukang pakiramdaman ang mga life force sa parteng ito ng hardin.
Ilang saglit pa bago ko naramdaman ang isang life force na parang isang bola. Hindi ito mukhang sinulid na lagi kong nararamdaman at nakikita ngunit napangiti ako dahil mukhang ito na nga ang arkong kanina ko pa hinahanap.
Lumapit ako sa pwestong iyon at may kalayuan rin ito sa pwesto ko kanina. Hinawakan ko ang bolang life force at nagulat na lamang ako ng bigla itong sumabog.
Napatingin ako sa paligid upang masiguro na hindi ganoon kalaki ang nasira ngunit napansin kong walang kahit anong pinsala ang nangyaring pagsabog.
Binalik ko ang aking paningin sa bola ngunit nakita ko na ang lagusan papunta sa White Forest at napangiti ako. Pinakawalan ko na ang hawak ko sa aking kapangyarihan at pumasok sa lagusan.
Naramdam kong muli ang malamig na hangin at payapang kapaligiran. Napakatahimik dito at nakakaginhawa sa pakiramdam. Napahinga ako ng malalim at sinimulang maglakad pabalik sa waterfalls na napuntahan ko noon.
Pagkarating doon ay napansin ko ang puti na may halong krema na fox. Ngayon ko lamang nakita na siyam pala ang kanyang buntot at napakaganda nitong tignan.
“We’ve met again Your Highness.” wika nito sa akin.
“Hello din sa iyo Neon.”
Napangiti ito at gayon din ako.
“You look happy today, I guess nagiba na ang ihip ng mundo. ”
Umiling ako habang nakangiti at naglakad palapit sa kanya. Siguro nga kahit papaano ay nagbago na ang ihip ng hangin sa Auxthen dahil mukhang nagbabago na ang pananaw ng mga tao patungkol sa akin.
Hindi pa man ako tanggap ng lahat ngunit may mga tao nang naniniwala sa akin at sa tingin ko ay sapat na iyon upang ipagpatuloy ang labang ito.
“What makes you go here Khione?”
Napatingin ako sa waterfalls at napahinga muli ng malalim.
“I want to be at peace, this place makes me feel one.”
Matagal na katahimikan ang namayani at nagpapasalamat naman ako kay Neon dahil dito. Hindi ko alam kung bakit ngunit kinokonsidera ko na talagang bilang paborito ang lugar na ito. Talagang nakakaginhawa ang lugar na ito.
Balak ko na lamang tumira dito ngunit alam kong hindi maaari dahil kailangan ko pang ipakita na kaya kong maging isang reyna kahit hindi ako kabilang sa 12 Orders o kaya sa nobleborns.
Tumikhim si Neon at napatingin naman o sakanya.
“You need to go home Khione, your Imperial Guard is looking for you. Hindi maaaring malaman ng kahit sinong tao ang lugar na ito.”
Napatayo ako dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko na namalayan ang oras at nakalimutan ko na rin sina Mor at Zeref.
“Oo nga pala, nakalimutan ko na sila. Salamat Neon. I’ll be back here soon.”
Tumalikod na ako upang simulan ang aking paglalakbay pabalik sa Auxthen ngunit naramdaman ko ang kamay ni Neon sa aking balikat kung kaya’t napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
Mayroon siyang hawak na isang kwintas na kulay puti na may halong krema na usok na siyang nakapaloob sa bilog. Namangha ako sa ganda nito dahil gumagalaw ang usok sa loob ng bilog.
“This is for you. You’ll know the reason of it soon but now you must go.”
“Thank you, Neon.”
Nginitian ko siya ng matamis at nagmadaling bumalik sa aking pinanggalingan.