CHAPTER 14

1561 Words
“And sidestep, sidestep, step. Then glide, perfect!”   Kasali rin ang pagsasayaw sa aking klase sa etiquette. Buti na lamang at kahit papaano ay marunong  akong sumayaw. Hilig ni Kiana, ang nakababata kong kapatid ang sumayaw kung kaya’t napapasama akopaminsa-minsan kapag siya ay sumasayaw sa loob ng aming tahanan.  Kanina pa kami sumasayaw ni Madam Selvia ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ramdam ang pagod. Marahil ay dahil sa nageenjoy ako sa pagsasayaw ng ganitong klase. Katulad ito ng sayaw ng magkapares ngunit magisa lamang akong sumasayaw ngayon. Pinipilit ni Madam Selvia si Zeref kanina ngunit nilayasan niya lamang ito, nagulat naman ako ng hindi man lang nagalit si Madam Selvia sa ginawa niya. “Then twirl, that’s it Your Grace.” “Glide and sway, one and two and glide.” “Put your arms on top of your heart. The other on your skirt, then curtsy.” Pagkatapos yumuko ay narinig ko ang palakpak ni Madam Selvia na siyang ikinagulat ko. Nahagip rin ng mata ko ang pagpalakpak ni Mor at ni Zeref sa kabilang gilid. Napanginit naman ako dahil kahit papano ay mukhang suportado na sila sa akin. “Wonderful, Your Highness! You are quite a fast learner; I must admit I have never seen that one coming. Akala ko ay pahirapan pa tayo sa pagsayaw, napahanga mo ako.” Ngumiti pa si Madam Selvia sa gawi ko bago ito yumuko ng kaunti. Umalis siya upang kumuha ng baso at ng tubig at inihanda ito para sa akin.  “Maraming salamat po, Madam Selvia” Sabi ko pagkakuha ng kanyang inabot. Ininom ko naman ito agad dahil doon ko lamang naramdaman ang pagkauhaw ko. Natawa naman si Madam Selvia at sinalinan pa ako ng tuig hanggang sa pakiramdam ko ay nabawi na lahat ng aking pagod. Umupo kami saglit at doon ko nakita ang mga bagong libro na nakapatong sa lamesa. “I’ve noticed you love reading and learning Your Highness, so I provided the books that would help you in your upcoming monthly assessment. Napansin ko ring nakakaintindi ka na ng ingles, mahusay.”  “Salamat po Madam Selvia, hindi ko ponapansing malapit na ang monthly assessment ko, kailan nga po ulit iyon?”  Hindi naman sa makakalimutin ako ngunit dahil sa spbrang daming nangyayari sa aking buhay ay hindi ko na napapansin ang araw. Ngumiti ako ng alanganin dahil hindi ko alam kung magagalit ba siya sa akin dahil sa pagtatanong ko.  Ikinagulat ko ng tumawa pa siya dahil sa ngiti ko, nagbago na ba si Madam Selvia? Anong nakakatawa doon? Guminhawa naman ang aking pakiramdam ng malaman kong hindi naman pala siya galit.  “It’s two days from now, Your Grace. I bet sobrang dami mo nang ginagawa dahil pati araw nakalimutan mo na.”  Mind reader ba itong si Madam Selvia? Kakasabi ko lamang ang katagang iyon sa aking isipan ngunit sinabi niya ito. Ano na bang nangyayari sa mundo?  “Ahh oo nga po pala hehe.” sabay kamot ko sa batok ko na tinapik naman ni Madam Selvia.   “Do not do that, do not slouch! This is etiquette Your Grace.”  Umupo ako ng maayos at tumayo naman si Madam Selvia at yumuko.  “Until next time Your Highness.”  Tumayo rin ako tumango at pinanood na umalis si Madam Selvia. Pagkaalis niya ay napaupo ulit ako sa upuan dahil sa pagod.  “Saan tayo ngayon Mor?” Tanong ko habang nakaupo ng hindi pang-reyna dahil sumasakit na ang likod.  “Kay Sir Prithious na po, Mahal na Reyna.”  Napabuntong hininga na lamang ako dahil mas nakakapagod pa ang susunod na klase ko, ang weaponry and magic subject. Pagkatapos ng ilang sandaling pamamahinga ay tumayo na ako upang pumunta sa aking susunod na klase.  Pagkarating doon ay wala pa si Sir Prithious kung kaya’t ginamit ko na ang sandaling iyon upang magbihis ng damit.  Pagkalabas ay napansing kong nagusap si Zeref at si Sir Prithious. Mukhang seryoso ang kanilang usapan dahil matagal na sandali pa bago nila ako napansin.  Naglakad na ako sa may mga armas na dingding at pinili ang armas na madalas kong gamitin. Napansin kong lumapit si Sir Prithious sa pwesto ko at namili rin ng kanyang armas. Paiba-iba ang kanyang pinipili kung kaya’t hindi ko mawari kung ano ang kukunin niya ngayon.  Nagulat ako ng piliin niya ay ang espadang mapurol at walang kahit anong disenyo. Sinabi niyang para sa mga uri ko lamang ang mga ganitong armas kung kaya’t ito lamang ang pinapagamit niya sa akin.  Napansin niya yata ang aking pagkabigla kung kaya’t tinignan niya ako at nginisihan tsaka siya naglakad sa gitnang bahagi ng silid.  Inayos ko na ang armas na kinuha ko, ang katana na mapurol at mabigat, at naglakad kasunod niya.  “Are you ready lose, Kamahalan?” Nginisihan niya ako at yumuko ng may halong pangiinsulto.  Tumango ako at yumuko rin upang magbigay galang. Handa na akong ipakita kung ano man ang napagaralan ko kay ama at ang mga sikretong pageensayo ko. Masyado ng nakakainsulto ang taong ito. Ngayon ipapakita ko na kung sino talaga ako.  Pagkatingin ko sakanya ay nakangiti siya sa akin na siyang ginaya ko rin ng may halong pagmamayabang.  Nagsimula na siyang umatake kung kaya’t hindi ko na napansin ang kanyang reaksyon sa aking ginawa. Umabante siya at iwinasiwas ang kanyang espada magmula sa taas pababa ng padayagonal. Sinangga ko ang kanyang atake gamit ang aking katana at iwinasiwas ito pataas upang salubungin ito.  Napaatras ako dahil sa bigat ng kanyang armas at gumilid upang maiwasan ito ng tuluyan. Umikot si Sir Prithious ng mabilis at handa nang salubungin ng kanyang armas ang aking tagiliran ngunit nakatalon ako pakanan.  “Nice reflexes young lady, but you need to do better than that.”  Nginisihan ko lamang siya at umatake pahakbang sa pwesto niya. Mabilis na iginalaw ko ang aking armas pakanan at pakaliwa habang umaabante. Napansin kong nagulat siya sa aking ginawa ngunit hindi siya nagpatalo at sinangga lahat ng atakeng pinapakawalan ko.  Yumuko ako upang bigyan siya ng pekeng atake sa kanyang sikmura at mabilis na tumayo upang sugatan siya sa kanyang kamay.  Naloko ko siya sa aking pekeng tira at may tumulo na dugo mula sa pagkakaatake ko sakanyang kamay.  Hinawakan niya ang kanyang sugat at napansin kong naging seryoso na ang kanyang itsura. Humigpit ang hawak niya sakanyang armas at umabante papunta sa pwesto ko.  Hinigpitan ko rin ang aking hawak sa katana at tumayo ng maayos upang madepensahan ang aking sarili.  Naging mas mabilis na ang kilos ni Sir Prithious kung kaya’t mas binilisan ko rin ang akin upang hindi ako matamaan sa mga atakeng pinapakawalan niya.  Naramdaman ko ring mas lumakas ang kanyang mga tira. Naisip kong ginagamit niya ang kanyang mahika na konektado sa elemento ng lupa.  Sinangga ko ang kanyang atake at ngumitngit ang aking ngipin dahil sa bigat ng pwersa nito. Mas pinagaralan ko pa ang mga kilos niya upang malaman ang kanyang kahinaan ngunit dahil sa bilis at lakas niya ay nahirapan ako.  Nagtumbling ako pataas upang iwasan ang mga batong bigla na lamang tumubo sa pwesto ko at habang nasa ere ay inatake ko siya na siyang nasalag niya naman gamit ang kanyang kapangyarihan.  Hindi patas ang aming laban dahil ayaw ko namang ipaalam na may kapangyarihan ako at hindi nila ito pwedeng malaman. Kahit pa ako na ang susunod na reyna, nangako ako sa aking ama.  Pagkalapag ko sa sahig ay napansin kong may paparating na mga matutulis na bato sa aking direksyon at dali dali naman akong yumuko upang ilagan ito. Ngunit dahil nahuli ako ay nahagip ang aking kamay at balikat ng ilang matutulis na bato. Dumaloy ang dugo mula dito ngunit hindi ko ito ininda dahil patuloy pa rin sa pagatake sa akin si Sir Prithious. Tumakbo siya sa pwesto ko at mabilis na umatake gamit ang kanyang armas. Sinundan ko naman ang kanyang bilis at para kaming naglalaro ng mga patalim sa bilis ng aming mga galaw. Nasa ganoong estado kami ng bigla na lamang may dalawang malalaking kamay ang humawak sa aming dalawa at pinaghiwalay kami. Napatingin ako sa pwesto ni Mor at nakita ko ang pagaalala sa kanyang mukha.Nang mapatingin ako kay Zeref ay nakita kong nakaangat ang dalawa niyang kamay. Siya ang kumokontrol ng tubig na ito ibig sabihin ba noon ay kamag-anak niya ang mga Clyborne? Pagkatapos ng ilang sandali ay mukhang bumalik na sa wisyo ni Sir Prithious at binitawan ang kanyang armas. Ganon rin ang ginawa ko at naglakad palapit kila Mor.   “Diyos ko Mahal na Reyna, ang daming dugo.”  “Mababaw lamang ang sugat na iyan Mor, hindi mo kailangang magalala, ayos lamang ako.” May tumikhim sa aking gilid at pagharap ko ay nakita ko si Sir Prithious. Ngumit siya sa akin at nagulat ako dahil sa puntong ito, totoo ang kanyang mga ngiti. Walang halong kayabangan at pangiinsulto.  “I am quite impressed Your Highness. Napakabilis ng iyong mga galaw, mukhang nagsasanay ka kahit wala tayong klase.”  Tumingin siya kay Zeref at tinapik ang balikat nito bago muling humarap sa akin at yumuko.  Tinanguan ko lamang siya at pinanood ang kanyang pagalis.  “Halika na po Mahal na Reyna, kailangan ng magamot ang mga sugat mo.”  Hinigit na ako ni Mor papunta sa may bathroom upang gamutin ang aking sugat at magbihis ng aking damit.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD